Chapter 62: Betrayed

25 2 0
                                    

C H A P T E R 6 2:Betrayed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

C H A P T E R 6 2:
Betrayed

"Iris!" Agad na umalingawngaw ang nag-aalangang boses ni Perv at nagmamadaling tumakbo tungo kay Iris na inaalalayan si Mica

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Iris!" Agad na umalingawngaw ang nag-aalangang boses ni Perv at nagmamadaling tumakbo tungo kay Iris na inaalalayan si Mica.

Nang makalapit ay nanlaki ang mga mata niya. Mica looked so drained. Nakatulala lang siya at patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha niya.

"W-what happened to the both of you? Anong nangyari kay Mica?" He looked at their back na tila may hinahanap pa. "A-at nasaan si papa mo, Iris? I thought you're here to get him?"

Iris smiled. "Long story short-- nakatakas si Dad habang nagbabardagulan kami ni Mica." Napatingin siya kay Mica. Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ni Mica. "I-I'm sorry, Mica... Kung hindi mo nagawang makapaghiganti."

Nakunot ang noo ni Perv, walang kamalay-malay sa nangyayari. "What really happened?"

Iris looked at him intently. "Sasabihin ko sa susunod. Nasaan sina Strent at ang iba pa?"

He pointed his finger on the ceiling. "Nasa langit na." Agad siyang sinamaan ni Iris dahil sa sinabi. Itinaas ni Perv ang dalawang daliri. "Peace yow. Nasa taas na. Tara na."

Tinulungan na niya si Iris sa pag-alalay kay Mica at sabay nilang tinahak ang hagdan patungo sa ground floor kung nasaan sina Strent at ang iba pa.

Nang madaanan nila ang kaninang hallway kung saan iniwan ni Iris si Lance ay nakahinga nang maluwag si Iris. Naruon ang bangkay ni Ara. Nanalo si Lance.

Nang makapunta sa kinaroroonan ng iba, agad silang sinalubong ni Bella. Nasa gitna sila ng building at nagkukumpulan ang halos 80 na extrano. Agad na niyakap ni Bella ang kaniyang pinsan.

"Iris!" Naluha ito nang malala. "I'm glad you're alright. Muntikan ko pang isumpa ang mga unicorn sa sobrang kaba ko dahil super duper tagal niyo!" Lalo pa niyang hinigpitan ang yakap kay Iris. "I miss you so much."

La Vidente : Iris MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon