CHAPTER 16: SOLUSYON SA MULTO NG ARCADE

69 8 0
                                    

Nang tiningnan ni Albert ang kanyang cellphone, nakita nya na ang tumatawag ay ang staff ng Arcade. Kaya agad nya itong sinagot.

Albert: "Hello po! Ate, anu pong balita?

Arcade staff: [May maganda akong balita sa inyo boys.]

Albert: "Wait lang po! I-loud speaker ko lang po para marinig po ni Archie."

Agad na ni-loud speaker ni Albert ang kanyang sellphone para marinig ng lahat ang sasabihin ng Staff.

Arcade staff: [Boys, eto ang magandang balita, Ayon kay Mang Nato, napigilan nya ang nagmumultong arcade machine sa pamamagitan ng pagpapalibot ng asin na nabendisyonan sa simbahan kung kaya't hindi ito gumagalaw o naglilibot nung mga nakaraang ilang dekada. Ngunit ang masamang balita, hindi natalo ni Mang Nato ang multo dahil sa mahina siya maglaro nung game sa arcade.]

Albert: "Teka?! Sandali po. Anu pong ibig nyong sabihin na mahina sya maglaro nung game sa arcade machine?"

Arcade staff: [Ang totoo, alam ni Mang Nato kung panu tuluyang ilalagay sa tahimik ang kaluluwa ng multo. Ngunit hindi nya alam kung panu tatalunin ang laro.]

Albert: "Ate! Mas mabuti kung sabihin nyo na lang po kung panu at kami na po ang bahala!"

Arcade staff: [OK sige. Sabi ni Mang Nato, kailangang matalo ang High Score ng laro upang mapatahimik ito. Ayon sa kanya namatay ang High Scorer noong 80's dahil aksidente itong nakuryente matapos nitong tapusin ang laro. Yun lang daw ang tanging paraan para malagay na sa tahimik ang multo nito.]

Tila nagkaroon ng magandang ideya ang magpinsan ng marinig nila kung papaano tatalunin ang multo ng Arcade. Kung kaya't nagpasalamat sila sa arcade staff.

Albert: "OK po, Ate. Salamat po impormasyon. Kami na po ni Archie ang bahala kung panu tatalunin ang multong iyon."

Arcade staff: [OK sige. Basta't mag-iingat kayo at wag nyong hayaan na laruin ang arcade machine na yan ng Alas otso hanggang Alas kwatro ng umaga. Tsaka isang malungkot na balita pala, namatay yung Guard na tumulong sa atin kagabi at hinala ko dahil yun sa multo at sarado ang buong Arcade ng mall ngayun dahil sa nangyari. Kaya pakiusap ko lang sa inyo, mag-iingat kayo.]

Albert: "Opo. Mag-iingat po kami. Thank you po."

Agad ng pinatay ang tawag ng staff sa cellphone ni Albert.

Archie: "Kung ganun, kailangan lang na talunin ang High Score ng laro sa machine na iyon at matatapos na ang pagmumulto ng arcade machine?"

Albert: "Oo, insan. At tayo ni Carl ang tatalo dun."

Carl: "Teka! Ba't ako nasali jan?!!! Eh di ba dapat kayo ni Archie ang tumalo dun dahil kayo ang hinabol?!"

Aileen: "Carl! Maliban kina Archie at Albert, sino pa ba sa tingin mo ang magaling maglaro sa Arcade?!!"

Tinitigan ni Aileen si Carl kung saan napapayag nya ito.

Carl: "Oo na!! Sige na!! Sasama na ako sa kanila! Masaya ka na ba dahil kasama ako sa mapapahamak?!!"

Aileen: "Kung ayaw mo mapahamak, eh di galingan mo maglaro!! Kasi sa inyong tatlo kami umaasa na matatalo nyo yung multo!!"

Marika: "Kung ganun, upang matalo ang multo sa Arcade kailangang matalo ito ng mga magagaling nating gamers. Kaya naman kunin nyo na lahat ng barya na meron ako."

Rochel: "Pati na rin yung akin. Kunin mo na Archie. Alam ko na matatalo nyo yun. At mag-iingat kayo."

Archie: "Salamat Rochel."

Lunabelle: "Sa ngayun, wala akong barya. Pero sana makatulong etong konti na nasa bulsa ko."

At ibinigay ng lahat ang kanilang mga barya kina Albert at Archie.

Aileen: "Oy...Carl. Eto kunin mo. Konting tulong sakaling maubusan kayo ng barya."

Ibinigay ni Aileen ang kanyang mga barya kay Carl.

Carl: "Sa....salamat. Bakit sa akin mo ibinigay? Di ba dapat kina Archie at Albert?"

Aileen: "Kailangan mo yan sakaling maubusan sila ng barya. At mag-iingat ka."

Carl: "Oo na. Nag-alala ka pa."

Lyrica: "Sasama ako sa kanila. Magdadala ako ng Asin sakaling magkagipitan."

Lunabelle: "Anu?!! Sasama ka sa kanila, Lyrica?!"

Lyrica: "Total ako naman ang nakaisip na dapat ilagay na sa tahimik ang mga multo, di ba? Kaya sasama ako."

Marika: "Oh sige! Basta't mag-iingat kayo. Kung sakaling hindi nyo matalo ang laro na iyan bago mag alas otso gaya nung sinabi ng babae na tumawag kay Albert, tumakbo na kayo at umalis na sa Arcade. Tsaka ilang minuto na lang mag-uuwian na. Kaya mag-iingat kayo."

Archie,Albert,Carl&Lyrica: "Opo!"

Matapos ang pag-uusap nila sa club, agad na ding tumunog ang bell at nag-uwian ang mga estudyante.

Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon