CHAPTER 64: HIMIG NG PAGPAPATAWAD

81 5 0
                                    

Pagdating nila Jett, Marika, Reysha at Lyrica sa likod bahay, tumambad at namangha sa nakita ang tatlong babae dahil nakita nila ang isang napakalaking puno ng gardenia. Kung saan hitik sa dami ng bulaklak at nagniningning sa liwanag ng buwan ang maputing kulay nito.

Maliban sa napakagandang puno na nakikita nila, kumalat din sa buong lugar ang napakabangong amoy ng mga bulaklak mula sa puno.

Reysha: "Jett, napakaganda naman ng lugar na ito."

Lyrica: "Oo nga, Jett. At napakabango pa."

Marika: "Tsaka sumasabay sa nakikita ko yung naririnig kong hele. Saan kaya nanggagaling yun."

Bago pa man hanapin ni Marika ang naririnig nitong tunog, pinigilan na sya agad ni Jett.

Jett: "Miss Marika at lahat kayo. Wag kayong lalapit sa pinanggagalingan ng hele."

Lyrica: "Ba-Bakit naman?!"

Jett: "Sya yung humihele."

Reysha: "Sino?"

Jett: "Ate ko."

Tila natigilan ang lahat nang sinabi ni Jett kung saan naggagaling ang naririnig nilang napakagandang hele at naisip nila na ito ang multo sa Aguire residence.

Marika: "Ha?!! Eh buti naman, sinabi mo agad!! Jusko!! Muntik pa ata akong mabiktima ng kumakantang multo."

Reysha: "Sandali?! Yung hinehele ba nya ay yung paborito kong kanta?!"

Jett: "Oo."

Reysha: "Pero bakit?!"

Napabuntong hininga si Jett, at ipinaliwanag nya sa tatlo kung bakit kailangan nyang kantahan ang multong ate nya.

Jett: "Nangako kasi sya na tuturuan nya akong kumanta at maghihintay sya. Sinabi nya yun noong gabi, bago sya magpakamatay."

Lyrica: "Ibig mong sabihin, hindi sya natatahimik dahil hinihintay ka nyang dumating?!!"

Reysha: "At upang turuan kang KUMANTA?!!"

Jett: "Oo. Ganun na nga siguro. Pero sana man lang yun lang ang dahilan nya. Kaya naman....."

Inilabas ni Jett ang speaker at i-on nya na ito. Ihinanda nya na rin ang kanta na kakantahin nya.

Marika: "Jett, sigurado ka ba dito?! Baka mamaya, magwala sya kapag ginulo mo sya sa paghehele nya!"

Jett: "Nakahanda na po ako sa kung  anung maaring mangyayari sa akin. Kailangan ko pa rin pong subukan."

Lyrica: "Jett, hayaan mong maglagay ako ng barrier sayo."

Jett: "Wag na, Lyrica."

Reysha: "Pero Jett, delikado yan!!"

Jett: "Magtiwala kayo, hindi nya ako sasaktan. Lyrica, balutin nyo ang mga sarili nyo ng barrier. Please lang. Magtiwala kayo."

Mabagal na naglakad si Jett patungo sa puno kung saan nakita nyang nakapikit na humihele ang multo ng kanyang kapatid at nakaupo sa sementong upuan na nakapalibot dito.

Nang makalapit sya, biglang natigilan ang multo sa kanyang paglapit at tumigil din ito sa paghele. Tumitig ang multo sa kanya kung saan tumitig din si Jett. Kaya naman ibinaba ni Jett ang dala nyang speaker sa lupa tsaka sya kumanta.

Jett: "She finds it hard to trust someone,
She's heard the words cause they've all been sung.
She's the girl in the corner,
She's the girl nobody loved.
But I can't, I can't stop thinking about you everyday,
And you can't, you can't, you can't listen to what people say.
They don't know you baby,
Don't know that you're amazing,
But I'm here to stay."

Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon