Ilang araw matapos mapatahimik ang huling multo, tila bumalik na sa normal ang lahat dahil sa wala nang proproblemahin pa si Lunabelle at masaya silang nag-uusap sa loob ng Clubroom.
Lunabelle: "Hay!!! Salamat! Case closed na rin lahat ang mga weird na kaso ni Kalano."
Archie: "Oo nga. Tsaka balik normal na rin ang gawain ng buong club."
Jett: "Alam nyo, hindi naman sa sinisira ko ang araw nyo, pero wala pa rin may gustong sumali sa Club natin."
Albert: "Oo nga noh? May punto ka nga, Jett. Pero atleast, buhay pa rin naman ang club mo dahil sa amin, di Lunabelle?"
Lunabelle: "Oo. Tama ka, Albert! At next year, babawi tayo ng marerecruit na mga bagong members!!"
Lyrica: "Oo, Lunabelle!! Think positive lang!!"
Carl: "Speaking of Think positive, ba't may naamoy akong parang nasusunog?"
Hindi napansin ni Lyrica na aksidente nyang napaapoy ang ibabaw na parte ng folder ni Kalano.
Jett: "Hoy!!! Anu yan?!!! May sunog!!!!"
Aileen: "Guys!!! Patayin nyo ang apoy!! Dali!!!"
Agad na lumundag sa ibabaw ng mesa si Jett at tinapakan ang apoy.
Rochel: "Lyrica?!! Mag-ingat ka naman sa paggamit ng magic powers mo!! Susunugin mo pa ang club eh!!"
Lyrica: "Guys! Sorry!! Hindi ko sinasadya."
Biglang pumasok naman si Marika sa kanilang club nang maamoy ang usok mula sa loob habang naglalakad sya sa hallway.
Marika: "Guys!! Saan galing yung naamoy kong usok?!!"
Carl: "Ma'am, sa folder ni Kalano. Aksidente kasing nagamitan ng magic ni Lyrica yung folder."
Lyrica: "Guys! Sorry talaga!! Hindi ko naman sinasadya eh."
Lunabelle: "Hay...dahil sa nagyari, nagkalat na ang mga papel dito sa loob dahil sa pagtapak ni Jett."
Jett: "Oy!! Lunabelle! Pinatay ko lang naman ang apoy na susunog sa club mo! Kaya tinapakan ko."
Marika: "Oo na. Sige na guys. Tama na. At pakipulutin na ang mga papel na kumalat jan sa baba ng mesa."
Habang pinupulot ng lahat ang mga nagkalat na papel, napansin ni Aileen ang isa pang litratong iprininta sa papel mula sa folder ni Kalano.
Aileen: "Guys? Tingnan nyo to oh?! May litrato pa dito sa folder ni Kalano pero nakaprinta ng colored sa papel."
Tiningnan nilang lahat ang nakitang litrato kung saan ito ay may walong simbolo at isang malaking imahe ng ibon sa gitna katabi ang buwan at araw.
Albert: "Anu yan?! Isang kaso na naman ni Kalano?!"
Carl: "Pero sa pagkakataon na ito, isang malaking simbolo lang iyan. Anu kaya ibig sabihi—!"
Marika: "Teka?!! Imposible!!!!"
Rochel: "Bakit po? Miss Marika?!"
Ipinakita ni Marika ang nakunang litrato nya sa cellphone nito noong bakasyon at ipinaliwanag ito.
Marika: "Yan ang simbolo na nakita natin sa Kastilyong-Bato!!"
Rochel: "Anu?! Yan ba yun?!!"
Archie: "Oo nga!! Yan nga yun!!"
Carl: "Bakit? Anu bang meron sa simbolong iyan?!"
Marika: "Eh hindi ko masabi. Pero sigurado ako na ang buwan at araw ay ang Aklat ng Adlaw at ang Aklat ng Mayari. Yung walong maliliit na simbolo hindi ko masabi."
Jett: (Adlaw at Mayari ang buwan at araw na simbolo. Yung walong simbolo... Teka?!!! Posible kayang?!!!)
Biglang pumunta sa kabinet si Jett at kinalkal ang mga litrato ng mga cased closed.
Lunabelle: "Jett, Anung ginagawa mo?!! Anung kinakalkal mo jan?!!!"
Jett: "Lunabelle!!! Asan yung mga walong litrato?!!!"
Lyrica: "Jett, anjan sa second drawer."
Binuksan ni Jett ang second drawer at kinuha ang mga litrato. Nangmakuha nya ito, pinagtapat nya ang mga litrato ayon sa nakikita nitong simbolo at sinabi ang mga translation nito.
Jett: "Apoy......
Tubig....
Lupa.....
Hangin...
Bakal......
Puno......
Kidlat.....
At Dilim...."Nagulat ang mga kasamahan nya sa kanilang nakita nang nagtugma ang mga simbolo sa litrato ni Kalano at ang malaking litrato sa papel.
Marika: "A-Anung ibig sabihin nito?!"
Rochel: "Miss Marika. Hindi ko po alam."
Albert: "Guys! Mga simbolo lang iyan hindi ba? Na dinagdagan ng mas malaking simbolo sa gitna."
Jett: "Miss Marika, sabi nyo po noon mula sa research nyo, may kapangyarihan ang mga Aklat na magbukas ng pinto mula sa kabilang mundo, hindi po ba?"
Marika: "Oo. Bakit Jett?"
Jett: Lyrica, dala mo ba ang original na Aklat ng Mayari?"
Lyrica: "Oo. Bakit?!"
Jett: "Pahiram saglit."
Ibinigay ni Lyrica ang Aklat ng Mayari kay Jett kung saan ipinatong nya ang Aklat sa papel na may simbolo. Kinilabutan naman si Jett nang makita nya ang kabuuan nito.
Carl: "Oh? Anu nang mangyayari Jett?"
Jett: "Jusko.....Kalano, anung ginawa mo?!"
Marika: "B-Bakit Jett?!! Anung nakikita mo?!"
Archie: "Jett, sabihin mo?! Anung nakikita mo sa bagay na iyan?!"
Jett: "I-Isa itong.....HIGANTENG MAGIC CIRCLE!!!"
Nagulat ang lahat sa sinabi ni Jett. Kung saan sinabi nyang isang malaking magic circle ang naturang simbolo sa papel. Sobrang nababahala si Jett sa kung sino ang nagparesearch kay Kalano tungkol dito.
Marika: "M-Magic circle?!!! Ibig mong sabihin, Magic circle yan para magbukas ng pinto sa ibang mundo?!!"
Archie: "Teka?! Posible ba yun?!! Tsaka posible bang mayroong ganyang kalaking magic circle na umiiral sa mundo?!"
Rochel: "Archie?!! Hello?!! Mayroong ganyan sa Isla namin!!! Nakita mo naman noong bakasyon, hindi ba?!!"
Marika: "Pero yung nasa Isla ng Paradisio, inukit lang yun at hindi ang aktwal na magic circle."
Carl: "Pero delikado po ba yan kapag mayroon ngang ganyang kalaking magic circle na nag-eexist dito sa siyudad natin? Isipin nyo, kung nakakapagbukas yan ng pinto mula sa ibang mundo at napakalaki ang bubuksan nitong pinto, sigurado, lalabas ang mga Zombie mula sa kabilang mundo!!!!!!"
Aileen: "Carl, ang OA mo naman. Zombie na agad. Hindi ba pwedeng butas lang papunta sa kabilang dimensyon."
Jett: "Guys, maraming posibleng mangyari kung meron ngang ganyan. Ang ikinababahala ko, sino naman kaya ang nagparesearch nyan kay Kalano?"
Marika: "Tama ka, Jett. Kung sino man yun, sana hindi sya kung sinong masamang tao na marunong gumamit ng mahika o kung anu pa mang nilalang na may masamang pinaplano sa malaking magic circle na iyan. Total, mejo naungkat na natin ang ilan sa mga sikreto ng mga simbolong yan, ang maipapayo ko lang ay itago nyong mabuti ang mga impormasyon na iyan, sakaling magamit pa natin iyan."
Lahat: "Opo!"
Dahil sa nadiskubreng bagong impormasyon mula sa mga litrato ni Kalano. Minabuti ng mga magkakaibigan na itago ang folder sakaling kailanganin nila ang impormasyon mula rito.
Matapos maitago, umuwi na sa kani-kanilang bahay ang magkakaibigan matapos ang klase. At ginawa ang kanilang dating mga ginagawa sa mga sumunod pang mga araw.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Fiksi Remaja****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...