Chapter 58: Eye Balls

1.5K 28 0
                                    

Wala akong magawa sa bilis ng desisyon ni Kuya.

Hindi ko talaga maatim na madampian niya ang mga labi ni Negra na hindi ko madescribe ang lasa dahil ayokong nuutin ang isa sa pinakamatinding pagsubok ng buhay ko hahaha.

Inches na lamang ang pagitan ng mga labi ng dalawa na para bang Slow-Mo dahil tinatanya pa ni BF ang maiitim na labi ng ilusyunadang si Nene.

"Aray.. ang sakit ng tiyan ko.. Tang-ina!", daing ko habang hinahawakan ang sikmura.

Siguro'y dalawang inches na lamang ang lapit ng mga labi nila nang bigla silang awtomatikong lumingon sa akin upang tingnan ang sitwasyon ko.

"Kuya ang sakit...", daing ko pa at mabilis na naupo sa lupa upang maging kapanipaniwala ang nuo'y gawa-gawa kong sakit.

"Anong nangyari sa 'yo?!", sabi ni Kuya na merong pag-aalinlangan.

Agad siyang lumapit sa akin at naupo rin nang ako'y mapaupo.

Si Nene'y nakasimangot na lumapit sa akin na tila nanlilisik ang mata sa sitwasyon ko.

"Bigla na lang sumakit e.. Di ko na talaga kaya Kuya...", sabi ko pa.

Medyo ninamnam ko ang pagkaka-arte kong iyon kaya hindi ko namalayang may tumutulong luha sa kanang mata ko.

Nakikita ko na sa mukha ni Kuya Rick ang pag-aalala na kanina'y nag-aalinlangan.

Si Nene'y patingin-tingin sa malayo na animo'y nanunuya kahit nakikita na niya akong namimilipit sa sakit.

Punyetang Negrang yan wala talagang malasakit!.. Sige gantihan lang tayo hahaha!

Kinarga ako ni Kuya at nagmadaling gumawa ng paraan.

"Kaya mo pa ba?.. Isusugod kita sa Ospital?!", alalang tugon niya habang tanan ako ng dalawa niyang matitipunong braso.

Ano raw Ospital?.. Agad-agad?.. Hindi ba pwedeng painumin muna ako ng gamot o tanungin kung natatae ako?

"Wag!.. Magagalit si Mama!", randam na pagkakasabi ko.

"Mas magagalit yun kung merong mangyaring masama sa 'yo!"

Grabe lang ang naging reaksyon ni Kuya Rick sa sitwasyon ko.

Over acting naman kase ako with matching tears-flowing pa para lang hindi maisakatuparan ang Deadly Kiss nila ni Negra!

"Wala kaming pera pampa-Ospital.. Napasukan lang ata ako ng lamig.. Kelangan ko lang ng mainit na tubig atsaka diatabs", sabi ko kahit wala naman talaga akong nararamdamang sakit.

"Sandali.. Punta lang tayo sa bahay ni Renzo", balisang sabi niya.

Nagpababa ako sa kanya dahil ang awkward lang na kinakarga niya ako.

Nakakabading kase ang ganoong posisyon sa totoo lang.

Malapit lang naman ang bahay ng kaibigan niya, nagrequest lang kami ng isang boteng mainit na tubig para ilagay sa tiyan kong kunwa-kunwang humihilab at gamot na rin sa pagtatae.

"Salamat Pare ha!.. Sige matulog na kayo, Sorry sa abala!", wika ni Kuya Rick ng maibigay ng kaibigan niya ang hiling namin.

"Anytime Pare!", sagot ng kaibigan niya.

Ininom ko ang diatabs kahit wala akong nararamdamang sakit para mas kapani-paniwala at ang mainit na tubig ay tanan kong dikit-dikit sa aking sikmura.

Nagpapaawa effect ako sa sitwasyon ko na tagumpay naman dahil paniwalang-paniwala ang Boyfriend ko, ngunit si Nene'y iniismiran lang ako na walang halong pag-aalala.

50 Shades of JayJay (formerly entitled Sex with my Hunky Neighbor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon