Ilang linggo makalipas ang anunsyo ni Marika sa kanyang mga estudyante, isang araw bago ang inaabangang Field trip ng kanilang school, abala naman sa pagpraktis ng paggamit ng camera ang mga miyembro ng Camera club, maliban kay Jett na hindi tumupad sa sinabi ni Lunabelle at naka-ilang beses na lumiban sa kanilang club activities.
Lunabelle: "Nandito na ba ang lahat?"
Carl: "Oo, Lunabelle. Maliban kay Jett."
Lunabelle: "Hay!!! Naku!!!! Lumiban na naman sya sa club natin?!! Sinabihan ko naman siya ng maayos na wag liliban, tapos ganito rin lang pala gagawin nya!!"
Archie: "Lunabelle, hayaan muna natin sya. Malay mo, nagpraprakis lang sya sa ibang lugar."
Lunabelle: "Hay.....sana man lang nga, Archie. Ngayun, dahil sa bukas na ang field trip natin papunta sa bayan ng Lacresa. Hindi na tayo magprapraktis pa at maghahanda na tayo sa mga dadalhing mga gamit."
Napatahimik ang lahat dahil sa sinabi ni Lunabelle na tila nagkaroon sila ng idea kung bakit lumiban si Jett sa kanilang aktibidad.
Albert: "Anu? Walang praktis at maghahanda lang tayo?"
Carl: "Pambihira ka!! Lunabelle!!! Kung yan din lang pala sasabihin mo, eh di sana itinext mo na lang sa amin at umuwi na kami sa mga bahay namin para makapaghanda!!"
Aileen: "Kaya namam pala lumiban si Jett ngayon. Inasahan nya na ata ang sasabihin mo, kaya wala sya ngayon."
Lyrica: "Wala ba tayo praktis ngayun?
Rochel: "Lyrica?! Lutang ka na naman ba?"
Lunabelle: "OK! Sorry na! Kung hindi ko itinext sa inyo. Pero kaya ko kayo ipinatawag ngayun para kunin ang mga camera na gagamitin nyo sa field trip. Tsaka 2 Camera, 2 extra battery at 2 charger lang ang dadalhin natin."
Albert: "Eh panu ang memory card? Tig dalawa rin?"
Lunabelle: "Oo, Albert. Dalawa din. Ngayon ilagay natin sa bag ng camera ang mga iyan at ipapauwi ko na yan sa inyo. Pero pipili ako ng dalawang miyembro na mag-uuwi nyan at inaasahan ko na dadalhin nyo yan bukas."
Kinuha ni Lunabelle dalawang bag. Binigay nya ang isa kay Rochel at ang isa naman kay Aileen.
Carl: "Teka?! Bakit kina Rochel at Aileen mo ibinigay?"
Lunabelle: "Kasi Carl, maagap sila. Kaysa sayo na malilimutin at panay reklamo."
Carl: "Anung malilimutin?! Wala akong nakakalimutan na kahit na anu sa buong buhay ko!!!"
Albert: "Talaga lang Carl ha? Eh ba't bukas ang zipper mo?"
Carl: "Anu?!!"
Tiningnan ang pantalon nito at nakita ang bukas na zipper nito. Agad tumalikod si Carl dahil sa kahihiyan na natanggap nito.
Lunabelle: "Oh? Yan ang patunay na malilimutin ka. Pati zipper ng pantalon mo, nakalimutan mong isara. Tsaka nakakahiya ka kasi sa harap pa namin ipinakita yan."
Carl: "Oo na!! Tama na kayo!! At umuwi na nga tayo!! Maaga pa tayo bukas!!"
Lunabelle: "Sandali!! Bago kayo umalis, ipapaalala ko lang na roll-call natin bukas dito sa school ay 5:00 AM. At magtext kayo kapag nakasakay na ang lahat ng mga sasama sa Bus para malaman ko na nakasakay na kayo. So, guyz!! Kita-kita na lang tayo bukas ha?!
Lahat: "OK!"
Agad ng nagsiuwian ang mga magkaclubmates upang maghanda sa kanilang field trip.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Genç Kurgu****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...