Chapter 50: Girlfriend

1.7K 37 1
                                    

Nang matapos ang kontrata ni Kuya Jayjay sa Maynila ay bumalik na itong muli sa kanyang orihinal na bahay sa housing project.
Yun nga lang, kasama na niya si Ate Grace na noo'y busy sa pag-aasikaso sa aking asawa.
Wala naman akong namumuong sama ng loob sa kanya pero naiinis lang ako sa kalandian niya.
Akala ko ba ayaw niyang mabuntis, pero sya pa talaga ang gumagawa ng way para makipagtalik kay Kuya Jayjay.
Ang landing babae di ba? E kung may sapat lang akong pera para lumuwas ng Maynila ay matagal ko na sanang ginawa para maserbisyuhan ko ang asawa ko.
Take note asawa ko pa rin si Kuya Jayjay kahit may asawa na siya.
Hindi sila ang totoong nagmamahalan, yan ang pinapaniwalaan ko dahil hindi naman magsasabi sa akin si Kuya ng big words kung hindi nya talaga ako mahal.
What an innocent mind di ba?

"Sabay na tayo Christian", alok ni Kuya Rick sa'kin dahil papasok din siya ng school.
Nagkataong wala akong service kaya nagpaalam ako kay Mama na sasabay sa gwapong estudyante ko.

Habang kami'y papuntang terminal ay tinawag ako ni Neneng asungot dahil gustong sumama sa aming sumakay.
Pang-agaw lang ng moment di ba?

"Christian sabay na ako sa inyo!", sigaw niya.

Hindi na siya nahihiya kay Kuya Rick gaya ng dati na patago lang ang paghanga niya sa kanya.
As if patulan naman siya ni Kuya e ampangit-pangit nya.
Biruin mo nagrequest sa akin na sabihin ko raw kay Kuya na pa-kiss daw sa lips.
Ang kapal ng mukha di ba? Napaka-illusyunada! E si Kuya Rick e ayaw madampian ng kamay nya ng balat nya dahil hindi maalaga sa katawan itong babaitang ito.

Habang sumasakay ng Jeep e gumawa ako ng paraan para hindi talaga niya makatabi si Kuya Rick.
Napansin ko tuloy ang pagsimangot nya at habang umaandar ang Jeep ay kinukurot nya ako sa hita.

"Aray ko.... bakit mo ba ako kinukurot Nene ha?", mahinang sabi ko.
Alam ko naman ang dahilan pero intensyon ko talagang hindi sya patabihin sa kanya.

Tinitigan nya ako ng masama.
Ang kapal ng mukha talaga.
Feelingera to the highest level.
Medyo naasar ako sa pagkurot nya.
Gusto kong sabihin sa kanya na may relasyon kami ni Kuya kaso parang hindi naman akma at baka pagkamalan pa akong bading ng negrang ito.

Hindi ko na siya ininda at nagconcentrate na lang ako kay Kuya Rick.
Ang sarap amuyin ng pabango nya, ang sarap singhut-singhutin sobra.
Maporma syang mag-ayos lalo na sa kanyang buhok kaya tuwing papasok sya at lalabas ng bahay ay lagi syang handa sa kanyang pamatay na pamorma.
Tuwing kasama ko sya'y napapansin ko na ang mga kababaiha'y pahapyaw na tumitingin sa kanya.
They are giving him a second look dahil talagang gwapo itong si Kuya, pamatay talaga sa mga chicks.
Feeling proud tuloy akong tuwing kasama ko sya na feeling ako ang girlfriend/boyfriend nya hehe.

Nag-aaral kami sa parehong school dahil ang iskwelahang iyo'y for high school ang college students.
Si Nene nama'y sa public lamang nag-aaral na 10 minute walk away mula sa aming paaralan.
As usual, ang boring ng klase namin though lagi akong prepared sa mga lessons.
Pre-occupied kase ang utak ko ni Kuya Rick.
Tama, si Kuya Rick at hindi si Kuya Jayjay.
Sinet-aside ko muna yung nararamdaman ko sa lalaking iyon and I'm giving a shot of a lifetime for amazingly gorgeous Kuya Rick.

Malapit ng matapos ang aming klase, nakita ko si Kuya Rick sa labas ng room namin.
Hindi naman namin pinag-usapan na hintayin nya ako dahil kaya ko namang umuwi ng walang service.
Ano kayang nakain nun at na-isipang pumunta rito?

Nang matapos ang klase'y agad akong pumunta sa kanya.
"Bakit nandito ka?", takang tanong ko.

"Wala lang.... Wala akong kasama umuwi e".

Ang sweet nya sobra.
Pinuntahan pa nya ako dahil gusto lang nya.
It only means may pagtingin na siya sa'kin.
Ang haba ng hair ko.

"Sino yang kausap mo ang gwapo-gwapo naman", bulong sa'kin ng babae kong kaklase sa likuran ko.

"Ah kapitbahay namin", utal kong sabi.

"Sabihin mo ang gwapo niya", ngiting bulong nya sa akin at biglang umalis.

"O tara na?"

"Kuya sabi ni Franzene ang gwapo mo daw",  sabi ko.

"Alam ko na yun", ngiting sabi niya sa akin.

Pamukaw atensyon talaga itong si Kuya Rick, wala pa siyang ginagawa'y pansinin talaga sya ng mga tao sa School namin.
Kahit mga bagets pa lang ay pinagtitinginan sya na akala mo'y nakakita ng artista.
Ang gwapo nya kasi e! Sobrang gwapo! Habang iniisip ko 'yun ay lalo akong nagkakaroon ng desire na laging sumama at makasama siya.
Habang pinagtitinginan sya ng mga kababaiha'y mas lalo kong naa-appreciate ang pagdikit ko sa kanya.

"Kain tayo sa Jollibee....", alok nya sakin.

"Sige, may pera pa ako dito!"

Dumiretso kami sa kainan ng pulang matabang bubuyog.
If my memory serves right, medyo mura pa noon ang pagkain.
Mga 20 plus pa lang nun ang Jollibee spaghetti, dagdagan lang ng konting barya at may drinks ka na.
Umorder ako ng all-time favorite ko na Spaghetti at French Fries samantalang siya'y Hamburger at French Fries ang inorder.

Tumungo kami sa bakanteng lamesa at doon kumain.
Salit-salitan ako ng tingin, sa pagkain ko, at sa napakagwapong mukha ni Kuya Rick.
He really grows in me.
Sa kanya ko na-appreciate ang salitang gwapo  na noo'y di ko naman talaga pinapansin.

"May assignment ka ba Kuya?", boluntaryo kong sabi sa kanya.
Aba, ako pa talaga ang nagtanong.
Ang gaan  na kasi ng loob ko tuwing kasama ko siya.

"Meron pero kaya ko na 'yun madali lang", sabi niya habang kinakain ang burger.

"Mabuti naman.. Basta kung may nahihirapan kang subject sabihin mo lang sa'kin.. Tingnan ko kung kaya ko", sabi ko sa kanya at ginantihan niya ako ng pamatay na ngiti.

Masasabi ko talagang hulog na hulog na ako sa kanya.
Nakakalimutan ko na rin si Kuya Jayjay kahit papaano na noo'y nasa honeymoon nila ni Ate Grace, at least pwede kong ibaling kay Kuya Rick ang pagkatigang ko sa asawa ko na asawa na ng iba.

"May Girlfriend na ako", biglang sabi nya.

Napahinto ako sa pagkain ng spaghetti dahil sa pagkasorpresa.
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko pero parang nakaramdam ako ng sakit.
Wala naman kaming relasyon ni Kuya Rick kaya wala akong karapatang masaktan.

"Sino?", mahinang tugon ko.

"Ikaw!"

Nanlaki ang mga mata ko at ang puso ko'y tila lumukso papuntang kaulapan.
Ano? Ako ang Girlfriend nya? E lalake ako e.
Tang-ina ang sarap pakinggan nun mula sa kanya.
The feeling is..... Wow!

"Nagbibiro ka ba Kuya Rick e lalake ako e paano mo ako magiging Girlfriend?", ngiti kong sabi na may pagkakilig.

"Ayaw mo nun?.. Habang wala pa akong Girlfriend, ikaw muna ang Girlfriend ko?.. Ang lalake kong Girlfriend", ngiti niya.

"Seryoso ka?"

"Oo total nagsesex naman tayo minsan kaya ikaw muna ang Girlfriend ko!"

I'm speechless.
I also wanted this thing to happen.
Isang gwapong lalake na alukin ka ng isang relasyon.
Wait, I still have a relationship with Kuya Jayjay, pero may Ate Grace na siya so pwede akong humanap ng iba? Whatever the consequence is nagpatalo pa rina ko sa emotions ko.
Gusto ko talaga si Kuya Rick.
Final na!

"Okay lang sa'kin na ako ang Girlfriend mo Kuya".

"Wag mong ipagsasabi ha?.. Secret lang natin yun!" pabulong nyang sabi.

"Oo ba....!"

Sheeet na malagkit.
Christian and Kuya Rick is officially mag-on!

50 Shades of JayJay (formerly entitled Sex with my Hunky Neighbor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon