Samantala, abala naman ang apat sa paghahanap kila Carl at Jett. Ngunit dahil sa mas mahirap hanapin si Jett, hinati nila Archie ang kanilang grupo kung saan si Archie at Rochel ang maghahanap kay Jett, at sila Albert at Aileen naman kay Carl.
Habang hinahanap nila Albert at Aileen si Carl, namataan nila ito na nasa Park at nakaupo lamang ito sa isang bangko na malapit sa poste ng ilaw.
Albert: "Carl, nandito ka lang pala. Akala namin umuwi ka na sa bahay nyo."
Carl: "Ah....hindi. Tumambay lang ako saglit para mag-unwind ng konti."
Aileen: "Carl, matanong ko lang, bakit parang hindi pa kayo nagbabati ni Jett matapos yung nangyari dito nung nakaraang linggo?"
Carl: "Hindi ko alam, Aileen. Sinusubukan ko syang kausapin sa clubroom noong nakaraan pero hindi sya nagsasalita. Siguro talagang mainit pa rin ang ulo nya."
Aileen: "Pero atleast natutuwa ako sayo ngayun kasi sinusubukan mong makipag bati sa kanya kahit na ayaw ka nyang pansinin."
Carl: "Salamat, Aileen. Naappreciate mo ang mga ginagawa ko. Tsaka isang bagay pala.
Aileen: "Anu yun?"
Carl: "Patawarin mo ako kung nakakapagsabi ako ng mga bagay sayo na hindi maganda noon. Tsaka ang totoo, cute ka naman talaga."
Bahagyang namula ang mukha ni Aileen dahil sa sinabi ni Carl sa kanya.
Aileen: "Ha?! Uhhmm......salamat. Tsaka wala lang yun mga panlalait mo sa akin. Hindi naman ako gaanong apektado.
Habang nag-uusap ang dalawa, tiningnan ni Albert ang kanyang cellphone at nakita ang text message ni Lyrica.
Albert: Guys.....hindi naman sa ginugulo ko ang pag-uusap nyo pero parang kakaiba ang text message ni Lyrica."
Aileen: "Bakit, Albert? May problema ba?"
Albert: "Ang sabi nya, kailangang mahanap si Carl at dalhin siya agad sa Clubroom. Nasa panganib daw sya."
Carl: "Ha?!! Ako?!! Nasa panganib?! Anu ibig niyang sabihin?!"
Bakla: "CARL!!! NAHAAANAP DIN KIT...AAH!!!!"
Biglang dumating ang Baklang ka-batch nila at nanglilisik ang mga mata nito kay Carl.
Albert: "R-Raul?!! Anung ginagawa mo dito? Bakit hinahanap mo si Carl?"
Aileen: "Guys....parang kakaiba ang ikinikilos nya. OK ka lang ba Rowena?"
Albert: "Rowena? Tinatawag mo talaga sya sa pangbabaeng pangalan nya?"
Aileen: "Albert, Gusto nyang tinatawag sya sa gustong itawag sa kanya! Bigyan mo naman sya ng respeto."
Albert: "Ewan ko sa inyo ha. Pero nawe-weirduhan ako kapag tatawagin ko syang ganun."
Bakla: "TUMAHIMIK KAYO!!! IBIGAY NYO ANG AKING BABY SA AKIN!!"
Carl: "Anung baby?!!! Anung pinagsasasabi mo jan ha?!!!"
Bakla: "CARL!! MAHAL NA MAHAL KIT.....AHH! KAYA LUMAPIT KA SA AKIN!!"
Carl: "Lumayo ka sa akin!!!! Hindi kita gusto!!!! At ayoko sayo!!!"
Bakla: "Kung ganun, KUKUNIN NA LANG KITA!!!! GRAAAARR!!!"
Biglang sumugod at kumilos na parang isang mabangis na hayop ang ka-batch nilang bakla at pilit na susunggaban si Carl. Agad namang nakailag si Carl at nagtataka ang tatlo kung bakit ganun na lang ang ikinikilos ng kanilang ka-batch.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...