Ilang oras bago mailagay sa tahimik nang grupo ni Lyrica ang multo sa Castilla bridge, naglalakad na papasok ng North Cemetery ang grupo nila Archie upang hanapin ang multo ng naturang lugar mula sa litrato ni Kalano.
Kinikilabutan ang tatlong babaeng kasama ni Archie dahil sa ito ang unang beses na pumasok sila sa sementeryo, disoras ng gabi.
Lunabelle: " Guys! Bumalik na lang ata tayo sa gate ng sementeryo. Para kasing ang lamig ng buong paligid."
Rochel: "Eh....normal ba sa sementeryo na maging malamig ang paligid? Para kasing hindi normal?"
Reysha: "G-Girls! Hindi naman talaga malamig ang paligid. Kinikilabutan lang talaga tayo!!"
Archie: "Guys! Huminahon kasi kayo. Tsaka wag kasi kayong mag-isip na may lalabas na multo sa mga pantiyon."
Reysha: "Eh panong hindi kami mag-iisip na, sa dami ng mga nagpatong-patong na pantiyon dito, parang lahat ng sulok, may nanonood sa bawat kilos at ginagawa natin!!!"
Archie: "Ehh....wag mo sanang masamain, Reysha. Pero pantiyon lang talaga ang tingin ko sa mga nakikita mo."
Reysha: "Ayos!! Rochel!!! Ang wild naman ng imagination ng boyfriend mo!!!!! Pantiyon lang talaga ang paningin nya sa mga istraktura dito!!!!"
Rochel: "Reysha, hayaan mo na si Archie. Ganyan lang siguro ang paraan nya para hindi matakot sa mga nakikita nya."
Lunabelle: "Oo, Reysha. Tama nga naman si Rochel. Dapat siguro wag din tayong mag-isip ng nakakatakot para hindi tayo takutin ng mga isip natin. Gaya na lang ng ginagawa ni Archie."
Reysha: "Kung sabagay, may punto nga kay—!!!"
Biglang napatigil si Reysha dahil sa may naramdaman syang kung anung bagay na malamig sa kanyang binti at nakakapit ito. Dahil sa sobrang nag-iisip si Reysha ng nakakatakot, inisip nyang marahil ay kamay ito ng isang patay na humawak sa kanyang binti.
Kaya bigla syang nagtitili at lumundag sabay kapit sa likod ni Archie. Hindi naman maipinta ang mukha ni Rochel sa ginawa ni Reysha.
Reysha: "EEEEEEEEEEEEKKK!!!! ALISIN NYO!!!! ALISIN NYO YUNG KAMAY SA BINTI KO!!!!! EEEEEEKKKK!!!"
Archie: "Reysha!!! Anung ginagawa mo?!!! Wag ka ngang kumapit sa likod ko!!
Lunabelle: "Reysha!! Huminahon ka nga!!!! Wala namang kamay na nakakapit sa binti mo!!!"
Reysha: "EH ANU YUNG MALAMIG NA BAGAY NA NAKAKAPIT SA BINTI KO?!!!!!!!!"
Rochel: "EHEM!!!! Nakakapit ka sa boyfriend ko."
Tumigil sa pagtitili si Reysha matapos marinig ang sinabi ni Rochel at napansing nakakapit nga sya kay Archie. Kaya agad syang bumaba mula sa likod ni Archie.
Reysha: "Uhhhh....sorry, Rochel. Ehhh....hindi ko naman sinasadyang gawin yung pagkapit ko kanina."
Rochel: "Mabuti pa, ipatong mo sa katabi mong patiyon yung binti mo nang makita natin kung anu yan bagay na kumapit jan sa binti mo."
Ipinatong ni Reysha ang kanyang binti at tiningnan ito ni Lunabelle gamit ang kanyang flashlight. Kung saan may malapad na butiking nakakapit sa binti nito.
Rochel: "Kamay pala huh? Napaka-wild nga naman ng imagination mo."
Reysha: "Pambihira!!! Butiki?!!! Makakagawa pa ako ng kasalanan sa ibang tao ng dahil sayo?!!! Umalis ka nga sa binti ko!! Buwisit na butiki ka!!!!!"
Butiki: "Ang arte mo naman!!! Taong pandak!!! Nakisakay lang ako sa binti mo kasi pagod na akong maglakad!!! Lalo na't hinahabol ako ng ahas jan sa may mga puno!!!! Sige!! Jan ka na!!!! At hindi ka na talaga tatangkad!!!!!!!
€£&%$#$%%^!!!!!!!!"
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Fiksi Remaja****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...