Pagkagat ng dilim, dumating na ang oras kung saan nagkita-kita ang mga magkakaibigan sa Old Building kung saan ihinanda na nila lahat ng kanilang mga kakailanganin, ngunit gaya ng inaasahan, hindi sumipot si Jett upang tumulong.
Albert: "Guys, hindi sumipot si Jett. Anu sa tingin nyo ang iniisip nya?"
Carl: "Ayoko man sabihin to, pero panu kung may niluluto syang pancit macau?"
Lyrica: "Huh?! Pansit Macau?!"
Rochel: "Lyrica, ang ibig nyang sabihin ay may pinaplanong pananabutahe si Jett."
Archie: "Sana man lang, hindi nya gawin ang naiisip kong gagawin nya. Baka hindi na ako magtiwala sa kanya kapag may ginawa sya ngayung aberya."
Reysha: " Sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi nya gagawin yun, Archie."
Archie: "Oo, San-......! REYSHA?!!!! A-Anung ginagawa mo dito?!!!"
Nagulat ang lahat ng hindi nila napansing kasama pala ang maliit na bababe. Marahil, dahil sa height nya at sa dilim ng paligid, hindi nila ito napansin na nasa tabi pala nila ito.
Aileen: "Reysha!! Nandito ka ba para tumulong?!!"
Reysha: "Oo. Bakit Aileen? May iba pa bang dahilan? O pinagdududahan nyo si Jett?"
Carl: "Ah....si Jett? Ah Ano.....OK naman sya."
Reysha: "Guys! Wag nyo nga akong lokohin! Alam kong pinagdududahan nyo sya!!"
Dahil sa nahalata ni Reysha ang pagdududa nila kay Jett. Minabuti na lang nilang aminin ito kay Reysha.
Albert: "Oo, Reysha. Nagdududa kami kay Jett dahil sa hindi nya nireresearch ang tungkol sa huling litrato ni Kalano at parang sinasadya pa nyang balewalain ang tungkol dito."
Reysha: "Huling litrato?"
Ipinakita ni Lunabelle ang sinasabing litrato na hindi nireresearch ni Jett. At tila nagkaroon ng konting ideya si Reysha ng makita nya ito.
Reysha: "Pakiramdam ko.......... nakita ko na yan noon."
Lunabelle: "Talaga?!! Nakita mo na yan noon?!!"
Reysha: "Oo. Kung gusto nyo, ako na ang magreresearch para sa inyo. Total, lumalabas na walang interes si Jett sa litratong iyan. Tsaka parang interisado din akong malaman kung anu ang meron sa litrato na iyan."
Aileen: "Reysha, panu kami nakakasiguro na hindi ka spy ni Jett?!"
Reysha: "Simple lang, gusto kong gawin ang mga ayaw nyang gawin. At dun ako natutuwa kapag naiinis sya."
Carl: (Wow! Nakakatakot naman ang babaeng ito. Gusto nyang gawin ang bagay na ayaw gawin ng kaaway nya. Buti na lang hindi ako ang naging kaaway nya.)
Lyrica: (Grabe ka naman, Reysha. Nagsisimula na akong mag-isip, kung anu ba talaga ang pinagmulan ng away nyong dalawa ni Jett at bakit naiinis ka sa kanya?)
Lunabelle: "OK. Payag na akong ikaw na ang magresearch sa huling litrato. Nakumbinsi mo ako, Reysha. Pero umpisahan na natin kung anu ang ipinunta natin dito, ngayung gabi."
Matapos pumayag si Lunabelle sa alok ni Reysha, agad nilang hinati ang kanilang grupo sa dalawa. Kung saan magkakasama sila Lyrica, Aileen, Albert at Carl upang ilagay sa tahimik ang multo ng Castilla Bridge at sila Lunabelle, Reysha, Archie at Rochel naman sa North Cemetery ng Selma.
Agad nagpunta ang grupo nila Lyrica sa Castilla bridge upang matiyagan ang ilalim ng tulay kung saan napansin nilang tila normal at walang gaanong kakaibang nangyayari sa ilalim nito.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Novela Juvenil****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...