Lyrica: "Albert!! Salamat sa mga sinabi mo sa akin!! Kung hindi dahil sayo, hindi mawawala yung nakapalibot sa akin!!"
Aileen: "Beshy!!! Andito na ako!!! Albert!! Ang galing mo!! OK na si Beshy!!!"
Kumaripas ng takbo si Aileen ng makitang wala na ang mga nakapalibot kay Lyrica at nagyakapan ang magbestfriend.
Lyrica: "Guys!! Salamat talaga sa inyo!! At iniligtas nyo ako mula sa mga nakapalibot sa akin!!"
Albert: "Lyrica! Wag kang magpasalamat sa akin. Magpasalamat ka din sa mga kaibigan natin. Lalo na kila Jett at Reysha."
Aileen: "Speaking of Jett at Reysha, Naku!!!! Wala pang malay yung dalawang soon to be magjowa!!!!"
Lyrica: "Aileen, hindi pa ata sila magjowa, di ba?"
Albert: "Kayong dalawa! Kalimutan nyo na nga muna ang Jowa. Anung gagawin natin kapag hindi sila nagising?!"
Dahil sa nag-aalala ang tatlo sa kalagayan nila Jett at Reysha, pinuntahan nila kung saan sila nakahiga. Paglapit nila, nagkaroon ng konting yakapan sa pagitan nila Lyrica at Rochel. Tsaka sila bumalik sa kalagayan nang dalawa.
Carl: "Guyz!! Ngayung OK na si Lyrica, Anu naman ang gagawin natin kina Jett at Reysha?"
Archie: "Si Jett, napatigil na ni Rochel ang pagdurugo ng bukol nya. Si Reysha naman, hindi natin alam kung anu ang naging tama nya dahil sa dumugo ng husto ang ilong nya."
Rochel: "Sana man lang, hindi malala ang pinsala ni Reysha."
Lyrica: "Kasalanan ko to."
Aileen: "Beshy!! Wag mong sisihin ang sarili mo. Walang may gusto sa mga nangyari kanina."
Rochel: "Oo. Tama si Aileen, Lyrica. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo."
Sakto naman dumating sina Marika at Lunabelle kung saan agad na niyakap ni Marika si Lyrica ng makita nitong maayos ang kalagayan nito.
Marika: "Jusko!! Lyrica! Buti naman, maayos na ang kalagayan mo."
Lyrica: "Miss Marika!! Sorry sa ginawa ko po kanina!! Hindi ko po yun sinasadya!!!"
Marika: "Wag mo na isipin yun, Lyrica. Alam ko naman na hindi mo sinasadya. At pinapatawad na kita."
Lyrica: "Miss Marika!! Sorry po talaga!! At thank you po!!"
Lunabelle: "Ma'am, ayoko po sana kayong distorbohin, pero nakahiga po sina Jett at Reysha sa sahig at walang malay. Anu pong gagawin po natin?!"
Marika: "Huh?! Ah...bakit wala silang malay?!! Anung nangyari?!"
Ipinaliwanag ni Albert kay Marika ang nakakabaliw na plano na ginawa nila upang mapakalma si Lyrica at mailigtas ito.
Marika: "Gi-Ginawa nila iyon?!!!"
Albert: "Opo, Ma'am. At ngayun nakahandusay na po sila sa sahig ngyun."
Archie: "Sinubukan ko pong mag-isip pa ng ibang plano, pero talagang yun po ang plinano nilang dalawa.
Lunabelle: "Pero nakakabilib silang dalawa dahil buong tapang nilang ginawa ang isang nakakabaliw na plano. Tsaka nakakatuwa din dahil may powers din pala si Reysha. Ngayun ko lang nalaman."
Marika: (Powers? Tama! Yun nga!!)
Aileen: "Miss Marika, anu pong dapat po nating gawin ngayun?"
Marika: "Lunabelle, ang galing mo!! May naisip na akong paraan para mapagaling sina Jett at Reysha!"
Lunabelle: "Uhhhhh........salamat po? Tsaka anu pong naiisip nyong paraan?"
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...