Chapter 54: Contest

1.5K 27 0
                                    

Naramdaman kong may kumakambyo sa aking dibdib ng may pwersa at nararamdaman ko ring may humahalik sa 'kin ng pabalik-balik.
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata na noo'y man panlalabo, hindi ko rin masyadong madinig ang anumang tunog mula sa aking paligid.
Napapansin ko si Kuya Rick na ibinubuka ang aking bunganga at kanya itong sinisipsip na para bang gusto niyang ilabas ang hangin mula sa aking looban.

Unti-unting naging klaro ang aking paningin maging ang pandinig habang patuloy pa din si Kuya Rick na paroo't-parito sa aking bibig.
Sa madaling sabi'y mina-mouth to mouth resuscitation nya ako.
Sa isang pitik ay nagkaroon ako ng ulirat at awtomatiko akong napa-upo sa pagkakahiga na hingal na hingal.
Nararamdaman kong may pwersa mula sa aking tiyan ang gustong lumabas sa aking bibig.

"Ergggggghhhhh", ani ko.

Sumuka ako sa aking tagiliran.
Lumabas ito mula sa aking bibig maging sa aking ilong na siyang ikinalunod ko ng bahagya.
Napansin ko ang kulay violet na lumabas sa tiyan ko na paniguradong kulay ng duhat na kinain ko na nagtataglay ng 70% na tubig dahil wala pa naman akong kinakain ng mga oras na iyon maliban dun.

Marahan akong tinatapik ni Kuya sa aking likuran upang alalayan sa aking pagsuka.

"Ikaw kasi e.. Ba't ka pa kumain ng duhat.. Yan tuloy?.. Papatayin mo ko sa nerbyos!", sabi nya.

Bakas na bakas sa mukha ni Kuya Rick ang pag-aalala.
Kargo pa rin nya ako in case na may mangyaring masama sa akin kaya ramdam ko ang takot sa mga mata nya.
Naramdaman ko sa aking likuran ang lagkit ng duhat na napisat marahil ng ako'y bumagsak mula sa puno.
Pinagmasdan ko ang sanggang pinaghulugan ko.
Mabuti na lamang at hindi iyon ganun kataasan upang mapinsala ng husto ang alinman sa katawan ko.
Marahil ay naging proteksyon ko rin ang duhat na nahulog mula sa hawak-hawak kong plastic para hindi ako mapuruhan.
Ang sa isip-isip ko'y may Guardian Angel pa rin ako na handing tumulong sa'kin hehe.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo upang alamin kung may pilay ako.
Iginalaw ko ang aking mga paa ngunit maayos ko naman itong na-igagalaw.
Nang maigalaw ko na ang aking braso't mga kamay ay mayroon akong naramdamang kirot mula sa aking kaliwang braso.
Hindi ko ito ma-igalaw ng maayos dahil sa sakit na tila pumipitik pag ito'y aking iginagalaw.

"Kaya mo ba?", alalang tanong ni Kuya.

"Kaya ko 'to!", mabilis kong sagot.

Pinagpag niya ang buong katawan ko upang mawala ang dumi ngunit hindi pwedeng mawala ang mantsa ng duhat na nanikit sa puti kong sando.

Hindi ko muna sinabi kay Kuya ang nararamdamang sakit mula sa aking kaliwang braso para hindi siya mag-alala.
Mabuti na lamang at hindi pa ganun karami ang gising ng mga oras na iyon kaya habang naglalakad pauwi'y nasa likod ko si Kuya upang takpan ang mansta ng duhat mula sa likod ko.

"Doon muna tayo sa kubo!", sabi nya.
Hindi na ako sumagot at bigla kaming dumiresto sa maliit na kubong gawa sa kawayan na nasa likod bahay nila.

Kahit hindi naman ako napilayan sa paa'y medyo lalampa-lampa akong umupo sa gilid ng kama na noo'y banig lamang ang nakapatong.

"Sandali lang Christian ha?.. Magluluto ako ng noodles para may laman ang tiyan mo!"

"Sige salamat!", tugon ko.

Tulog pa nung mga oras na 'yun sila Ate Lotlot kaya siguradong hindi nila malalaman ang nangyari sa akin.
Late rin kaming magbukas ng tindahan kapag holidays and weekends dahil wala namang masyadong taong gumigising ng maaga para bumili pag ganung araw.

Hinubad ko ang damit kong puno ng mansta at isinuot ang puting damit na inihagis sa akin ni Kuya Rick kanina.
Makirot nga lang sa kaliwang braso ko na may pilay habang inaalis ang mantsadong sando.
Nang ma-isuot ko na ang T-Shirt na binigay sa akin ni Kuya Rick ay napansin  kong masyadong maluwang ito para sa akin.
Okay na rin dahil habang nakasuot ang damit niya sa aki'y parang nararamdaman ko na rin ang katawan nya mula sa balat ko.

50 Shades of JayJay (formerly entitled Sex with my Hunky Neighbor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon