C H A P T E R 8:
She's in danger
Natigilan ako nang marinig ang matitinis na tunog na iyon at awtomatikong naipikit ko ang mga mata ko.
Nang imulat ko iyon ay black and white na ang paningin ko.
Shuta! Ano na naman ba ang mangyayaring masama?
Itinuon ko ang paningin sa harap kung saan black and white na lang ang paligid. Inilibot ko ang paningin ko sa labas ngunit hindi ko na nakita si Yolly na kanina lang ay biglang tumakbo.
Paano kung . . .
. . . paano kung si Yolly ang nasa kapahamakan?
These days, mga malalaking aksidente na ang nase-sense ko. Paano kung malaking aksidente rin ang ngayon at si Yolly iyon?
Agad akong tumakbo palabas ngunit natigilan nang may magsalita, "Miss Madrigal, the lunch is over. Our class will start now."
Napalingon ako kay Miss Cabatulan na ngayon ay nakangiti na sa akin nang matamis. Wala na pala si Steven sa tabi niya at mukhang tapos na silang maglandian.
Napalunok ako at muling tinanaw ang direksiyon kung nasaan tumakbo si Yolly.. Pero wala ng bakas ni Yolly duon. Pero paano?
Wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa loob ng classroom. Naupo na lamang ako habang pinagmamasdan ang paligid.
Si Yolly . . .
... she's been weird simula kanina. Tila natatakot siya. Pero bakit?
Nagsimula na ang klase for afternoon and as usual, late na naman si Strent. Nag-check ng attendance si Miss at akala niya ay absent lamang si Yolly or nag-cutting.
BINABASA MO ANG
La Vidente : Iris Madrigal
FantasyWRITTEN IN TAGLISH La Trilogy #1 Iris Madrigal, the girl who can sense danger, lived her whole life with guilt and conscience as she can't save everyone from peril. She tried to help others and stop every trouble that comes. Until one day, she disc...