C H A P T E R 5 6:
Taking Dominar's side
T H I R D P E R S O N
P.O.V"Anak, kailangan mo nang magbihis," wika ni Vrio at niyakap si Iris na nakaupo sa kama nito.
Dalawang araw na simula nang pumayag si Iris na makipagtulungan kay Dominar. Wala na. Tuluyan na siyang namanipula ni Dominar.
Iyon ang gustong gawin ni Dominar. Alam niyang sa simpleng physical torture ay hindi niya mapapayag si Iris. Ngunit emotionally, alam niyang makakaapekto ito kay Iris. Kaya ginamit niya lamang ang pangto-toruture kay Iris physically upang unti-unting makabuo ng trauma si Iris.
From the moment Iris learned about Phoebe and how Dominar treated her, Dominar already know that Iris will snap.
Tumango-tango si Iris at kinuha ang isang itim na bestida sa gilid. Iyon ay ang inihatid ni Toshi na susuotin daw ni iris.
"O-opo, Dad," wika ni Iris at pumasok na sa CR.
"I'll wait you there, Sweetie. Be sure to look good on Dominar," wika ni Vrio bago umalis.
Wala namang espesyal ngayon. Isa lamang hapunang magaganap sa isang malaking hapag ng laboratory. Dominar just want to fully welcome Iris on the organization he built.
Nang matapos si Iris ay lumabas na siya. Agad siyang napaatras at nayuko. Naruon kasi si Dominar. Nakasilip ito sa transparent na pinto ni Iris habang nakangiti.
"Oh, Iris, don't be afraid. Ituring mo akong ama mo," wika ni Dominar. "I just want to check you. You look beautiful, Anak."
Binuksan niya ang pinto na nagpaatras kay Iris. He then entered her room and held her by her shoulder. He made her face him.
"Hindi ba't sinabi ko na? Na hindi mo na kailangang matakot sa akin. Since you're now with me and your father, I can assure that I'll treat you the best possible way I can. You're like my daughter."
BINABASA MO ANG
La Vidente : Iris Madrigal
FantasyWRITTEN IN TAGLISH La Trilogy #1 Iris Madrigal, the girl who can sense danger, lived her whole life with guilt and conscience as she can't save everyone from peril. She tried to help others and stop every trouble that comes. Until one day, she disc...