Chapter 44: To live and to die

43 3 0
                                    

Long chapter aheaadd! Kskdkdksk

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Long chapter aheaadd! Kskdkdksk

C H A P T E R 4 4:
To live and to die

C H A P T E R 4 4: To live and to die

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"S-si Jiro . . ." Halos pabulong kong wika at nagsimula nang mamasa ang mga mata ko habang nakatingin sa black and white na bangkay ni Jiro.

Napatingin ako kay Toshi na nasa dulo ng eskinita. Sunod niyang tinutukan ay si Elena at akmang magpapaputok na siya nang bigla may rumaragasang kutsilyo ang tumungo sa direksiyon niya.

Napabaling ako kay Hellisha na siyang nagtapon ng kutsilyong iyon. Nang muli akong lumingon kay Toshi ay nagawa niyang umiwas sa kutsilyong iyon. Napahawak siya sa tainga niya at may black and white sa paningin ko na likido ang tumulo ruon. Nadaplisan siya.

Akmang magpapaputok ulit siya nang may napakaraming sanga ang biglang tumubo sa pagitan namin dahilan para maharangan siya.

"Sorry, Jiro," wika ni Shane at bigla na lamang siya lumuhod sa bangkay ni Jiro at bahagyang niyakap ito.

She wasn't crying but her eyes were teary and she's biting her lower lip. She's trying not to break down. At gano'n din sina Hellisha at Ate Marrlia samantalang ako'y hindi na mapigil ang mg luha.

May humawak sa kamay ko at hinila ako patakbo. It was Hellisha while Ate Marlia was holding Elena's hand. Shane was the one who made that barrier made of plant.

Napalingon ako sa bangkay ni Jiro at napakagat ng labi. H-he died . . .

I'm sorry, Jiro.

Tumakbo kami paalis sa eskinita at may nakita pa kaming mga lalaking pinapaputukan kami. Sinusubukan namang ibalik ni Elena ang mga balang iyon sa kanila.

Malapit na kami sa labasan ng eskinita nang mapatigil kami nang may humarang sa dinaraanan namin na tatlong lalaki mula sa Vencer.

La Vidente : Iris MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon