Pagsapit ng gabi, agad na nagkita-kita sa gilid ng memorial park ang mga magkakaibigan upang simulan ang kanilang plano na patahimikin ng tuluyan ang huling multo sa huling litrato ni Kalano.
Lunabelle: "Nandito na ang lahat?"
Lyrica: "Aaaaaaaaahhhhb.... pasensya na. Inaantok na kasi ako."
Rochel: "OK lang, Lyrica. Inaantok na din ako eh. Tsaka lagpas alas diyes na. Baka pwedeng pumasok na tayo sa loob."
Archie: "Sige, aakyat na ko sa bakod at sisilipin ko muna kung may nagiikot pang bantay."
Pinagtulungang inangat nila Albert at Carl si Archie upang maka-akyat sa pader. Pag-akyat nya, sandaling kumapit sa gilid ng pader si Archie upang tingnan kung may taong nagbabantay pa sa loob. Nang makita ni Archie na wala nang tao sa loob, agad niyang sinabihan ang mga kasama niya sa baba tsaka sya tumalon papasok ng Sementeryo.
Archie: "Guys! OK na! Umakyat na kayo."
Carl: "Kaya ba nating akyatin tong pader kahit na walang tulong ng iba?"
Reysha: "Hay....jusko!! May nakakalimutan ba kayo ha?!"
Albert: "A-Anu yun, Reysha?"
Pinalutang ni Reysha ang mga kasamahan niya at pumasok sila sa loob gamit ang kanyang kapangyarihan. Maliban kay Archie na nasa loob na ng sementeryo.
Archie: "Pambihira ka, Reysha!! Bakit hindi mo ako tinulungang umakyat kanina gamit ang powers mo?!!"
Reysha: "Eh......nauna ka na kasing umakyat!! Kaya hindi na kita tinulungan!!"
Lunabelle: "Tama na yan! At gawin na natin kung anu ang ipinunta natin dito."
Aileen: "Oo. Tama si Lunabelle. Mabuti pa hanapin na natin ang lapida ni Helena Zobel."
Hinanap ng magkakaibigan ang lapida ng kapatid ni Jett kung saan nag-ikot-ikot ang mga ito sa buong sementeryo hanggang sa nakita nila ito sa tapat ng isang rebultong sisiw.
Archie: "Ehhhhhh......ito na ba yun? Bakit sa tapat ng rebulto ng sisiw? Tsaka si Jett kaya ang nakaisip na maglagay ng istatwa ng sisiw sa tapat ng lapida ng kapatid nya?"
Carl: "Aba! Malay ko dun!! Pero halata talaga sa kanya na may topak sya!!! Pwede namang agila o anghel ang ipalagay nya!!
Rochel: "Wag nyo na ngang alamin kung bakit ganyang istatwa ang ipinalagay nya! Simulan nyo na na ngang maghukay!"
Pinagtulungang hinukay ng mga magkakaibigan ang bangkay ngunit nasa kalahati pa lang ang nahuhukay nila, pagod ang mga lalaki sa paghuhukay.
Archie: "Haaa.....haaa...guys! Haa....parang sobrang napakalalim naman ata ng pinaghukayan ng kapatid ni Jett."
Albert: "Kaya nga, Insan. Haaa....sobrang lalim naman ata nito. Ilang feet ba to.....haaa... Lunabelle."
Lunabelle: "Kapag sa mga Memorial park ata........ mga 5 to 6 feet ata ang lalim ng butas para sa mga ililibing dito."
Carl: "Eh....di....haaaa... Aabutin tayo ng siyam-siyam dito!!"
Lyrica: "Haaa! Pagod na ako. Wala na bang ibang paraan para hukayin ito ng mas mabilis?!"
Aileen: "Beshy!! Gamitin mo kaya ang powers mo para hukayin yan?"
Lyrica: "Lunabelle, dala mo ba yung translated na Aklat?"
Lunabelle: "Ah.....Oo. dala ko. Buti naisip kong dalhin ang translated na aklat."
Lyrica: "Sige, akin na muna at hanapin ko yung spell na magpapabilis sa paghuhukay."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...