Nagkita-kita ang apat sa sementeryo kung saan naihanda na nila ang gagamiting Holy water, Asin, martilyo at pambutas sa pantiyon.
Albert: "OK!! Ngayung nandito na ang lahat, simulan na natin ang plano. Tsaka Aileen, bakit ka nakajogging pants? Saan ka tatakbo?"
Aileen: "Nag-iisip ka ba Albert?! Alangan naman na mag-palda ako?!!! Panu kung biglang may lumabas na multo dito sa sementeryong to?!!"
Archie: "Shhhhhh!!!! Aileen! Hinaan mo boses mo at baka marinig tayo nung caretaker ng sementeryo. Tsaka Insan, may punto naman si Aileen."
Albert: "Oo na. Nakakapanibago kasi si Aileen sa suot nya. So, asan na yung pantiyon ni Suero?"
Itinuro ni Archie at Carl ang apartment na libingan kung saan ang kinalalagyan nito.
Albert: "Ok. Nakita ko na. Simulan na natin. Nasaan yung hagdan?"
Nagtinginan ang apat nang mapansin nilang wala silang dalang hagdan.
Aileen: "Alam nyo, kayong mga lalake, LUMILIPAD BA ANG MGA UTAK NYO HA?!!!!! NAKITA NYO NA NGANG NASA PINAKA-ITAAS NG APARTMENT KUNG SAAN KASING TAAS NG BUBONG NG BAHAY NAMIN ANG PANTIYON NI SUERO, WALA MAN LANG NAKAISIP SA INYO NA MAGDALA NG HAGDAN?!!!!!!!"
Carl: "Eh.....Ang akala ko si Archie ang magdadala ng hagdan."
Archie: "Anung ako? Akala ko ba ikaw magdadala ng hagdan?"
Carl: "Eh sabi mo kasi kanina ikaw na bahala sa gamit. Kaya akala ko kasama dun sa sinabi mo ang hagdan."
Archie: "Oo. Sinabi ko yun. Pero ang tinutukoy ko, yung martilyo at pambutas ng semento ang dadalhin ko. Kaya akala ko ikaw na magdadala sa hagdan."
Albert: "OK!! Tama na!! Andito na tayo. Kaya naman kayong dalawa ni insan ang mag-aalalay sa paa ko dito sa baba at aakyat ako."
Carl: "Oy!! Albert!! Ang daya mo naman! Bakit ikaw ang aakyat samantalang kami ni Archie ang magbubuhat sayo sa baba?!!"
Albert: "Simple lang, nakalimutan nyo magdala ng hagdan sa kabila ng nakita nyong napakataas ng pantiyon ni Suero. Kaya buhatin nyo ako."
Carl: "Oy!! Ang daya!!"
Aileen: "Wag ka na ngang magreklamo, Carl!! Buti pa si Archie hindi nagrereklamo kasi alam nyang may nagawa syang mali!!! Samantalang ikaw, puro ka pa ingay!!"
Carl: "Oo na!! Sige na!! Bubuhatin na namin si Albert. Pambihira talaga."
Binuhat nila Carl at Archie si Albert mula sa paa nito. Nang mai-angat nung dalawa si Albert, tila napansin ni Albert na hindi nya maabot ang pantiyon ni Suero kaya naisip nyang paakyatin si Aileen at sumampa sa kanyang balikat.
Albert: "Aileen! Umakyat ka at sumampa ka sa balikat ko. Hindi ko maabot yung pantiyon."
Aileen: "Sige! Ilalagay ko lang sa bulsa ko yung pambutas, martilyo, at ang Holy water."
Agad ng umakyat si Aileen at sumampa sa balikat ni Albert kung saan nakahawak naman si Albert at inaalalayan si Aileen sa mga binti nito.
Archie: "Grabe!! Ang bigat nyong dalawa!!"
Carl: "Bakit ba kailangang sapitin ko pa ang kamalasang ito?!!"
Albert: "Uy!! Wag nga kayong malikot! Malalaglag kami!!"
Aileen: "Magtiis nga muna kayo jan sa baba!! Sisimulan ko nang butasin etong pantiyon!"
Sinimulan ng butasan ni Aileen ang pantiyon ni Suero kung saan nakalagak ang abo nito.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...