C H A P T E R 4 1:
Fifth OriginTuluyan akong napaatras sa nakikita ngunit natigil nang maramdaman kong may nabangga ako sa likuran ko.
"Tch, kulit mo be," rinig kong wika niya.
Nang lingunin ko iyon ay tuluyan akong nabalot ng takot nang makita si Yolly na nakatingin nang masama sa akin. Agad akong napaatras habang nanginginig ang mga kamay na nasa bibig.
"Sabi sa 'yo 'di ba, huwag na huwag mong papakialaman ang pintong 'yan? Sinabi na 'yan ni Melvin," wika niya at dahan-dahang lumapit sa akin.
Napalunok ako at napaatras nang napaatras. Namalayan ko na lang na nasa loob na ako ng silid. "N-no. I'm sorry, Yolly. Hindi ko sinasadya-"
"Hindi mo sinasadya?"
Tuluyan na akong napaupo sa sahig na puno ng dugo nang may inilabas siyang kutsilyo mula sa likuran niya.
Shuta!
"Anong hindi mo sinasadya? Hindi mo na lang sabihin na pakialamera ka talaga," wika niya at umupo sa tapat ko. Tinitigan niya ang kutsilyo niya at napatingin sa akin saka ngumisi.
"T-teka, a-anong gagawin mo, Y-Yoll-" Napatili na ako nang itaas niya ang kutsilyo niya at akmang isasaksak sa akin iyon. Isinalag ko ang kamay sa harap at agad ko siyang sinipa sa sikmura.
Napadaing siya sa sakit at agad na napaupo. Sisipain ko sana ulit siya ngunit hindi ko na ito maigalaw nang hawakan niya ang paa ko.
"Shutaka! Ano bang ginagawa mo Yolly! Nababaliw ka na!" Buong lakas ko siyang sinipa hanggang sa mabitawan niya ang paa ko.
Tatayo na sana ako ngunit napadaing na lang ako sa sakit nang madulas ako sa tiles na puno ng dugo.
"Hoy gaga, charot lang e," rinig kong wika ni Yolly kaya natigilan ako. Napatingin ako sa kanya na tumatawa habang tumatayo.
BINABASA MO ANG
La Vidente : Iris Madrigal
FantasyWRITTEN IN TAGLISH La Trilogy #1 Iris Madrigal, the girl who can sense danger, lived her whole life with guilt and conscience as she can't save everyone from peril. She tried to help others and stop every trouble that comes. Until one day, she disc...