Matapos basahin ng magkaka-club member ang mga papel na nilalaman ng folder, tila nabahala si Lunabelle sa sa sinasabing mga lugar na haunted, dahil sa wala man lang tao sa buong siyudad ng Selma ang nakakaalam na ang mga lugar na ito ay pinamumugaran ng mga masasamang espirito.
Archie: "Grabe! Hindi ko man lang alam na haunted pala ang Arcade sa mall. Wala akong ideya."
Lyrica: "A....ako nga rin, Archie. Pero ang hindi ko maintindihan, bakit pina-iimbestigahan ito sa dating senior ni Ate Lunabelle?"
Lunabelle: "Ayon sa mga ilan sa mga nakasulat dito sa folder, madalas daw na may nagpaparamdam sa mga lugar na ito, kahit na alas otso pa lang ng gabi ay nanggugulo na daw ang mga multong ito. Ang dahilan kung bakit pina-imbestigahan ito sa aking Senior ay dahil sa karamihan ng mga estudyante, ay hindi naniniwala sa mga kwento ng mga nakakita."
Albert: "Sinasabi nyo po ba na, dahil lang sa gusto lang makakita ng ebidesya ang mga hindi naniniwalang mga estudyante, na totoo ang mga multo sa mga lugar na ito, kaya't boluntaryo si Kalano na kuhanan ng litrato ng mga multong ito?"
Lunabelle: "Mukhang lumalabas na ganun nga ang nangyari. Ayon pa dito sa mga papel nya, hindi nya akalain na susundan daw sya ng mga kaluluwang kanyang sinubukang kuhanan at napansin nya na naging Poltergeist na ang ilan sa mga multong ito."
Rochel: "Poltergeist? Anu naman yun?"
Lyrica: "Sa pagkakaalala ko Rochel, ang Poltergeist ay isang uri ng multo na kayang magpalutang ng mga bagay. Ayon pa sa nabasa ko noon, sobrang malakas na ang multo, kapag matagal din itong namamalagi sa lugar kung saan ito namatay o kaya pinatay noong nabubuhay pa ito."
Rochel: "Ah...ga.....ganun ba yun? Grabe nakakatakot naman pala ang mga multo na iyan."
Lunabelle: "Oo, nakakakilabot nga ang mga yan lalo na kung nananakit na ng tao, ayon dito sa mga research nya. Ngunit ang ipinagtataka ko, kung nakuhanan nya ang mga ito, bakit wala akong nakikita sa mga litrato nya na may nakuhanan siyang multo?"
Lyrica: "Oo nga ate. Wala nga. Pero parang may kakaiba sa kuha nya."
Albert: "Bakit Lyrica? Anu napansin mo?"
Kinuha ni Lyrica ang isa sa mga walong litrato at ipinakita ang kakaibang simbolo na tila lumulutang sa lugar.
Lunabelle: "Teka? Ayon sa mga papeles ni Kalano, nakuhanan raw nya ang mga multo. Pero bakit simbolo ang nasa picture?"
Albert: "Hmmm.....nakapagtataka yun ha? Mga simbolo ang lumabas imbes na mga multo? Anung ibig sabihin nun?"
Archie: (Bakit parang pakiramdam ko, nakita ko na ang mga simbolong ito?)
Rochel: "Archie, bigla ka atang tumahimik. May ideya ka ba kung anu ang mga simbolong iyan?"
Archie: "Ang totoo, Rochel, wala. Tsaka nababahala kasi ako dahil isa sa tinutukoy ng litrato na multo ay nasa Arcade. Kaya di ko alam kung pupunta pa ako sa Arcade mamaya o hindi."
Albert: "Naisip ko lang pinsan, panu kung puntahan natin at alamin kung totoo nga na may multo dun?"
Lunabelle: "Teka!! Sandali!! Anu na naman yan naiisip mo, Albert?!! Hindi mo ba naalala yung sinabi ko na may namatay na ka-member ng club noon habang kumukuha sila ng litrato?!"
Albert: "Lunabelle naalala ko ang mga sinabi mo, pero ayon dito sa mga files ni Kalano, namatay ang kasama nila dahil nagpakamatay ito at hindi sa kasagsagan ng pagkuha ng mga litrato. Heto pa nga yung mismong papel!"
Ipinabasa ni Albert ang sinasabi nyang papel kay Lunabelle at naintindihan nya rin ito. Ngunit, napansin ni Lunabelle na hindi inilagay ni Kalano ang pangalan ng member na iyon kung saan lalo pang dumami ang mga tanong ni Lunabele sa kanyang sarili, kung sino ang member at anu ang dahilan kung bakit ito nagpakamatay.
Pinili na lang nyang hayaan na muna ito at sagutin na lamang si Albert.
Lunabelle: "Oo. Tama ka nga, Albert. Pero hindi natin alam kung anu ang pwedeng gawin sa inyo nung multo oras na makita nyo to sa Arcade. Kaya mabuti pa, iwasan nyo na lang munang pumunta ng Arcade at umuwi na kayo agad sa mga bahay nyo."
Lyrica: "O....Oo, Ate. Magandang ideya yan."
Archie: "Anu? Uuwi ka na agad? Hindi ka na mamamasyal?
Lyrica: "Oo, Archie. Tsaka naisip ko na magbasa na lang muna ako ng mga libro."
Albert: (Grabe. Ang hilig nya talaga sa mga libro.)
Archie: "Kung ganun, mamamasyal na lang kami ni Albert pagkatapos ng klase. Rochel, gusto mo bang sumama sa amin?"
Rochel: "Oo. Sige ba! Pero magpapaalam lang ako kay Miss Marika na sasama ako sa inyo. Tsaka pwede paturo kung panu gamitin etong android phone? Ngayun lang kasi ako nagkaroon nito."
Archie: "Sige, Rochel. Turuan kita."
Nagpaturo si Rochel kay Archie kung panu gamitin ang kanyang cellphone at isinave na rin ni Archie ang kanyang cell number upang makausap nya ito sakaling gusto nya itong makipag-usap.
Naisip na rin nila Lunabelle, Albert at Lyrica na kunin ang kani-kanilang mga cell number upang may contact sila sa isa't isa. Dahil wala pa sina Carl at Aileen, minabuti na lamang ni Lyrica na ibigay ang mga cell number nila na nakasave sa kanyang cellphone, sa iba pang mga ka-club niya.
Lunabelle: "Hayan! Na save ko na mga numbers nyo. Kung sakali may tanong kayo, mag-chat lang kayo sa akin, OK?"
Albert: "Oo, Lunabelle. Asahan mo yan at maasahan mo rin kami kung may kailangan ka."
Archie: "Anu Rochel? Sasama ka ba sa amin?"
Rochel: "Eh pasensya na, Archie. Hindi pumayag si Miss Marika. Kailangan ko raw umuwi ng maaga. Tsaka hindi ko pala nasabi sayo, kay Miss Marika kasi ako nakikitira."
Archie: "OK lang, Rochel. Naiintidihan ko naman na sya ang rason kung bakit ka nandito, kaya OK lang sa akin. Siguro, next time na lang tayo mamasyal at ipapaalam na lang kita sa kanya para di sya mag-alala sayo."
Rochel: "Oo, Archie. Salamat."
Lunabelle: "OK, total, may mga kanya-kanya kayong lakad mamaya, susubukan ko munang magresearch kung anu ba talaga ang meron sa mga litrato nang Senior kong si Kalano at kung anu ang ibig sabihin ng mga simbolo na yan. Tsaka, feeling ko pamilyar ang mga simbolo na yan eh. Kaya naman, habang naghihintay kayo ng uwian, tulungan nyo na rin akong itago sa dating pinaglagyan ang mga litrato na nakakalat sa mesa."
Lyrica: (Grabe naman si Lunabelle. Siya na nga ang naglabas nyan lahat, ipapabalik pa nya sa amin sa dating pinaglagyan ang mga ito. Kung sabagay, mga members na kami ng club nya, kaya iuutos na lang nya sa amin ang mga gusto nyang ipagawa.)
Habang naghihintay ang mga magkaka-club ng uwian, tinulungan nila si Lunabelle na ibalik sa mga kabinet ang mga litrato na kanyang inilabas at isina-ayos ang mga ito, maliban sa folder na naglalaman ng walong litrato. Matapos nito sakto namang nag-ring ang bell kung saan sinyales na din ito ng uwian ng mga estudyante.
Agad na isinara ng magkakaclub ang club room at sabay na silang lumabas ng eskwelahan at nagkanya-kanya na ng daan ang mga ito paglabas nila ng gate.
Ngunit ang magpinsan na sina Albert at Archie, imbes na umuwi na ng bahay ay pumunta pa rin ng mall sa kabila ng babala sa kanila ni Lunabelle.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...