Chapter 39: Trauma

1.7K 32 0
                                    

Naiiyak ako sa sama ng loob.
Para akong tanga sa kawalan habang gumagawa ng gawaing bahay.
  Ang hirap i-bear ng situation tapos sa bahay napakalaki din ng problema nyo.

Yung nanay ko talak ng talak sakin tuwing may mali akong nagagawa.. bunga yan ng pag-aaway nila ng Papa ko.
Hindi naman sya ganun  dati pero ngayon'y nag-iba na sya ng pakitungo sakin.
Lagi nyang sinasasabi pag may mali akong nagagawa.
"Manang-mana ka sa ama mo! Magsama kayo!", paulit-ulit na lang.

"Hoy Christian, anong iniiyak-iyak mo dyan? Inaano ka ba?", sabi ng nanay ko habang naghuhugas ako ng plato.

Nagpatong-patong na kasi ang pag-iisip ko sa lovelife ko tapos ito pang problema sa Family kaya one time hindi ko na natiis yung panlalait sa akin ng nanay ko.

"Ginagawa ko naman trabaho ko eh.. Bakit kayo ganyan.. Ako yung pinapahirapan nyo sa paghihiwalay ninyo ni Papa", sagot ko sa nanay ko.

Ayaw ng mama ko na sumasagot sa kanya sa kahit anong dahilan kaya bigla nya akong sinampal ng pagkalakas-lakas.

"Hindi kita pinalaki para sagut-sagutin ako ng ganyan tarantado ka! Alam mo ang ugali mo, Singhayop ng Ama mo! Tamad! Batugan! Iganorante! Adik!".

"Bakit ba? Ano bang ginawa sa inyo ni Papa? Hindi ko sya masisi kung umalis sya dito dahil sa pinaggagagawa nyo", I answered back shuterring.

Nag-init ang ulo ng Mama ko.
Pinakuha nya ang gamit ko at pinag-impake.

"Bitawan mo ang platong yan Putang ina ka.. Kunin mo ang gamit mo hayop ka! Mag-impake ka! Dun ka sa Ama mo".

Wala akong tigil sa ka-iiyak na halos lahat ng kapitbahay naririnig na kaming nagtatalo ng Nanay ko dahil tila napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.

"Hindi ka kikilos?", sabi ng nanay kong galit na galit.
Kinuha niya ang mga damit ko sa cabinet at hinablot ang mga ito.
Bigla nyang tinapon sa labas at hinagis papalayo.
Wala akong nagawa kundi tumangis ng tumangis, ang mga kapatid ko rin na maliliit pa ay parang isang Choir sa pag-iyak dahil sa nasaksihan nila.
This is one of the most traumatic stage of my life.

"Lumayas ka, dun ka sa ama mo", hinablot nya ang mga kamay ko ng pagkahigpi- higpit at itinaboy palabas ng bahay.

Isa-isang naglabasan ang mga kapitbahay.
Awang-awa sila sa akin pero ni isa'y walang naisipang umawat sa ginagawa sa akin ng nanay ko.
Binubulyawan ako ng nanay ko.
Wala akong magawa dahil di ko naman alam kung saan ako tutuloy kung sakaling umalis.
Di ko rin alam kung saan makikita ang tinutuluyan ng Papa ko.

"Magsama kayong mga tamad! Adik!", agad nyang binalibag ang pinto at ako'y naiwan sa labas na luhaan habang pinagtitinginan ng kapitbahay.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang rason kung bakit nag-away ang parents ko.
Ang alam kong dahilan ay dahil mabunganga ang Mama ko.
I just found out na ang reason behind their separation is because of my father taking drugs.
Hindi sya nakakapagbigay ng pera for the past 3 months kay Mama dahil nauubos lang sa bawal na gamut.
Na-notice kong bihira lang syang umuwi ng bahay nung mga nagdaang araw, ang rason pala'y napakalala.
Kaya pala hindi ako mabilhan ng computer ni Mama dahil ang source ng finance naming e nanggagaling na lang sa tindahan.
In addition to that, private school pa kaming lahat napasok.

50 Shades of JayJay (formerly entitled Sex with my Hunky Neighbor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon