C H A P T E R 13:
It doesn't make sense"Uy!"
Nagbalik ako sa reyalidad nang pitikin ni Jayson ang daliri sa harap ko.
"A-ah, ano nga 'yon?" Black and white na ang paningin ko at 'di ko maiwasang sumulyap sa dinaanan ng lalaking iyon kanina.
"P'wedeng magtanong?"
Tumango ako.
Napakamot siya sa batok niya at nahihiya niya akong tiningnan. "Pumasok ba si G-Gomez?"
My mouth gaped open dahil sa tanong niya. Napalunok ako bago bumaling kay Strent na ngumiti lang kay Jason at hinawakan sa balikat.
"Nag-transfer na daw si Yolly, lods," wika ni Strent.
Nanlaki ang mga mata ni Jayson. "Huh? Hindi siya p'wedeng mag-transfer!"
Nakunot ang noo namin. Bakit naman?
"P-pero nag-transfer na siya, e. Iyon ang sabi ng a-adviser namin," wika ko at nag-iwas ng tingin.
I was guilty. Alam kong kasinungalingan lang iyon but I need to act like normal.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "S-sige. Salamat . . ."
Tumango siya sa amin na tila sinasabing aalis na siya. Tinanguan din namin siya pabalik at umalis na siya sa harap namin.
"Iris, nahabol mo ba 'yon?" tanong ni Strent at inayos ang suot na sweater na bahagyang nagusot.
Napalunok ako bago lumapit sa kanya at bumulong. "S-Strent, may mangyayaring m-masama. I-I sensed it."
Napaawang ang bibig niya at nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko. Hinila niya ako sa medyo liblib na lugar kung saan wala masyadong estudyanteng dumadaan.
BINABASA MO ANG
La Vidente : Iris Madrigal
FantasyWRITTEN IN TAGLISH La Trilogy #1 Iris Madrigal, the girl who can sense danger, lived her whole life with guilt and conscience as she can't save everyone from peril. She tried to help others and stop every trouble that comes. Until one day, she disc...