Chapter 7: Something's odd

113 13 58
                                    

C H A P T E R 7:Something's odd

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

C H A P T E R 7:
Something's odd

"Sweetie, are you okay?" wika ni Mom at inilapat ang palad sa noo ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sweetie, are you okay?" wika ni Mom at inilapat ang palad sa noo ko. "Hindi ka naman nilalagnat pero bakit ang tamlay mo? May problema ba? Noong friday ka pa gan'yan."

Bumangon ako mula sa kama ko at napabuntong-hininga bago umiling. "N-nothing Mom. M-masama lang talaga ang pakiramdam ko."

"Bakit? Nahulog ka na naman ba sa hagdan?" biro niya.

Ngumiti lang ako nang pilit. "No, Mom. Okay lang talaga ako."

"Oh siya. Baka kulang ka lang sa pasyal. Maligo ka na r'yan at mamasyal tayo." Hinalikan niya ako sa noo bago umalis sa kuwarto ko.

Muli akong napabuntong-hininga at ibinagsak ang katawan sa kama.

It's been two days since that day.
Nang makita si Ma'am Enriquez na siyang nakabangga ko no'ng recess na nakabigti sa storage room sa school.

Parehas ng silid na bubuksan sana namin ni Strent at ang parehong pintong nakita naming biglang bumakas-sara.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin iyon makalimutan. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil hindi ko napigilan ang gurong iyon na magpatiwakal.

I know, her death was what I sensed.

Halos gabi-gabi ay iniisip ko ang mukha niya at halos gabi-gabi ay nagi-guilty ako. Kung sana lang ay nahanap ko siya ay baka napigilan ko siya sa gagawin niyang pagpapakamatay. Pero masyado akong mabagal.

Noong biyarnes matapos ko 'yong makita ay halos hindi ako makatayo. Mabuti na lang at naruon si Strent na siyang humawak sa kamay kong nanginginig at siyang nagsabing hindi ko iyon kasalanan dahil paulit-ulit ko iyong sinasabi.

Natatakot ako, nagi-guilty, kung bakit hindi ko napigilan ang gurong iyon na magpatiwakal. Pero sinabi sa akin ni Strent na wala akong kasalanan. And I know he said it genuinely kaya kahit papaano ay kumalma ako no'n.

La Vidente : Iris MadrigalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon