C H A P T E R 22:
Doubts and trust"Oo eh. Nag-transfer na siya last Thursday. Sayang nga, wala na tuloy akong makopyahan tuwing exam," wika ng isa sa mga classmate ni Andrew at napapakamot pa sa batok.
"Ah, gano'n ba? Sige salamat," wika ni Strent at hinila ako papunta sa gilid nang bumalik na ang pinagtanungan namin.
It's our last subject ngunit wala ang teacher namin. Napag-desisyonan naming magtanong sa kung anong nangyari kay Andrew mula sa mga classmate niya. Nagpaiwan lang si Perv dahil daw tatawagan niya kami kung sakaling bumalik ang teacher namin.
Napalunok ako at napatingin kay Strent. "D-do you think . . . he's caught by the Vencer?"
Napabuntong-hininga siya. "Hindi ko alam ngunit gano'n din ang nangyari kay Yolly 'di ba? May nalalaman si Yolly kaya siya kinuha at pinatay. Pagkatapos no'n, ilang araw lang ang nakalipas, sinabing nag-transfer na siya."
Pinigilan kong mapaiyak. Nai-imagine ko na nasa kamay na ng Vencer si Andrew at naging human guinea pig na nila. Nai-imagine ko ang takot niya at kung ano man ang paghihirap niya.
Even though I dislike him because he looked like Toshi, I still can't let him be a victim of the Vencer. Naiinis man ako sa kanya dahil inilantad niyang may nalalaman kami sa harap ng maraming tao, hindi ko pa rin maiwasang matakot para sa kanya.
"W-what are we going to do now?" tanong ko kay Strent. Hindi ko maiwasang mangamba para kay Andrew.
"We must be more careful now. Nalaman na ng Vencer na may nalalaman si Andrew o kaya naman ay nalaman nilang may ability siya. Kung kaya't kailangan nating mag-ingat," he said at inayos ang suot na pink sweater. "Pero sa tingin mo, paano nila nalaman na may alam siya?"
"Baka dahil masyado siyang maingay. He's even shouting the organization's name in crowd." And as what Venice said, they have ears everywhere. Hindi ko na lamang sinabi iyon dahil magtataka si Strent kung paano ko nalaman iyon.
BINABASA MO ANG
La Vidente : Iris Madrigal
FantasyWRITTEN IN TAGLISH La Trilogy #1 Iris Madrigal, the girl who can sense danger, lived her whole life with guilt and conscience as she can't save everyone from peril. She tried to help others and stop every trouble that comes. Until one day, she disc...