Maagang nagkita-kita ang mga magkakaibigan at naghihintay na sila sa harap ng kanilang school. Nakita rin nila na nakahilera na sa parking lot ng kanilang eskwelahan ang mga nirentahang mga bus na magdadala sa kanila sa kanilang destinasyon.
Ngunit mag-aalas singko na ng umaga, hindi pa dumadating ang nag-iisang estudyante mula sa klase ni Marika kung saan nag-aalala sya at baka maiwan pa ito.
Marika: "Guyz! Pakitext nyo nga si Jett! Sya na lang ang hinihintay natin! Alam naman nya ang roll-call natin pero hindi pa sya dumarating.
Reysha: "Ma'am! Pahamak talaga yan si Jett! Wag nyo na pong asahan na darating sa tamang oras po iyan!"
Marika: "Reysha! Wag ka ngang ganyan sa kanya! Tsaka nagbayad naman sya sa Field trip fee. Kaya dapat sumama sya kasi sayang din ang ibinayad nya."
Archie: "Miss Marika, hindi naman po sa sang-ayon ako kay Reysha, pero......"
Carl: "Late comer po talaga si Jett."
Marika: "Eh! Papano ngayun yan kung mahuhuli pa sya ng dating? Baka huli ding umalis ang Bus natin dahil lang sa paghihintay sa kanya?"
Rochel: "Miss Marika? Speaking of Jett, anjan na po sya."
Naglakad sa harap ng gate si Jett ng napakabagal na para bang may iniisip ito.
Reysha: "Hoy!! Pilipinong-hilaw!! Dalian mo nga maglakad!!! NAPAKABAGAL MO!!!!"
Sa unang pagkakataon, hindi pinansin ni Jett si Reysha, at nagulat ang ilan sa mga kaklase nila. Lalo na sila Archie, Lyrica, Carl at Aileen.
Aileen:"Totoo ba to? Hindi pinansin ni Jett si Reysha?"
Carl: "Totoo ang nakita mo Aileen!! ISA ITONG HIMALA!!!"
Archie: "Carl, tumigil ka nga! Baka nataon lang na maganda ang mood nya ngayun."
Reysha: (Hindi nya ako pinansin? M-Mukhang seryoso sya? Parang kinukutuban ako sa sobrang tahimik nya. Sana man lang, walang masamang nangyari sa bahay nila. Mas kinikilabutan ako kapag ganyan sya katahimik.)
Marika: "OK. Ngayung kumpleto na ang lahat, sumakay na tayo ng Bus!"
Pumasok ang mga estudyante sa bus at excited na ang mga ito sa kanilang field trip. Nataon namang nagkatabi sina Lyrica at Aileen, Archie at Rochel, Albert at si Carl.
Carl: "Albert?! Katabi kita?!!"
Albert: "Oo. Bakit? May problema ba?"
Carl: "Bakit hindi na lang naging babae ang naging katabi ko?!!"
Albert: "Ayaw mo akong katabi? Sige! Pagbibigyan kita. Miss! Ok lang ba na palit tayo ng upuan? Ayaw kasi sa akin ng katabi ko eh?
????: "Sige."
Albert: "Salamat ha."
Nakipagpalit si Albert ng upuan sa babaeng nasa harap nya kung kaya't natuwa si Carl dahil sa babae na ang katabi nito. Yun ang akala nya.
Carl: (Mabait ka din naman pala Albert eh. Magpapasalamat pa ako sayo mamaya kapag nakilala ko ang magandang dilag na ito.) "Uy miss. Pwede ba kitang makilala? Anung pangalan mo?"
Bakla: "Ako si Rowena A.K.A. Raul, Pare!! Pwede din tayong magkakilanlanan sa buong biyahe. Total sobrang haba ng biyaaaaheee. Mahaba din ba ang Biyaaaheee mo? Gusto ko din nga mga boys na baby-face. I love Baby-face."
Carl: "AAAAAAAHHHHHH!!! MALIGNOOOO!!!!! ALBERT!!!! PALIT TAYO!!!!!!!"
Albert: "Anung palit ka jan?!!! Wala nang bawian, Carl!! At bahala ka jan sa buhay mo!!!"
Tuwang-tuwa si Albert ng nakipagpalit sya ng upuan dahil natsambahan niyang makatabi ang isang napakagandang babae na mula kabilang Section. Samantalang si Carl, natsambahan ang isang maskuladong bakla na member din ng Karate club at kasalukuyan syang hinaharas nito.
