Matapos batiin ni Lunabelle ang mga bago nyang mga kasamahan sa Camera club, agad nyang pinapasok ang mga ito sa loob ng club room.
Ipinakita nya ang buong kwarto sa kanila, kung saan nakadisplay sa mga dingding ang mga litrato at mga lumang camera na nakalagay naman sa kabinet, na ginamit sa mga nagdaang school events ng kanilang paaralan.
Tuwang-tuwa si Lunabelle na ipakita ang mga litrato ng mga dating members ng club sa nagdaang mga batch. Kasama na ang iba pang mga naitagong mga litrato ng mga ito mula sa isang kabinet.
Ngunit hindi nya namalayan, pati mga lumang editoryal at mga lumang files ay nailabas din nya dahil sa sobrang tuwa nya.
Lyrica: "Uhmmmmm.....ate Lunabelle, ang dami naman po ng mga litratong inilabas nyo? Kailangan po ba talaga na makita namin lahat ng mga iyan?"
Lunabelle: "Oo! Siyempre naman, Lyrica. Kailangan kong ipakita yan lahat para may idea kayo kung para saan ang club natin."
Rochel: "Para saan at anu ba ang purpose ng club natin, Lunabelle?"
Carl: "Rochel, hindi naman sa nakikialam pero, bakit Lunabelle lang ang tawag mo sa kanya at walang Ate?"
Rochel: "Dahil nalaman ko lang naman na magkasing edad lang kami, Carl."
Carl: "Magkasing edad kayo? Bakit? Ilang taon ka na ba?"
Rochel: "15"
Lyrica: "Ha?! 15 mo na?"
Lunabelle: "Carl, wag mo na nga kasi tanungin ang edad naming mga babae. Lalo ka lang maguguluhan. Tsaka wag nyo na akong tawaging Ate. Lunabelle na lang kung hindi kayo kumportable"
Carl: "Oo na, Lunabelle. Naguluhan na nga ako eh."
Lunabelle: "Total, tapos na ang mga katanungan mo, Carl. Mabalik naman tayo sa tanong ni Rochel kanina. Actually, noong unang itinatag ang club na ito, Photojournalism club palang ang dati nitong pangalan. Itinatag ito nung mga estudyante ng batch 2000 ang club na ito. Ang purpose nila ay kumuha ng mga litrato para sa members ng Newspaper club noong mga panahon na iyon. Minsan, may mga estudyante na gustong patotohanan ang mga tsismis noon, kaya jan na pumapasok ang dating Camera club noon."
Albert: "Ahhh....kaya pala yung ibang mga nakikita naming mga litrato may nakalagay na "Cased closed", ibig sabihin, napatunayan na hindi totoo ang tsismis."
Lunabelle: "Tama ka jan, Albert. Meron din naman mga tsismis kung saan napatotohanan na totoo ang tsismis. Tulad na lang yung litrato na hawak ni Aileen."
Aileen: "Etong litrato ng dalawang naghahalikang estudyante sa likod ng school. Bakit? Anung kuwento ng litrato na to?"
Lunabelle: "Sa pagkakaalala ko mula seniors ko, ang litrato na yan ay mula sa tsismis kung saan, jowa daw ng Valedictorian nila ang Salutatorian noong mga panahon na yan. Kaya naging paparazzi ang mga dating members at nakumpirma nila na totoo ang tsismis."
Lyrica: (So ibig sabihin, trabaho ng club na ito ang mangulekta ng mga tsismis mula sa ibang tao? Kaya pala ang daming ayaw sumali sa club na to.)
Archie: "Grabe naman yan. Sinigurado talaga nila na totoo ang tsismis?"
Lunabelle: "Oo, Archie. Pero nakonsensya yung kumuha ng litrato na yan, kaya inilagay na lang niya ito bilang "Case unclosed" dahil sa hindi nya na ito ipinakita sa lahat noon."
Aileen: "Ibig sabihin, hindi nya rin pinatotohanan ang tsismis kahit na may ebidensya na sya. Mabait din naman pala ang kumuha ng litrato na to. Tsaka ang cute nilang magjowa ha. Nakakainggit."
