WRITTEN IN TAGLISH
La Trilogy #1
Iris Madrigal, the girl who can sense danger, lived her whole life with guilt and conscience as she can't save everyone from peril. She tried to help others and stop every trouble that comes. Until one day, she disc...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
C H A P T E R 1 4: Volleyball match
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
It's been a day since Jayson did suicide attempt that Bella was able to stop.
Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako sa na-sense ko nang araw na 'yon. Jayson also got punishment dahil sa eskandalong ginawa niya and was guided para hindi na muling maulit ang nangyari.
Sinabi ko rin nang araw na iyon na hindi ko nagawang pigilan at hanapin kung kanino ko na-sense ang kapahamakan na iyon. Wala ring nabalitang masamang nangyari nang araw na iyon sa mga estudyante ng Soliman High.
Wala rin kaming balita tungkol sa lalaking nakarinig ng usapan namin no'n. Hinihiling ko lang na sana ay hindi siya mapahamak dahil sa narinig niya kung naintindihan niya man ang pinag-uusapan namin no'n.
"S-Strent, may na-sense ako," bulong ko kay Strent at naibagsak ang mukha sa mesa.
It's Friday at kahapon lang nangyari ang suicide attempt ni Jayson pero may na-sense na naman ako kanina lang. Shuta.
Black and white ang paningin ko at halos mabaliw na ako sa kakaisip na naman ng kung ano man ang mangyayari ngayong araw.
Gen Math ang subject namin at wala akong balak makinig dahil una, may bumabagabag sa akin at iyon ay ang na-sense ko, at pangalawa, nakakatamad ang math.
Bumaling sa akin si Strent habang inaayos ang sweater nito at tinatapos ang sinusulat sa notebook. "Na naman?"
Napabuntong-hininga ako bago tumango. "Na naman."
"Siguro magnet ka ng kapahamakan," wika niya at natatawang umiling. "Lagi ka na lang bang nakaka-sense? I wonder how you feel if ever you didn't save someone."
Napabuka ang bibig ko nang bahagya at parang may nakabara sa lalamunan ko dahil sa sinabi ni Strent. Nag-iwas lang ako ng tingin.