Agad na pumunta sa mall ang magpinsan kasama sina Carl at Lyrica. Nakita nilang sarado ang buong Arcade at naging Crime Scene dahil sa napabalitang namatay na guard na nakuryente ngunit hindi matukoy ng mga pulis kung anu ang nakakuryente dito.
Bumili muna sa Lyrica sa Grocery store ng dalawang bag ng asin at nagmadaling pumunta sa simbahan upang mapabendisyonan ang mga ito. Hinihintay naman ng tatlo si Lyrica sa backdoor ng Mall kung saan tinawagan ni Albert at Staff upang tulungan silang makapasok sa loob.
Pagdating ni Lyrica, sakto namang dumating ang Staff at binuksan ang backdoor at napansin ng magpinsan na diresto pala ang pinto sa loob ng Storage room ng Arcade.
Arcade staff: "Guys. Hanggang dito na lang ako sa Storage room. Hihintayin ko na lang kayo dito. Sakaling hindi nyo matapos ang laro hanggang Alas otso, tumakbo kayo agad papunta sa kinalalagyan ko."
Albert: "Opo. Salamat po ulit."
Hinanap ng apat ang arcade machine at nakita nila ito sa dating gilid na puwesto. Agad na pina-ikutan ni Lyrica ng Asin ang Arcade machine at isinaksak nila ito sa plug sabay pinindot ang On button.
Tsaka sinimulang nilaro ng magpinsan ang arcade machine kung saan namangha si Carl sa kanila kung gaano kagaling maglaro ng video games ang magpinsan. Nakabantay naman sa oras si Lyrica at napansing may natitirang 1 hour, 30 mins na lang silang natitira bago mag alas otso ng gabi.
Isang Oras at 15 minuto na ang nakalipas, nasa final stage na ng laro ang magpinsan at nahihirapan silang talunin ang huling stage. Kinakabahan na din si Carl dahil sa ilang minuto na lang ay mag aalas otso na.
Carl: "Guys! Matagal pa ba yan?! Malapit na mag alas otso!!"
Archie: "Teka!! Konti na lang malapit na kami sa final boss!"
Limang minuto na lang at nakarating na sa final boss ang magpinsan sa kanilang nilalaro.
Carl: "Mukhang alanganin!! Archie!! Albert!! Humanda na kayong tumakbo!!"
Archie: "Pambihira!! Ubos na Extra life ko!! Albert!! Tumayo ka na jan!!"
Albert: "Teka!! Konti na lang!!"
Dalawang minuto na lang nang nagsisimula ng gumalaw ang Arcade machine.
Lyrica: "Albert!! Tumabi ka jan!!!"
Albert: "Teka!! Sanda-!!"
Biglang itinulak ni Lyrica si Albert mula sa kinauupuanan nito at pumalit siya sa paglalaro. Nagulat ang tatlo dahil sa nakita nila kung gaano kagaling maglaro si Lyrica na para bang kabisado nya kung saan sya iilag at ang lahat ng pupuntahan ng bala sa laro.
Lalo pa silang namangha kay Lyrica ng 30 seconds na lang ay malapit na rin nito matalo ang final boss ng laro. Ngunit nag-aalala na ang tatlo dahil ilang segundo na lang ay gagalaw na ang arcade machine.
Albert: "Lyrica!! Tama na yan!! Umalis na tayo!!"
Tahimik na tinatapos ni Lyrica ang laro at sampung segundo na lang ang nalalabi.
Carl: "Lyrica tumayo ka na jan!! Tumakbo na tayo!!! Mag aalas otso na!!!!!"
Archie: "Umalis ka na jan!! Lyrica!!"
Albert: "Pambihira!! Lyrica!!!"
Agad na hinila ni Albert si Lyrica mula sa baywang nito ng kanyang mga kamay kung saan nailayo pa sya ni Albert bago sila napahiga sa sahig. Agad naman silang itinayo nila Archie at Carl. Sakto namang napindot ni Lyrica ang Bomb button bago sya hinila, kung saan natalo nito ang final boss ng laro.
Ngunit naglabas ng kuryente ang arcade machine eksaktong pagka-alas otso ng gabi. Kinakabahan ang apat sa kung anu ang susunod na mangyayari nang biglang nawala ang kuryente sa machine at lumabas ang hulma ng korteng tao sa harap nila galing sa Arcade machine.
Hulma ng lalaki: "Maraming salamat at tinalo nyo ang aking score sa larong ito. Matagal akong naghintay upang mapalaya ang kaluluwa ko mula sa bagay na ito. Dahil sa inyo, makakasama ko na din ang mahal ko na naghihintay sa akin sa kabilang buhay. Salamat ulit at tinatawag na ako."
At unti-unting nawala ang sa tingin ng apat ay kaluluwa ng namatay na manlalarong High Scorer ng Arcade machine.
Hindi makapag-salita ang apat dahil sa iyon ang unang pagkakataon na makakita sila ng tunay na multo. Kaya imbes na magsaya ang mga ito, ay nagtatatakbo pa at sila'y nagsigawan.
Agad naman silang pinahinahon ng Arcade staff na nagbabantay sa Storage room kung saan agad din silang sinabihan na umalis agad mula sa mall bago pa sila mahuli ng mga rumurondang pulis.
Pagkalabas nila sa mall, binati sila ng Arcade staff dahil sa nagawa ng magpinsan, nila Carl at Lyrica na mapatahimik ng tuluyan ang multo sa Arcade at panatag na rin ang loob nito dahil makakabalik na sya sa kanyang trabaho.
Matapos ang nakakakilabot na paglalaro nila Archie, Albert, Carl at Lyrica sa Arcade ay agad na rin silang umuwi at itinext nila sa kanilang mga kaibigan pati na rin kay Marika na natalo nila ang nagmumultong Arcade machine. Ngunit sinamahan ni Albert si Lyrica na ihatid sya sa kanyang bahay.
Albert: "Grabe! Ang galing mo maglaro kanina!! Panu mo nagawa yun?"
Lyrica: "Ehhh....a...anu?! Naglalaro din ako kung minsan sa Arcade kaya ko siguro nagawa yun."
Albert: "Pero ang galing mo talaga kanina!! Ikaw ang nagligtas sa aming lahat."
Lyrica:"Ehh...sa...salamat." (Nakakahiya naman Albert. Masyado mo naman akong pinupuri. Ang totoo, natakot ako kanina sa ginawa ko.)
Nahihiyang nakikinig si Lyrica sa mga papuri ni Albert sa kanya. Hanggang sa may naisip syang sabihin kay Albert.
Lyrica: "Uhmm....Albert?"
Albert: "Bakit Lyrica?"
Biglang niyakap ni Lyrica si Albert kung saan bigla rin syang umiyak sa dibdib nito.
Lyrica: "Alam mo, Albert, sobrang natakot ako kanina. Akala ko mamatay na ako dun. Buti hinila mo ako."
Labis na iyak at takot ang naramdaman ni Lyrica ng mga oras na iyon kung saan humanga si Albert sa kanya dahil sa nagawa ni Lyrica na itago ang takot na nararamdaman nya sa kanyang sarili. Kaya niyakap din sya ni Albert upang mapanatag din ang kanyang loob.
Albert: "Wag ka nang umiyak Lyrica. Lahat naman tayo ay natatakot. Natakot din kami kanina kaya natural lang sa atin ang matakot. Pero hanga ako sayo kasi nagawa mong maging mahinahon sa kabila ng takot na nararamdaman mo. Kaya mas matapang ka kaysa sa aming tatlo kanina."
Lyrica: "Ma....matapang ba ako?"
Albert: "Oo, Lyrica. Napakatapang mo. Kaya wag ka ng umiyak, OK?"
Lyrica: " OK. Susubukan ko."
Matapos mapagaan ni Albert ang loob ni Lyrica, pinunasan ni Albert ng panyo ang mga mata nito at nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa hanggang sa maihatid ni Albert si Lyrica sa bahay nito. Nagpasalamat muli si Lyrica sa paghatid sa kanya at agad ng umalis si Albert.
Pagkagaling ni Albert mula sa bahay ni Lyrica, habang naglalakad, napansin ni Albert ang isang bakanteng lote na may mga labi ng dating nakatayong bahay na sa tingin nya ay nasunog.
Nagulat na lamang sya nang may makita syang nag-aapoy na tao sa gitna ng lote. Sa takot nya, agad syang kumaripas ng takbo palayo sa lugar at umuwi sa bahay ni Archie.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...