CHAPTER 39: AKLAT NG MAYARI

79 7 0
                                    

Kinabukasan, naghahanda na ang lahat ng mga estudyante at guro para sa pag-uwi nila sa bayan ng Selma. Kung saan, nagluto at kumain sila ng agahan at isinaayos nila ang kanilang gamit tsaka sila bumaba ng bundok pabalik ng Tanod's Camp.

Pagdating nila, sakto naman hinahanap sila Marika at mga estudyante niya, ng mga pulis upang ipabalita sa kanila na nakalagak na sa tahanan ni Ivy ang kanyang mga labi at ililibing sa Lacresa Memorial Park sa susunod na araw. Natuwa naman sa kanyang narinig na balita si Lyrica na syang naghanap sa labi nito.

Agad namang umalis ang mga pulis dahil sa pinaabot lamang nila kay Marika ang pasasalamat ng pamilya ni Ivy.

Matapos nun, kinuha ng mga estudyante ang ilan pang gamit na naiwan nila sa Camphouse at tumuloy na sa parking lot ng Camp kung saan naghihintay ang kanilang bus. Sumakay ang mga estudyante at pinaharurot na muli ng Driver ang bus na kanilang sinasakyan.

Matapos ang 2 oras na biyahe, muli nang nakabalik ang mga estudyante at guro sa bayan ng Selma kung saan ibinaba sila sa kanilang eskwelahan.

Marika: "Hay!! Sa wakas! Nakabalik na rin!"

Rochel: "Oo nga po, Miss Marika. Nakakapagod po talaga magbiyahe."

Archie: "Anu na po ang susunod na gagawin po, Miss Marika?"

Marika: "Sa ngayun, gusto kong umuwi sa bahay at magpahinga ulit. Pero naalala ko, makikipagkita pala si Lunabelle sa inyo ngayun upang kopyahin ang mga kuha ninyong mga litrato sa field trip dahil ibibigay daw niya sa newspaper club ang ilan sa mga kuha nyo."

Aileen: "Ah! Oo nga po! Naalala ko palang itinext nya yun sa akin kanina."

Carl: "Teka! Sinasabi nyo ba na hindi pa tayo pwedeng umuwi sa mga bahay natin?!"

Albert: "Oo, Carl. Parang ganun na nga. Bakit may lakad ka ba?"

Carl: "Wala, Albert! Pero gusto ko nang magpahinga sa higaan ko sa bahay."

Marika: "Guyz! Naisip ko lang, kung magpahinga kaya tayo sa Teacher's lounge? Pwede kong buksan yun at dun tayo magkopya ng Files sa laptop. Tsaka may internet din dun. Kaya pwede rin kayo magresearch din dun kung may ireresearch kayo."

Reysha: "Eh Miss Marika? Hindi po ba kayo mapapagalitan ng Pricipal kapag ginamit po natin yun?"

Marika: "Hindi naman siguro Reysha. Basta wala kayong sisirain na anu mang gamit sa lounge. So, sinong sang-ayun sa naisip ko? Taas ang kanang-kamay."

Nagtaas ng kanang-kamay ang lahat, maliban kay Jett.

Lyrica: "Jett? Bakit hindi ka nagtaas ng kamay?"

Jett: "May internet naman ako sa bahay. Tsaka ang dami kong mga dala na kailangang ibalik sa bahay at baka pagalitan din ako ng kuya ko kapag hindi rin ako umuwi agad. Pero iiwan ko na lang sa inyo ang Camera ko para naman makopya nyo din ang mga kuha ko."

Archie: "Sayang naman Jett, enjoy sana, kung kasama ka namin sa pagreresearch."

Jett: "Di bale. Magkikita pa naman tayo sa klase, next week. Sige! Ingat kayo."

Archie: "Oo, Jett. Happy weekend!"

At umalis na si Jett paalis ng kanilang eskwelahan.

Pag-alis ni Jett, pumasok sila sa kanilang eskwelahan, pumuntang second floor at binuksan ni Marika ang Teacher's lounge kung saan namangha at natuwa ang kanyang mga estudyante sa dami ng mga libro at mga sofa na kanilang nakita.

Marika: "Hayan!! Nandito na tayo! Ngayun lang natin ito gagamitin, kaya pag-ingatan nyong wag masira ang mga gamit dito ha?

Lyrica: "LIBROOOOOOOOOOOOOO!!!!!"

Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon