Matapos matawagan ng mga magka-clubmates si Jett, agad nang nagsagawa ng plano ang mga ito upang ilagay sa tahimik ang nag-aapoy na multo.
Lunabelle: "OK! Guyz! Eto ang plano, una bibili tayo ng asin sa mall at ipapabendisyon natin sa simbahan, tapos hihingi tayo ng Holy water and then uuwi na ako pagkatapos nyong mabili ang mga gagamitin natin."
Albert: "At uuwi ka sa bahay nyo, hihilata sa kama at manonood ng mga K-Drama sa laptop mo!!!!!! Anu ka sineswerte?!!!!"
Carl: "Hoy!! Ikaw ang club leader kaya dapat sumama ka din sa planong to!!!!"
Lunabelle: "Eh kung tawagan ko na lang ulit si Jett. Tapos itanong ko sa kanya kung anu pwedeng gawin?"
Aileen: "Hoy!! Lunabelle!! Mahiya ka naman kay Jett!! Wag mo namang i-asa sa kanya ang pag-iisip ng plano kung panu tatalunin yung apoy na multo!!"
Lyrica: "K-kaya nga, Lunabelle. Madami ng naitulong si Jett sa atin kahit na hindi natin sya madalas nakakasama."
Lunabelle: "Oo na. Sige na. So, anung plano natin? Ayokong ako lang ang magplaplano dito sa gagawin nating pagpapakamatay oras na pumalpak ang plano."
Taimtim na nag-isip ang mga magka-clubmates hanggang sa nagsalita na si Archie.
Archie: "OK! May naisip na ako."
Albert: "Talaga Insan?! So, anu ang plano?"
Archie: "Tawagan na lang kaya natin si Jett?"
Rochel: "Archie!!!! Ideya yan ni Lunabelle!!!!"
Archie: "Eh.....ayoko sanang sabihin to, pero mismo sa sarili ko, wala akong idea kung panu plaplanuhin to!!"
Lunabelle: "Kung ganun, wala talaga tayong maisip na plano."
Dahil sa wala silang maisip na plano, tuluyan ng tinawagan muli ni Lunabelle si Jett.
Lunabelle: "He-hello? Jett?"
Jett: [Oh? Napatawag ka Lunabelle? Anung meron?]
Lunabelle: "Eh anu? Wala kaming plano."
Jett: [Nagbibiro ba kayo?] (Grabe naman etong mga to. Wala bang common sense ang mga ito o takot lang sila sa multo.)
Lunabelle: "Jett. Please! Patulong kami sa pagplaplano."
Jett: "Gusto nyo ng plano? Eto ang plano, nakapagresearch pa ako ng konti tungkol sa Casa de Milagros at napag-alaman ko na matapos masunog ang bahay, nakuha ang mga labi ni Suero ng mga kamag-anak niya at inilibing sa Selma East Cemetery. Kung saan huhukayin nyo ang bangkay ni Juanito Suero, buksan ito at buhusan ng Holy water at asin ang kanyang bangkay.]"
Tila kinilabutan ang magkaclubmates dahil sa sinabi ni Jett na plano sa kanila at hindi masikmura ng ibang mga kasamahan nila ang naisip nitong plano. Kaya naman bumalik si Lunabelle sa banyo, tumakbo din at pumuntang Males CR si Carl.
Archie: "Jett, sigurado ka ba sa plano mo? Wala na bang iba?"
Aileen: "Grabe ka Jett!!! Kadiri naman ng plano mo!!! Huhukayin ba talaga namin ang libingan ni Suero?!!"
Jett: [May option 2 pa naman ako, pero kailangan nyong buhusan ng Holy Water ang buong lote ng Casa de Milagros. Yun ay kung may dala kayong isang truck ng Holy water na pambuhos sa buong lote.]
Mukhang napagtanto ng magka-clubmates na wala nang masabing madaling paraan si Jett sa kanila kundi ang sundin ang una nitong plano. Kaya naman napagdesisyonan ng club members na sundin ang unang sinabi nito at nagpasalamat sa mga itinulong ni Jett sa kanila.
Albert: "Guyz! Mukhang wala na tayong magagawa. Mukhang kailangan na nating sundin ang unang plano na sinabi ni Jett."
