CHAPTER 22: JUMPING JACKS

70 8 0
                                    

Kinabukasan, muling nagkita-kita ang magka-clubmates, maliban kay Lunabelle, sa kanilang classroom kung saan ikwinento nila Carl, Aileen at ang magpinsan ang nangyari sa kanila kagabi.

Rochel: "Ha? Nagpatong-patong kayo para lang maakyat nyo ang pantiyon ni Suero?"

Archie: "Oo. Rochel."

Aileen: "Pero guyz! Sa maniwala kayo't sa hindi, yun na ang pinakamadaling kaso sa folder ni Kalano. Dahil no hassle sa amin ang pagpapatahimik sa kaluluwa nya."

Lyrica: "Kung ganun, sana pala, sumama na lang ako para nakatulong din ako."

Albert: "Hindi mo na kailangan pang sumama kagabi, Lyrica. Tama lang ang ginawa mong desisyon na hindi ka lumabas. Tsaka madali naman talaga ang ginawa namin kagabi."

Carl: "Oo nga naman! Kung saan kami ni Archie ang nagbuhat sa inyo habang si Aileen ay nagrerelax sa tuktok namin!"

????: "Mas OK nga yan, Carl. Kaysa naman sa nagpapahabol ka sa nag-aapoy na multo kagabi."

Muli ay napatingin ang magkakaibigan sa pinanggalingan ng boses at muli na naman nilang nakita si Jett at nakasuot ng school uniform.

Lyrica: "Jett, papasok ka na ba sa klase natin?"

Jett: "Oo, Lyrica."

Aileen: "Jett! Anung ibig mong sabihin na nagpahabol ka sa nag-aapoy na multo kagabi?!"

Jett: "Ganito kasi ang nangyari....."

Ipinaliwanag ni Jett na pumunta sya kagabi sa lote upang matyagan ang multo at malaman kung anu ang mangyayari sa multo kapag nalagyan ng Holy water ang labi nito. Ngunit ipinaliwanag din nya na nakita sya nito at nadiskubreng pwedeng lumagpas at magpagala-gala sa labas ng lote ang multo. Kung saan nag-alala si Jett na baka abutan sila Carl, Aileen at ang magpinsan sa sementeryo at baka hindi nila ito mapatahimik. Kaya sinabi nya na nilibang at nagpahabol sya sa nag-aapoy na multo.

Lyrica: "Jett?!! Inilagay mo na naman sa kapahamakan ang sarili mo kagabi?!!"

Jett: "Oo, Lyrica. Parang ganun na nga. Anu Carl? Gusto mo, ikaw din ang magpahabol sa multo, kasama ako?"

Carl: "Hindi na, Jett! Naisip ko, magbuhat na lang ako ng tao na kasama si Archie kaysa sa magpahabol sa multo."

Aileen: "Ba't mo ginawa yun?! Tsaka, hindi ka ba nahihirapang tumakbo dahil sa mga bali mo?!"

Jett: "Sa totoo lang mejo kumikirot nga ang katawan ko habang tumatakbo ako kagabi. Siguro dahil sa Adrenaline Rush na dumaloy sa katawan ko kagabi, kaya hindi ko gaanong naramdaman ang sakit sa mga bali ko. Pero kahit papano nakatulong naman ako sa paglilibang sa multo, at nailagay na natin sa tahimik yung delikadong multo, hindi ba?"

Archie: "Oo nga. Nakatulong ka nga at nagpapasalamat kami ng sobra, Jett. Pero sa susunod, abisuhan mo naman kami kung magpapapain ka o magpapahabol sa multo."

Jett: "Oo na. Sa susunod, aabisuhan ko kayo. Pero speaking of susunod, nag-ring na ata ang bell at nanjan na ata yung subject teacher natin. Sa clubroom na natin ito pag-usapan mamaya."

Pagpasok ng Subject Teacher, agad na nitong sinimulan ang klase kung saan bumalik sa kanilang mga upuan at nakinig ng tahimik ang mga estudyante ng Section 8-B.

Sa unang tatlong oras ng klase, tila naboring ng husto ang mga estudyante at hindi na nakikinig ang ilan sa tinuturo ng mga subject teachers. Hanggang sa nabuhayan ang mga estudyante nang si Marika na ang susunod na magtuturo sa kanila ng subject na P.E. Bago sila pinapunta sa Field ng eskwelahan, inabisuhan sila na magpalit ng running attire sa kanilang locker room, para sa kanilang subject.

