CHAPTER 52: ANG BARIL

73 6 0
                                    

Bago tayo magpatuloy sa mga susunod na mangyayari, bumalik muna tayo, isang linggo ang nakakaraan bago ang nangyaring pagsanib ng multo kay Lunabelle.

Flashback:

Abala sa pagreresearch si Jett kung saan umabot pa sa puntong kailangan pa nyang umabsent at puntahan ang mismong site ng pagpaparamdam ng multo sa North Cemetery.

Habang nag-iikot, may nakita syang isang matandang lalaki at may dalang tungkod. Mag-isa lang na nakatayo ang matanda at nakatingin sa lupa. Nagtaka si Jett sa ginagawa ng matanda kaya nilapitan nya ito at kinausap.

Jett: "Good Morning po, Tang. Pwede po ba akong magtanong?"

Matanda: "Ah...Oo. Good Morning din."

Jett: "Tang? May binisita po ba kayong kamag-anak po dito? Pwede ko po kayong tululungan kung hindi nyo po mahanap."

Matanda: "Ah....napakabait mo naman iho. Pero salamat na lang. Nahanap ko na din lang ang hinahanap ko."

Jett: "Nahanap? Saan po? At sino?"

Matanda: "Dito mismo sa kinatatayuan ko. Isang kaibigan. Dating kaibigan."

Nagtaka si Jett sa sinabi ng matanda sa kanya. Kung kaya't lalo syang nausisang magtanong sa matanda.

Jett: "Tang? Hindi po sa nangungulit po ako sa inyo, pero sino po ba ang dati nyo pong kaibigan na nakalibing po sa lupang kinatatayuan nyo po?"

Matanda: "Hmmmm....mukhang mausisa kang bata. Naalala ko ang sarili ko sayo noong kabataan ko. Sige. Sasabihin ko sayo, pero ako nga pala si Crisostomo Mendez."

Jett: "Ikinagagalak ko po kayong makilala, Mr. Mendez. Ako nga po pala si Jett."

Mang Tomo: "Hindi mo kailangang maging pormal sa akin, iho. Mang Tomo na lang ang itawag mo sa akin."

Jett: "OK po! Mang Tomo."

Mang Tomo: "Siya nga pala, mahilig ka ba sa history, iho?"

Jett: "Favorite subject ko po ang history. Kaya makikinig po ako sa inyo kahit gaano kahaba pa po yan ikukuwento nyo."

Mang Tomo: "Hahaha...nakakatuwa kang bata, Jett. Gusto ko talaga ang tipo mo. Kung ganun, simulan na natin kung saan ito nagsimula.

Sandaling naghanap ng mauupuang pantiyon ang matanda upang itoy umupo. Umupo naman sa tabi ng matanda si Jett kung saan sinimulan na nitong magkwento.

Mang Tomo: "Naaalala ko, Abril 1942, kasagsagan ng giyera, isa akong baguhang sundalo noon at taga-hatid din ng mga sulat sa bawat kampo. Isa ako sa pinagkakatiwalaang tao noon dahil na rin sa lahat ng nakukuhang mahahalagang balita na aming nakukuha mula sa aming mga kalaban ay agad kong naidadala sa mga kampo, bago pa man kami atakihin ng mga kalaban. Isang araw, inatasan akong puntahan ang kampo sa isang liblib na lugar sa Selma noon, kasama ang mga gerilya at ang kaibigan kong si Dominador Sima. Si Sima ay isang sundalo na nakilala ko sa kampo ng bayan ng Lacresa at naging matalik kong kaibigan dahil sa mahilig siyang makisalamuha sa mga tao. Siya rin ang kasangga ko sa tuwing napapalaban kami sa mga sundalong hapon noon. Ngunit nagbago yun mula nung napunta kami sa kampong iyon."

Sandaling tumahimik ang matanda upang saglit na isipin ang mga nangyari sa kanya noong panahon ng Giyera.

Jett: "Mang Tomo, may dala po akong tubig. Gusto nyo po ng maiinom?"

Mang Tomo: "Ah....Oo. salamat, iho.

Agad na uminon ng tubig ang matanda at nagpatuloy sya sa kanyang kwento.

Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon