Chapter 60: Air vs water

33 2 2
                                    

C H A P T E R  6 0: Air vs water

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

C H A P T E R  6 0:
Air vs water

"Asa'n na sila? Bakit ka pa pumunta duon? Kaya na namin 'yon ni Iris," wika ni Emma habang tumatakbo kami sa pasilyo ng lab

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Asa'n na sila? Bakit ka pa pumunta duon? Kaya na namin 'yon ni Iris," wika ni Emma habang tumatakbo kami sa pasilyo ng lab.

Strent chuckled at ginulo ang buhok ni Emma na ikinangiwi ng huli. "Kung hindi ako pumunta duon, baka ano nang nangyari sa inyo." Muli niyang itinuon ang tingin sa harap. "Huwag kang mag-alala. Nagawa nang palayain ni Toshi ang iba. Alam na niya ang gagawin niya."

Tumingin sa akin si Strent. "Magtiis ka muna sa hikaw mo, Iris. Tatanggalin 'yan ni Meldrid mamaya."

Tumango ako at ngumiti. "Salamat."

Halos napapapikit ako sa mga nakikita ko. Ang ibang goons na humaharang sa amin ay tuloy-tuloy nang nasusunog nang kusa kung kaya't hindi na namin alintana iyon. Sinabi ni Strent na na-hack niya ang system kung nasaan nakakonekta ang mga microchip ng mga goons na nasa batok nila. Gano'n din ang nangyari noon no'ng nasa Soliman High kami. Parang nagse-self destruction sila.

Medyo stupid si Dominar na gumagawa siya ng gano'n. Nagamit tuloy namin oara mapadali ang pagtakas. Yun nga lang,  mga goons lang ang na-eliminate namin.

Nagkakagulo na ang ibang mga lab researcher at wala na nga silang pake sa amin. Ang mga extrano daw lang ang lumalaban ngunit kakaunti lang sila. Sa ngayon, wala pa kaming nakakaharap na extrano.

Napatingin ako kay Strent. I just remembered something. "S-si Dad pala? Nasaan siya?"

Bigla na lamang silang napatigil. Hinarap ako ni Emma. "Hindi ko nagawang ibalik ang mga alaala niya. Ten years ago pa no'ng iniba ko alaala niya kaya kailangan ko pa nang mas mahabang oras para maibalik siya."

Nanlaki ang mga mata ko. "S-so nasaan na siya?" Napatingin ako kay Strent. "S-Strent, asaan si Dad?"

Napalunok siya at napayuko. "S-sorry, Iris. Hindi ko siya nagawang makuha kanina kasi kakailanganin kong unahin ang plano natin. Kailangan kong unahin ang mga extrano na biktima."

La Vidente : Iris MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon