Chapter 10: Vencer Organization

69 9 1
                                    

C H A P T E R 1 0:Vencer Organization

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


C H A P T E R 1 0:
Vencer Organization

C H A P T E R 1 0:Vencer Organization

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Iris, P-Perv, S-Strenty . . ."

"Y-Yolly?" Agad napaawang ang bibig ko nang makita ang kalagayan ni Yolly kung saan sapo niya ang tagiliran niyang dumudugo na.

Muli akong napatingin sa sugat niya at napasinghap. Parang tama iyon ng bala!  Shuta!

Agad akong tumakbo sa kanya habang nangingig ang mga tuhod at kamay. "Y-Yolly! A-anong nangyari? Bakit d-dumudugo ang tagiliran mo? Kailangan mong maidala sa ospital!"

Agad na lumapit si Strent at akmang bubuhatin si Yolly nang hawakan siya nito nang mahigpit sa braso. "H-huwag. K-kung dadalhin niyo man ako s-sa ospital, u-umalis na lang k-kayo. Bago pa s-sila dumating at mapahamak kayo," wika niya habang napapikit at dumadaing sa sakit.

"Sila? S-sinong sila?" tanong ni Perv.

"Ang m-mga taga-organization . . ." sagot niya at pilit na humahagilap ng hangin.

"Pero k-kailangan ka naming idala sa ospital! Baka maubusan ka ng dugo!" wika ko at bumaling kay Strent. "S-Strent, buhatin mo na siya! Idadala natin siya sa ospital!"

"Huwag, Strent. K-kailangan niyo nang umalis. P-paparating na sila. K-kung hindi kayo umalis ay m-mamatay din kayo."

Nakunot ang noo ko sa mga sinasaji ni Yolly. Anong ibig niyang sabihin? Mamatay kami? Bakit may tama siya sa tagiliran at anong sinasabi niya tungkol sa organisasyon?

Pero kahit maraming tanong ang nasa isip ko at nalilito sa sinasabi ni Yolly ay biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko.

"Paano niyo ako nahanap? P-Perv, paano mo nasiguradong n-nandito ako?" tanong ni Yolly kay Perv na hanggang ngayon ay hindi makapaniwala sa lagay ni Yolly. "K-kung may ability k-ka man, kailangan mong mag-ingat."

La Vidente : Iris MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon