Chapter 64: Ace in the hole

41 1 0
                                    

C H A P T E R 6 4:Ace in the hole

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

C H A P T E R 6 4:
Ace in the hole

Naikuyom ni Iris ang kaniyang mga kamao

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naikuyom ni Iris ang kaniyang mga kamao. Sinubukan niyang tumayo ngunit tila ba may napakabigat na puwersa ang pumipigil sa kanya kaya nanatili siyang nakaluhod.

Napatingin siya sa iba at lahat sila ay sinusubukan na ring tumayo ngunit gaya niya ay wala silang magawa kundi ang mapaluhod.

Ang ibang mga kasamahan nila ay nagsimulang mag-iyakan. Talo na sila. Si Venice ang pinakamalakas na extrano sa kanilang lahat dahil nagagawa nitong patigilin ang kahit sino. Iyon ang iniiwasan nila Strent, ang maabutan ni Venice.

Lumingon si Venice sa lalaking may kakayahan tumakbo nang sobrang bilis. "Si Dominar, Troy," wika niya at sa isang iglap ay nawala ang lalaki at pagkaraan ng dalawang segundo ay nasa tabi na ni Venice ito, kasama si Dominar.

"Oh, my precious children." Ngumiti si Dominar nang malumanay. Tumingin siya kina Steven, Emma, Toshi, at umiling-iling. He sighed. "I'm so disappointed. Sa lahat ng ginawa ko para sa inyo, nagawa niyo lang akong traydurin?"

"Lahat ng ginawa niyo? Wala kayong ginawa! Pinahirapan mo kami! Br-ina-inwash mo kami! Pinatay mo ang kakambal ko!" sigaw ni Toshi at nanggagalaiti na ito sa galit. Mahigpit ang hawak niya sa katana. Kasing tulis din ng sandatang hawak niya ang mga titig niya kay Dominar. "Tinanggal mo ang kalayaan namin! Baliw ka na! Inalila mo kami! Dinungisan mo ang mga kamay namin!"

Dominar arched his brow. "Really? You didn't enjoy how you killed Iris' friends?You didn't enjoy killing Hellisha?"

Bigla na lamang napatigil si Toshi. Lalo pa niyang naikuyom ang mga kamao at naayuko.

"Sorry if I'm late. Pinigilan pa kasi ako ng bitch na 'to, e."

Napalingon silang lahat sa likod at halos lahat ng extrano na kakampi nila Iris ay napasigaw.

La Vidente : Iris MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon