Lunabelle: "At yun po ang nangyari, kung bakit po nasa sa amin ang folder pong ito."
Marika: (Bakit parang feeling ko nakita ko na ang mga simbolong ito? Hirap lang kasi sa sitwasyon na ito, hindi ko maalala dahil iniisip ko pa kung anu ang lesson ko para bukas.)
Archie: "Miss Marika? OK lang po ba kayo?"
Lyrica: "Malalim ata iniisip nya."
Marika: "Alam nyo guyz, pwede akong makatulong kung sa pagtranslate lang ng simbolo ang pinag-uusapan pero, yung kwento ng tungkol sa mga walong multo at walong haunted na lugar, hindi ko maipapayo na puntahan ang mga ito at patahimikin sila. Hindi nyo trabaho yun. Lalo na sa inyo, Archie at Rochel. Alam nyo kung anu tinutukoy ko na......"
Albert: "Nakapatay po si Insan ng Aswang. Alam na po namin yun."
Marika: "Oo. Tam—! A...ANU?!!!"
Nagulat si Marika ng malaman na alam na pala ng mga ka-club nito ang tungkol sa nangyari sa isla ng Paradisio noong bakasyon nito.
Marika: "Teka?! Ibig nyong sabihin, alam nyo na—?!"
Al,Carl,Ail,Lyr,Lun: "Opo!! Magjowa po sina Archie at Rochel!!"
Lalo pang nabigla si Marika ng malaman nyang alam na din ng mga ka-club nila Archie at Rochel ang tungkol sa relasyon nila. Kaya wala na din syang nagawa kundi ngumiwe sa kanila.
Marika: "Hay.....kung ganun, alam nyo na din palang lahat tungkol sa love birds na kasama natin dito. Pero ganun pa man, dahil sa ako ang Guardian ni Rochel sa ngayun, ayoko na gagawa kayong dalawa ni Rochel ng kalokohan. Malinaw ba yun? Archie?"
Archie: "Opo. Miss Marika. Pero pwede ko po ba syang ipaalam na lumabas? Pangako po! Wala pong kalokohan na mangyayari!"
Marika: "Walang pangako na hindi mapapako ha?! Archie?! Ipinagkatiwala si Rochel sa akin ng mga magulang nya na makakapagtapos sya dito sa Selma, kaya siguraduhin mo, Archie."
Archie: "Opo. Nangangako po ako."
Marika: "Kung ganun, Rochel, Ikaw ba ay—."
Lunabelle: "Sandali nga muna!!!!! Di ba ang pinag-uusapan natin dito ay ang mga simbolo?!! Bakit napunta sa dalawang to ang usapan?!!"
Carl: "Oo nga eh. Ang nangyayari ay parang sumisermon na pari si Miss Marika."
Aileen: "Pero atleast, magjowa sila. Nakakainggit."
Lyrica: "Aileen! Simbolo ang pinag-uusapan natin! Hindi jowa!"
Albert: "Mamaya na kasi ang tungkol sa Jowaan na yan!! Problemang multo't litrato muna! Miss Marika? Anu pong basa nyo sa simbolo nung nasa Arcade?"
Ipinakita ni Albert ang litrato ng Arcade na may simbolo.
Lunabelle: "Albert?! Bakit sa Arcade?!"
Albert: "Lunabelle, Jan sa Arcade yung may nakumpirma kami ni Insan na may multo. At yan ang gusto kong malaman, kung anu ang ibig sabihin ng mga simbolo na yan."
Tinignang mabuti ni Marika ang simbolo at di nya gaanong napagtanto ang ibig sabihin nito.
Marika: "Pagpasensyahan mo na Albert, pero hindi ko masabi kung kimlat ba to o kidlat ang nakalagay dahil sa magkahalong interpretasyon ng mga simbolo ang nakikita ko mula sa iba't ibang Baybayin ng magkakaibang etniko sa buong bansa. Kaya matatagalan talaga ako kung anu ang eksaktong basa ng mga ito."
Albert: "Kung kidlat po ang ibig sabihin, OK na po yun. Sapat na clue na po yun para sa amin."
Lyrica: "Kidlat? Hmmmm.....Ah! Mukhang may sense!"
Archie: "Bakit Lyrica? Anung nalaman mo?"
Lyrica: "Guyz! I...isipin nyo, nasa Arcade ang multo dahil maraming kuryente, tama ba?"
Carl: "Oo. Siguro."
Lyrica: "At ang nakalagay na basa sa simbolo ay kidlat. Ibig sabihin, hindi nagmumulto ang multo ng Arcade hindi dahil sa dun sya namatay. Pero dahil sa dun sya inatasan ng simbolo na magmulto dahil doon maraming kuryente."
Lunabelle: "Teka! Sinasabi mo ba na, nagmumulto ang multo sa lugar na iyon dahil sa sagana ito sa elemento kung saan inatasan sya ng simbolo?"
Lyrica: "Oo, Ate. Ganun nga yun."
Carl: "Napaka-kakaiba naman ng multo na yan kung magmumulto ito depende sa lugar na sagana sa elemento na taglay nito."
Albert: "Pero ang ipinagtataka ko ngayun, bakit kailangang sundin ng multo ang simbolo na taglay nito? Nakapagtataka..."
Marika: "Ngayung may ideya kayo sa mga litrato na iyan, ang masasabi ko, wag nyong subukan pa na ipahamak ang mga sarili nyo sa mga multo na yan. Mas mabuti pa na umuwi na kayo agad at wag nang mag-abala pa sa mga litrato na yan!!"
Lyrica: "Miss Marika, gusto man po namin sundin ang mga sinabi nyo pero kami lang po ang nakakaalam sa mga multo at simbolo na ito. Kung kami po ang pwedeng magpatahimik sa mga multo na ito, gagawin po namin dahil nag-aalala din po kami na baka may masaktang ibang tao ang mga multo na ito. Kaya pagpasensyahan nyo na kami sa magiging desisyon po namin."
Nagulat si Marika sa sinabi ni Lyrica sa kanya. Dahil sa ito ang unang pagkakataon na narinig nyang nagsalita at nagbigay ito ng katwiran.
Carl: "Seryoso ka ba?!! Lyrica, hindi mo ba naririnig ang mga sinabi mo?! Ba't parang si Jett ka kung magsalita ngayun ha?!! Sinaniban ka ba nya?!!"
Albert: "Lyrica?! Sigurado ka ba jan sa sinabi mo?!
Aileen: "Beshy?! Nagbibiro ka lang di ba?!"
Lunabelle: "Sang-ayon ako kay Lyrica. Patuloy lang na manggugulo ang mga multong to sa mga lugar na madalas nating pinapasyalan. Lalo na sa Arcade. Kaya kung tayo lang ang nakakaalam kung panu patatahimikin ang mga ito, gagawin natin."
Archie: "Kung sabagay, ayokong pumasyal sa isang lugar na may nanggugulong multo. Kaya sali na din ako sa ideya mo, Lyrica. Tsaka Rochel, hindi mo kailangan sumali pa dito kung ayaw mo."
Rochel: "Ayoko man sabihin to, Miss Marika, pero kasali na ako sa club na ito at gusto ko pong tumulong sa kanila. Pero kung gusto nyo po na grounded ako sa buong linggo, tatanggapin ko po ang parusa nyo."
Nakita ni Marika sa mga mata ng mga estudyante na seryoso sila na patahimikin ang mga multo sa walong litrato. Ngunit dahil sa nag-aalala din sya sa maaring mangyari sa mga estudyanteng ito, sumali na rin sya sa plano ng mga ito.
Marika: "Oh siya. Kung yan ang desisyon ninyo, sige sasali na din ako sa pagpapatahimik nyo sa mga multong iyan."
Lunabelle: "Ma'am?! Talaga po?! Hindi po kayo nagbibiro?!"
Rochel: "Miss Marika?! Hindi nyo po ba kami pipigilan?!"
Marika: "Anu pa bang magagawa ko kung ayaw nyong magpapigil? Pero kailangan nyong magresearch ng husto tungkol sa mga multo at lugar na iyan kung gusto nyo na patahimikin ng tuluyan ang mga iyan."
Albert: "Yan na nga po Ma'am ang sinasabi ko kay Lunabelle. Pero pagreresearch naman ng K-drama ang ginagawa."
Lunabelle: "Sisihin mo pa talaga ang K-drama sa paghabol sa inyo ng multo sa Arcade!"
Marika: "Teka? Albert, hinabol ka ng multo sa Arcade?!"
Albert: "Ma'am, dalawa po kami ni Insan."
Aileen: "Panung hindi hahabulin ang dalawang iyan, ginawa nila kasing tambayan ang Arcade ng buong magdamag kapag nakikita ko sila sa Mall."
Archie: "Eh malay ba namin na may nagmumulto pala sa Arcade. Tsaka ang ipinagtataka ko, paano kaya napatahimik nung dating Manong ang nagmumultong arcade machine kung saan wala man lang nakapansin na may multo pala dun."
Matapos mabanggit ni Archie ang tungkol sa nagmumultong arcade machine na humabol sa kanila. Sakto namang may tumawag sa cellphone ni Albert.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Fiksi Remaja****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...