Nataon naman din na nagkatabi sina Reysha at Jett. Ngunit sa pagkakataong ito, sobrang tahimik ni Jett at tila binabaliwala lang niya ang patamang mga sinasabi ni Reysha sa kanya. Kaya tumigil na rin sa pananalita si Reysha at kinabakabahan sa kakaibang reaksyon ni Jett.
Umandar na ang Bus at excited na ang mga estudyante sa kanilang destinasyon. Nagsimula na ding basahin nila Aileen at Lyrica ang libro na dinala ni Lyrica kung saan kinikilig ang dalawa. Si Archie at Rochel naman, nagkwekwentuhan dahil sa kanilang mga nakikitang mga nakakatuwang bagay sa bintana. Si Marika naman, nakatulog sa upuan habang suot ang eye mask nito.
Si Reysha naman, sobrang kinakabahan sa kanyang katabi. Kaya kinalabit nya ang balikat ni Jett kung saan nagulat ito.
Jett: "Reysha, Bakit?"
Reysha: "Uhhh....anu.. Sobrang tahimik mo."
Jett: "Ganun ba?"
Reysha: "Malalim ata iniisip mo? May problema ka ba?"
Jett: "Wala."
Gaya ng inaasahan ni Reysha kay Jett kung saan ayaw ipakita ni Jett na problemado sya sa isang bagay. Kaya sinubukan ni Reysha na pagaanin ang loob ni Jett. Kaya ipinatong ni Reysha ang kanyang ulo sa balikat ni Jett at tumabi sya ng husto sa kanyang katawan.
Jett: "Anung sa tingin mo ang gianagawa mo ha, Reysha?"
Reysha: "Wala. Gusto lang kitang gawing unan."
Jett: "Ewan. Bahala ka sa buhay mo."
Reysha: "Alam kong may iniisip ka Jett. Kaya ka tahimik ngayun."
Jett: "Wag mo nang alamin kung anu ang iniisip ko. Masyadong kumplikado."
Reysha: "Oo. Halata naman."
Napansin ni Reysha na pilit pa rin tinatago ni Jett ang kanyang iniisip. Kaya naman hinayaan na lang nya si Jett hanggang sa hindi nya namalayang nakatulog na sya sa balikat nito. Pinagmamasdan lang naman sya ni Jett habang natutulog at muling tumingin sa harap ng bus.
Ilang oras ang nakalipas, narating na rin ng kanilang bus ang bayan ng Lacresa kung saan nawili sa nakita ang mga estudyante sa kanilang bintana. Bagamat isang siyudad ang naturang bayan, napakarami pa ring puno at mga tanim ang makikita pa rin sa lugar.
Sakto namang sumikat na ang araw at maliwanag na rin ang kapaligiran.Nagising naman sa pagkakatulog si Marika ng magulat sya sa kanyang nakita. Kaya inutusan nya ang isang estudyante na tawagin si Rochel at agad naman itong lumapit sa harap ng bus.
Rochel: "Miss Marika?! Bakit po?!"
Marika: "SSHHHHH!!! Tignan mo yung dalawa sa likod mo."
Tumingin si Rochel sa upuan na nasa kanyang likod, at nagulat din sya nang makita nyang magkapatong ang ulo ni Reysha at Jett habang natutulog, magkatabi at nakayakap sa braso ni Jett si Reysha.
Rochel: "Aba! Ang sweet naman nilang dalawa habang natutulog. Hindi mo sila mahahalatang nag-aaway sila lagi.
Marika: "Kaya nga eh. Napaka-cute nilang tingnan. Rochel, kunan mo sila ng picture habang hindi pa sila nagigising."
Rochel: "Sige po! Siguradong nakakatuwa to."
Kinuha ni Rochel ang kanyang camera at kinunan ang dalawang taimtim na tutulog. Hindi namalayan ni Rochel na naka-set pala ang Flash ng kanyang camera. Kaya pagkakuha nya, agad nagising ang dalawang.
Nagmadali namang itinago ni Rochel ang kanyang camera at isinilid ito sa kanyang bag tsaka sya bumalik sa kanyang upuan. Walang kamuang-muang ang dalawa pagkagising nila. Habang si Marika, tumalikod at humahagikgik sa kanyang upuan dahil sa kalokohang ipinagawa nya.
Pasado Alas otso na ng umaga, nang marating na ng bus ang una nilang destinasyon sa kanilang Field trip, ang Bayonete Botanical Garden.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...