Pagdating nila sa Field, tila may kakaibang uri ng lakas ang dumaloy sa mga kalalakihang estudyante ng makita nila si Marika sa suot nito. Nakasuot sya ng fitted na jogging pants, rubbers shoes at fitted Sweat Shirt kung saan lumutang ang hubog ng katawan ni Marika.

Marika: "So Class!! Isasagawa natin ngayun ang 100-meter dash kung saan tatakbo ang lahat sa Field. Ang mangyayari, si Reysha at Jett ang titingin at maglilista ng oras sa timer dun sa dulo at mula dito sa starting line, tatakbo naman ang iba sa inyo. Pero bago tayo magsimula, magwarm-up muna tayo."

Tahimik na sumunod ang mga estudyante sa sinabi ni Marika sa kanila. Hindi dahil sa nakikinig ang mga ito, kundi dahil sa nakikitang ka-seksihan ni Marika sa mga estudyante nya, lalo na sa mga lalaki. Naiinggit naman ang ilang mga babae sa kanya.

Marika: "Ang gagawin nating warm-up ay ang tinatawag na Jumping Jacks. Sa starting position, tumayo tayo ng diretso, tapos i-bent natin ang mga knees and then talon na nakabukas patagilid ang mga binti at kamay na nasa ibabaw ng ulo. Tsaka babalik sa starting position. So simulan na natin ang mag-Jumping Jacks at 40 counts. Sa mga hindi nakaintindi, panoorin at sabayan nyo lang ako. Ready?!! 1-2, 1-2, 1-2....."

Nagsimula ng mag-Jumping jacks si Marika kung saan sinabayan siya ng kanyang mga estudyante. Halos matisod ang ilang mga babaeng estudyante nya dahil sa hindi sanay sa naturang exercise ang mga ito. Ang ilan naman, agad ng tumigil dahil sa hinihingal at mabilis mapagod.

Ngunit ang mga lalaki ay buhay na buhay at tila hindi napapagod dahil sa isang uri ng lakas na nagbibigay gana sa kanila na sumunod sa ginagawa ni Marika at nakatingin sila rito, maliban kay Jett na nakatayo at nanonood lang sa kanilang likuran. Lahat sila ay nakatingin sa taas at babang umaalog na dibdib ni Marika kung kaya't patuloy nilang sinasabayan si Marika kahit na ang ilan ay pagud na pagod at hindi na kayang magpatuloy pa.

Estudyante 1: "HAAAAAHH!!! Hindi ako susuko!!! Nakikita ko na ang aking hinaharap!!!!!"

Estudyante 2: "Kung ganito lagi ang Lesson ni Ma'am Marika, hindi na ako aabsent!!"

Estudyante 3: "Nakakabuhay ng katawang lupa ko ang kanyang mga Melon ng Buhay!!!! Ma'am!! Kahit 100 counts pa yan!! Hinding-hindi ako mamatay!!!!"

Jett: "T@#g !#@ nyong tatlo!!!! Mabulag sana kayo!!! Mga BASTOS!!!!"

Lyrica: (Buti pa si Jett, may respeto pa sa mga babae. Samantalang ang mga boys namin dito, mukhang na-hypnotize na sa dibdib ni Miss Marika. Tsaka hindi naman nya kailangan magmura para pagsabihan ang mga classmates namin.)

Rochel: (Anu kayang naisip ni Miss Marika at nagsuot sya ng hapit na damit? Sinadya nya kaya to para sumunod lahat ng boys sa kanya?!)

Aileen: (Nakakainis ka!! Miss Marika!!! Nakakainis maging Flat-chested!!!! Sana may ganyan din akong dibdib!!! )

Reysha: (Sana walang makapansin sa akin na nagtatakip ako ng dibdib. May kalakihan din kasi.)

Jett: "Hoy!! Reysha!! Anung ginagawa mo?!! Bakit ka nagtatakip ng dibdib?!! Hindi ganyan mag-Jumping jacks!!!!"

Reysha: (Buwisit ka talagang Anak-Araw ka!!!! BABALIAN NA KITA ULIT!!!!! Hrraaaaaaaaaagghhhh!!!!!!!)

Nagpatuloy ang warm-up exercise ng mga estudyante at natapos din sa bilang na 40 gaya ng sinabi ni Marika. Sandali nyang pinagpahinga ang mga ito upang makapaghanda sa gagawin nilang takbuhan.

Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon