Habang tinititigang mabuti ni Archie ang listahan ng mga pangalan sa pinto, tumunog na ang bell kung saan sinyales na ito ng simula ng klase. Ngunit hindi ito pinansin ni Archie hanggang sa nagulat siya ng may babae na sumita sa kanya mula sa loob ng kuwarto.
????: Hoy!!!! Archie!!! Tumunog na ang bell!!! Umupo ka na sa upuan mo!!! Wag mong hintayin na makita ka pa ni Principal!!!!
Tumingin siya sa pinanggalingan ng boses at nakita nya ang babaeng maputi, cute, balingkinitan, may kalakihan ang dibdib, mahabang buhok na lagpas sa pwetan nito, bilugang mga mata at higit sa lahat, kinulang ng height na hindi pa abot sa balikat ni Archie ngunit may malakas at matinis na boses.
Archie: "Ah...Oo. Pasensya Reysha. Hindi ko napansin."
Reysha: "Hindi mo napansin?!! HELLO?!!!! Ang lakas-lakas nga ng tililing ng bell kanina!!! Lumilipad na naman ba ang isip mo ha?!!!"
Archie: "Oo na! Sige na! Pupunta na ako sa upuan ko. Grabe ka naman oh."
Reysha: "Wag kang magreklamo!! Magpasalamat ka pa nga at sinabihan kita. Kung hindi, ikaw din ang magsisisi jan kapag nakita ka ng Principal."
Si Reysha ay ang Vice-Goveror ng Student Government Organization ng kanilang School at namamahala sa mga school activities at pagdedesiplina sa mga kapwa nya estudyante.
Minsan na rin nagkaroon ng utang na loob sina Archie at Lyrica sa kanya dahil sa sya ang sumisita sa mga Bully at promoprotekta sa kanila kapag may nagtatangkang mangbully sa kanila.
Marunong din itong makisama sa kanila kahit na hindi nila gaanong nakakasama si Reysha sa mga lakad nila dahil na rin sa dami ng mga inaasikasong aktibidad nito sa school.
Ang problema nga lang, may isang estudyante na hindi gusto ni Reysha at marahil ay malabo na silang magkasundo pa ng estudyanteng ito. Ang masama pa, nakita ni Archie ang pangalan ng estudyanteng ito sa listahan ng magiging kaklase nila sa room at inaasahan nyang magkakagulo mamaya dahil hindi pa dumadating ang estudyanteng ito.
Archie: "OK, Reysha. Salamat sa'yo."
Reysha: "Walang anu man."
Pag-upo ni Archie, napansin nyang wala pa ang Principal na magpapakilala sa kanilang Homeroom teacher, kaya agad nyang sinabihan si Lyrica na kanyang katabi.
Archie: "Lyrica! Magkakagulo mamaya. Pakisabi sa iba."
Lyrica: "Ba...bakit, Archie? Anung meron?"
Archie: "Kaklase din natin sya. Si Jett."
Lyrica: "Naku.....lagot. Bakit nila pinagsama yung negative at positive energy dito? Sasabog ang room na to."
Agad na nagsulat si Lyrica sa isang maliit na papel at kanyang inilagay na "Maghanda kayo. Awatin nyo si Reysha at Jett mamaya" sabay ipinasa sa mga katabing kaklase nila sa likod.
Dumating na din ang Principal at tumahimik na ang buong klase. Buti na lang at hindi pa dumadating si Jett. Agad na ipinakilala ng Principal ang bagong homeroom teacher nila kung saan nagulat si Archie sa kanyang nakita.
Principal: "Class ipinakikilala ko sa inyo ang bago nating teacher at adviser nyo, si Miss Marika Castro."
Marika: "Hello! Class! Good Morning sa inyo!
Laking tuwa ng mga estudyante lalo na si Archie ng makita nila ang bago nilang guro at adviser din nila. Matapos magpakilala si Marika sa kanila, umalis na din ang Principal upang tingnan pa ang ibang mga klase.
Marika: "So class, dahil sa unang araw pa naman ng klase, hindi muna tayo magsisimula sa mga lessons natin, sa halip, magpapakilala muna ang bawat isa sa inyo para makilala ko kayo."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...