Carl: "Naiinggit ka? Weh!! Impossible na yan, Aileen. Sa pagkaka-alala ko, walang may gustong manligaw sayo kasi lahat ng manliligaw mo, binubugog mo. Kaya hindi ka na dapat naiingit."
Aileen: "Eh kung upakan na kaya kita?!!!! Akala mo naman kung sinong habulin ng lahat ng mga babae!!!!"
Carl: "Oy!! Wala namang ganyanan!! Lyrica, tulungan mo ako! Uupakan ako ni Aileen!!!"
Agad namang sinugod ni Aileen si Carl kung saan napatakbo ito at naghabulan sila sa labas ng club.
Lunabelle: "Ahh...Ganun ba lagi yung dalawang yun?"
Lyrica: "Pagpasensyahan mo na sila, Ate. Talagang ganun lang sila."
Lunabelle: "Kung sabagay, baka masanay lang din ako sa ugali nung dalawang yun."
Habang tumitingin ng mga litrato ang magkakaibigan, napansin ni Lyrica at Archie ang isang folder na naglalaman ng mga papeles at mga walong litrato na nakapaloob dito. Kaya tinanong nila si Lunabelle tungkol dito.
Archie: "Ate Lunabelle, anu naman meron sa mga litratong ito?"
Lunabelle: "Hmmm.....hindi ko maalala, pero pwedeng patingin?"
Archie: "Sige po."
Ibinigay ng Archie ang folder na kanilang nakita. Tiningnan ni Lunabelle ang laman ng folder at binasa ang ilang mga papel na nakalagay rito upang malaman kung sino ang nagmamay-ari ng folder. Laking gulat na lang ni Lunabelle ng malaman ang tungkol sa pagkakakilanlan ng may-ari ng folder.
Lunabelle: "Property of Robert Kalano?!! Teka?!! Yung club leader ko to noong first time kong sumali sa club na ito noon ah!!"
Rochel: "Pagmamay-ari ng inyong Senior noon?"
Lunabelle: "Oo. Walang duda! Sa kanya nga ito. Teka! Sandali, may maliit na note sya."
Tiningnan ni Lunabelle ang note at lalo syang nagulat ng makita nya ang nakasulat at ang taon kung kailan nakuha ang mga naturang litrato.
Lunabelle: "Ang sabi: Kung sino man ang makahanap sa folder na to, please! wag nyo nang alamin ang kaso na nakapaloob dito at sunugin na ang folder na to. November 2016."
Albert: "2016? I-minus natin sa taon ngayon. .....4 years?..... Teka! Di ba sabi mo, Lunabelle, 4 years ago, may nangyaring hindi maganda sa isa sa mga club members kaya minamalas etong club? Hindi kaya nakapaloob jan kung bakit ayaw sumali ng mga estudyante sa club natin?"
Lunabelle: "Kung andito sa folder na ito ang sagot sa hindi pagsali ng mga estudyante, mas mabuti na tingnan natin lahat ang mga nakapaloob dito."
Albert: "Ayos!!! Isang mystery ng club ang ating naungkat!!"
Rochel: "Archie, tuwang-tuwa ang pinsan mo ah. Totoo ata ang narinig ko kay Carl na mahilig sya sa pagsolve ng mystery."
Archie: "Mukha nga, Rochel. Tsaka wala din naman akong ideya sa kung anu talaga ang hilig nya.."
Lyrica: "Tutulong din ako kasi curious din ako sa nilalaman ng Folder at sa warning ng note."
Lunabelle: "Sige! Tingnan na natin!"
Tiningnan nila ang nilalaman ng folder at binasa ang mga papel na nakalagay dito. Napag-alaman nila na ang mga litrato na nakalagay dito ay ang mga walong multo sa walong pinaka-Haunted na lugar sa buong Selma.
Sinasabi din na may isang member sila na namatay sa hindi maipaliwanag na dahilan at sinisisi bilang rason, ang pagkuha ng litrato nang mga multo na nagpaparamdam sa mga naturang lugar. Kinilabutan ang mga magkaka-club members ng mabasa lahat ang mga impormasyon na nakapaloob dito.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Jugendliteratur****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...