Flashback:
Kinaumagahan, pumunta si Marco sa kuwarto ni Jett upang gisingin ito gamit ang megaphone nito nang makita nyang wala sa kuwarto ang kanyang gigisingin. Pumunta siya sa kuwarto ni Helena upang tanungin kung asan si Jett ng makita nyang magkatabing natutulog ang dalawa kung saan yakap ni Helena si Jett.
Pinagmasdan niyang mabuti ang dalawa at naisip na wag na lang niyang ituloy ang kalokohan niyang plano. Kaya bumalik ito sa kusina upang magluto ng kanilang agahan. Matapos syang magluto ay iniwan nyang natatakpan ang mga ito at umalis para magtrabaho.
Ilang minuto pa ang lumipas, unang nagising si Helena tsaka nya ginising si Jett para mag-agahan. Habang nag-aagahan ang dalawa, nagtanong si Jett kung anu ang kinanta ni Helena sa kanya.
Jett: "Ate, anung title po ng kanta ang kinanta nyo kagabi?"
Helena: "Ah...yun ba? Unbreakable by Jamie scott. Bakit? Nagustuhan mo ba yung kanta?"
Jett: "Opo."
Helena: "Akalain mo, paborito ko yun na kanta. Nakakainspire kasi. Kapag pinapakinggan ko yung kantang yun parang lumalakas ang loob ko."
Jett: "Kapag pinakinggan ko po ba yun, lalakas din po ba ang loob ko?"
Helena: "Eh....depende na yan kung maiintindihan mo ang kanta."
Jett: "Maiintindihan ko po yan Ate! Kapag kinabisado ko po yan, maiintindihan ko po yan!!!"
Helena: "Hay.....ikaw bahala kung paano mo iintindihin yan. Basta ako, sinabi ko na depende na yan sa tao."
Tila nainis si Jett sa sinabi ng kanyang Ate sa kanya, kaya matapos nilang mag-agahan, lumabas si Jett ng kanilang bahay at nagpadownload sa bantay ng computer shop ng naturang kanta.
Pagkatapos madownload sa kanyang cellphone, umuwi sya ng bahay at kinuha ang kanyang earphones tsaka nya ito pinakinggan. Abala naman sa pagrereview ang Ate nya nang kinanta ni Jett nang napakasintunado ang kanta. Wala nang nagawa si Helena kundi ang tumigil sa pagbabasa at hintaying tumigil si Jett. Tsaka nya ito pinagsabihan.
Helena: "Jett, nagrereview ako, at napakasintunado mong kumanta. Pwede mo naman intindihin yan kahit hindi ka kumanta!!"
Jett: "Pasensya na po, Ate."
Helena: "Oh sige. Ganito, kapag nakapasa ako ng Final exam, tutulungan kitang kantahin ang kantang iyan. Kaya kailangan mong manahimik hangga't hindi ako nakakapasa. OK ba yun sayo?"
Jett: "Eh Ate?! Pagkatapos ng dalawang linggo pa yun exam nyo?! Matagal pa yun?!"
Helena: "Kaya nga kailangan mong manahimik ng dalawang linggo. Anu? OK na ba ang kasunduan natin?"
Jett: "OK. Sige po. Lalabas na lang po ako ng bahay."
Helena: "Sige! Basta bumalik ka bago magdilim!"
Lumabas na ng bahay si Jett upang maglaro at mamasyal. Habang ang Ate nya ay todo sa pagrereview upang makapasa sa Final exam. Umaasa si Jett na tutuparin ng Ate nya ang kasunduan nito sa kanya kaya ginawa na lang niya ang dati nyang mga ginagawa sa mga sumunod na araw. Habang ang Ate nya ay ibinigay ang lahat ng oras nito upang magreview.
Makalipas ang dalawang linggo, dumating na ang araw ng Final exam ni Helena at ang nakakamangha sa kanya ay running for honor student din sya. Kaya nang nag-umpisa na ang exam, taimtim niyang sinagot ang mga tanong sa kanyang pagsusulit.
Isang linggo matapos ang kanyang exam. Natutuwang ibinalita ng kanyang mga matalik na kaibigan sa kanyang Club at guro na nakapasa sya sa kanilang exam dahil sa halos ma-perfect ni Helena ang lahat ng kanilang mga subjects. Ngunit may mga estudyante na hindi natutuwa sa kanya. Kaya gumawa sila ng kwento na nagcheat si Helena.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...