C H A P T E R S 2 0:
The Vencer Hunter"Can't you just turn this rope into ash?"
"I can't. My hands were tied tightly. I can't even reach the rope. And I can't reach my hunting knife."
"Gising na ba si Iris?"
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang makarinig ng mga ingay.
Sinubukan kong tumayo ngunit napadaing lamang ako nang mapansing mahigpit na nakatali ang mga kamay ko sa likod. It hurts whenever I move.
What's going on?
Sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari at nanlaki ang mga mata ko.
Shuta! Si Toshi ang may gawa nito!
Sinubukan kong magpumiglas ngunit lalo lamang akong nasasaktan.
"Tulong!" sigaw ko.
"Iris, huminahon ka muna," rinig kong wika ni Strent sa tabi ko. "You're already awake. Kailangan nating makaalis dito."
Nilingon ko siya. "Strent, asaan tayo? Anong nangyayari?" Muli kong sinubukang magpumiglas.
"Can you calm down, Madrigal?" Natigil ako nang marinig si Mica. Nilingon ko siya na nasa kabilang tabi ko. "Walang magagawa 'yang pagsigaw mo. Sinasaktan mo lang sarili mo."
Huminga ako nang malalim at tinitigan siya nang mariin. "Alam mo bang kagagawan 'to ng Vencer?"
Nakarinig ako ng mahinang pagsinghap ngunit nang nilibot ko ay walang tao.
Nasa isang entablado kami kung saan ko nakita sina Strent kanina. Nakatakip ang kurtina at may spotlight na nakatutok sa amin.
BINABASA MO ANG
La Vidente : Iris Madrigal
FantasyWRITTEN IN TAGLISH La Trilogy #1 Iris Madrigal, the girl who can sense danger, lived her whole life with guilt and conscience as she can't save everyone from peril. She tried to help others and stop every trouble that comes. Until one day, she disc...