Archie: "Oo. Mukha nga."
Aileen: "Jett, nakapagdesisyon na kami. Susundin namin ang una mong plano. Tsaka salamat sa pagpapaunlak sa tawag namin sayo."
Jett: [OK. Walang anuman. Basta't mag-iingat kayo.]
Agad na pinutol ni Jett ang kanyang tawag sa mga ka-clubmates nito. Isinagawa ang kanilang plano matapos bumalik sina Lunabelle at Carl mula sa banyo.
Albert: "So Guyz! Eto ang plano. Pagkatapos ng uwiian yung mga girls, pupunta kayo sa mall para bumili ng asin na ipapabendisyon sa simbahan at sabay hingi na rin kayo ng Holy water. Si Archie at Carl naman, pupunta sa sementeryo upang hanapin ang lokasyon ng libingan ni Suero. Kapag nahanap nyo na ang libingan, umuwi kayo at ihanda ang mga pala at panghukay na gagamitin natin. Mamayang gabi, magkita-kita tayo sa sementeryo upang ilagay na sa tahimik ang multo ni Suero."
Rochel: "Albert, hindi naman sa KJ pero hindi ako papayagan ni Miss Marika na lumabas sa gabi."
Lunabelle: "Oo nga naman, Albert. Pati din naman ako, hindi rin ako palalabasin ng parents ko."
Albert: "Ewan ko sayo! Lunabelle! Kami na lang nila Archie, Carl at Lyrica ang pupunta sa sementeryo."
Lyrica: "A-Albert. Pasensya na. Pero hindi din ako makakasama sa inyo. Pinagalitan kasi ako ni Mama noong ihinatid mo ako kahapon."
Albert: "OK lang Lyrica. Naiintindihan ko naman ang rason mo. Pero si Lunabelle, alam ko, manonood lang yan ng K-Drama sa laptop nya."
Lunabelle: "Albert, intindihin mo naman kaming mga babae. Alam mo naman na strict ang parents namin at ayaw nila na umuuwi kami ng gabi."
Albert: "Oo na. Sige, kami na nila Archie at Carl ang bahala sa plano mamayang gabi."
Carl: "Teka?!! Sasama na naman ba ako sa inyo mamayang gabi?!!"
Aileen: "Oo! At ako ang magbabantay sayo mamaya."
Archie: "Sasama ka? Aileen?"
Aileen: "Oo. Sasama ako at babantayan ko tong duwag na ito."
Carl: "Sinong sinasabihan mong duwag? Hindi ako duwag! At makikita mo mamaya dahil darating ako sa sementeryo."
Albert: "Kung ganun, simulan na natin ang Operation: Patay Apoy!!"
Matapos ang pag-iisip ng plano sa club, agad ng isinagawa ng mga magkaka-clubmates ang kani-kanilang mga trabaho. Kung saan bumili ng asin ang mga babae at ipinabendisyonan sa pari ang mga dala nilang dalawang supot ng asin sabay humingi ng Holy water ang mga ito.
Sina Archie at Carl naman pumunta sementeryo upang hanapin ang puntod ni Juanito Suero kung saan nagtaka ang dalawa kung bakit wala silang nakitang libingan nito na nakalibing sa lokasyon ng mga lumang puntod. Nag-ikot pa ang dalawa hanggang sa nagulat sila sa lokasyon ng libingan nito. Napag-alaman nilang kasama si Juanito Suero sa mga na-cremate na bangkay at nakalagak ito sa apartment type na libingan ng mga na-cremate. Ang masama pa, nasa pinakamataas na bahagi ng apartment ang abo nito, kung kaya naisip na lang nila Archie at Carl na magdala ng pait at martilyo mamayang gabi.
Kumagat na din ang dilim at dumating na rin ang oras kung saan handa na ang apat na pumunta ng sementeryo upang butasin ang pantiyon ni Suero.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon at lingid sa kaalaman ng apat, pumunta si Jett sa lote kung saan dating nakatayo ang Casa de Milagros upang alamin kung anung oras lalabas ang nag-aapoy na multo at matiyagan ito kung epektibo ba ang sinabi nitong plano sa mga kasamahan niya sa club.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Fiksi Remaja****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...