Chapter 57: The Deadly Kiss

1.4K 26 0
                                    

Nagkalasug-lasog ang katawan ni Nene nang mabangga ng rumaragasang kotse.
Dumanak ang dugo sa kalsada na sa paningin ko'y kulay itim instead na pula.
What?! Ang kanang kamay niya'y natanggal sa kanyang katawan habang ang ulo niya'y tumilapon sa di kalayuan malapit sa basketball court.
Ang dalawang paa niya'y nagkahiwa-hiwalay dahil sa lakas ng impact ng pagkakabanga sa kanya ng kotse.
.
.
.
.
.
.
.
'Yan.
.
.
.
.
.
Yan ang nangyari kung wala sa tamang pag-iisip ang nagmamaneho ng kotse! Mabuti na lang ay hindi yun ang nangyari.
Ganito kase iyong tunay na naganap, habang nagmamadaling pulutin ni Nene ang nalaglag niyang barya sa kalsada ay mabilis na prumeno ang Driver ng pulang kotse.
Off course, nakatuwad si Nene Bunene habang pinupulot 'yung baryang mahalaga pa kesa buhay niya.
Tumama lang naman ng bahagya ang unahan ng kotse sa pwet niya na marahan niyang ikanaturpit at yun ang dahilan ng pagkakasubsob niya bahagya 7 feet away from the car.

Totoong kinabahan ako, hindi para kay Nene, kundi para sa kotse.
Alam kong ayos lang siya dahil hindi naman ganun ka-grabe ang bangga sa kanya na parang tinulak lang ng di naman kalakasan.

Lumapit akong bigla sa scene na noo'y napansin na rin ng mga ususero .
Una kong tiningnan ang kotse kung merong nasira dito dahil sigurado akong ayos lang si Negra.

Ininspect ko ang unahan ng kotse kung meron itong tama.
Bumaba na rin ang nagdrive na lalaking naka-shades kahit gabi na.

"Ayos ka lang?", alalang sabi nito kay Nene na napasubsob lang.

Mas nag-alala ako noon sa kotse dahil hindi namin kayang bayaran ang magiging sira nun.

Habang inaalalayan nung driver si Nene sa pagtayo'y ako naman ay tumitingin sa harapan ng kotse.
Meron kase akong nakitang parang nayupi.
Grabe lang? Don't tell me Nene na gawa sa bato ang pwet mo? Haha.

Lumapit sa akin yung driver.
"Ano may sira ba?"

"Parang may nayupi ng konti pero hindi naman grabe", alalang sabi ko.

Nakita ko si Nene na hindi makatayo ng maayos hawak-hawak ang likuran niyang tila nirarayuma.

"Bata pagsabihan mo yang chicks mo na wag tatanga-tanga.. Mabuti na lang huminto ako kung hindi maagang ibuburol iyan!", diktang sabi ng Driver.

Ano raw? Chicks? Punyeta! Over my dead body! Nakaramdam ako ng init hindi dala ng libog kundi ng inis dahil sa tinuran nung driver na naka-shades kahit gabi na.
Ako na nga itong nagmamalasakit sa kanya para tingnan kung may sira ang kotse niya tapos iinsultuhin pa ako ng ganun.

"Mabangga ka sana!", pabulong kong sabi na hindi niya narinig.
"Halika na nga Nene!", sabi ko.

"Ang sakit ng likod ko Christian!", daing niya.

"E di diyan ka sa kalsada magdamag!"

"Buhatin mo 'ko!.. Di ko kayang maglakad!"

"Tang-ina mas mabigat ka pa sa'kin tapos bubuhatin kita?"

Beeeeppppppp... busina ng ignoranteng driver ng di pa kami maka-alis sa gitna ng daan.

"Punyeta mabangga ka sana!", sigaw ko tapos biglang hampas sa unahan ng kotse.

Hindi ko binuhat si Nene.
Ano siya sinuswerte? Hinablot ko lang ang kamay niya habang naglalakad.
Hindi naman siya pilay para hindi makalakad ngunit dumadaing siya sa sakit.

Naupo kami sa harap ng tindahan pagkatapos bumili ng softdrinks at sitsirya, nakatanggap kakmi ng libreng sermon sa ususerang tindera.
Salamat talaga!

"Ikaw kasi gagawa ka pa talaga ng iskandalo! ..Alin ba mas mahalaga? ..Yung buhay mo o yung barya?", sabi ko dahil sa tingin ko ang buhay niya'y katumbas lang ng limang-pisong barya.

50 Shades of JayJay (formerly entitled Sex with my Hunky Neighbor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon