Matapos ang magulong away nila Jett at Bruno, hindi maipinta ang mga mukha ng mga staff at manager ng school canteen dahil sa mga nasirang upuan at mesa. Napakamot naman ng ulo ang principal dahil sa ito ang unang pagkakataon na makasaksi sya ng isang magulong pangyayari sa kanyang pamumuno. Agad naman na nangako ang principal sa kanila na maglalaan ng pondo pamalit sa mga nasirang mga gamit.
Samantala sa clinic, sinamahan nila Reysha at Marika ang mga walang malay na si Jett at si Bruno, pati na rin si Lyrica na kanina pang namimilpit sa sakit na ngayo'y maayos na ang kalagayan. Sinabi na rin ng doktor ng clinic na nagkaroon ng ilang sugat sa mukha si Bruno at wala namang gaanong malalang pinsala sa bungo nito.
Ngunit kay Jett, sinabihan ng doktor si Marika na kailangan na syang itakbo sa malapit na ospital dahil sa possibleng may bali sya sa tadyang bunga ng pagkakahagis ni Bruno sa kanya at upang makita sa X-tay kung may bali nga sya.
Kaya naman sumang ayon si Marika sa desiyon ng doktor ng clinic at dinala si Jett sa malapit na ospital. Ngunit bago sya umlis, inutusan nya si Reysha na bantayan na muna ang mga kaklase nya habang wala sya. Agad naman sumunod si Reysha na nag-aalala din sa kalagayan ni Jett.
Agad ng umalis ang sasakyan kung saan isinakay si Jett kasama si Marika at bumalik na din sina Reysha, Lyrica at Albert sa kanilang silid.
Reysha: "Lyrica, OK ka na ba? Hindi na ba sumasakit ang sikmura mo?"
Lyrica: "O..Ok na ako. Salamat sa inyo."
Albert: "Wala lang yun, Lyrica. Anu bang nangyari sayo kanina kung bakit masakit ang sikmura mo? Ninerbyos ka ba?"
Reysha: "Hay! Naku! Albet. Knock-down ka kasi kanina kaya hindi mo nakita kung anung nangyari kanina!"
Albert: "Eh hindi ko na kasalanan kung mapatulog ako ng bakulaw na lalaking yun kanina. Tsaka, Albert ang pangalan ko!! Hindi Albet!!"
Reysha: "Oh sige, ALBERT. Eto ang nangyari kanina, ihinarang lang naman ni Lyrica ang sarili nya kay Rochel kanina kung saan tinadyakan sya nung bakulaw."
Albert: "Anu?!! Ginawa mo yun?!! Tsaka tinadyakan ka ng Bakulaw?!!"
Lyrica: "....Oo...."
Albert: "Ang sama naman nya!! Kapag nakita ko pa ulit ang bakulaw na yun, ako na ang bubugbog sa kanya!! Makikita nya!!"
Lyrica: (Concern ba si Albert sa akin? Masiguro ko nga.) "A..Albert, ka...kapag may ibang babae bang sinaktan si Bruno, bubugbugin mo ba sya?"
Albert: "Oo naman! Kahit sina Aileen o kaya si Rochel ang saktan nya, bubugbugin ako para sa inyo."
Reysha: "Talaga? Bubugbugin mo?! Eh kung ako ang saktan nya? Bubugbugin mo din ba sya para sa akin?"
Albert: "Oo naman!! Basta kayo na mga kaibigan ko."
Reysha: "Weh!!! Maniwala sayo!!"
Albert: "Eh Bakit?! Wala ka bang tiwala sa akin, Reysha?!"
Reysha: "Nung kinalaban mo nga si Bruno, napatulog ka nga nya sa isang suntok lang!!!! Panu pa kaya kung sa susunod matulog ka na naman?!! Baka mamaya kami pang mga babae ang mambugbog sa kanya imbes na ikaw!!"
Tila napanghinaan ng loob si Albert sa mga sinabi ni Reysha sa kanya. Kaya pumalusot na lamang sya sa sinabi nito.
Albert: "Reysha, naunahan lang nya ako. Sa susunod hindi nya na ako mauunahan. Hahahaha!!!"
Lyrica: (Kung ganun, concern pala sya sa mga kaibigan nyang mga babae. Akala ko sa akin lang sya concern.)
Reysha: (Ang hirap magtiwala sa mga taong kagaya nito. Halata naman sayo, Albert, na first time mong makatikim ng suntok. Congratulations sa unang suntok na natanggap mo sa buong buhay mo!!!)
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...