Kinabukasan, unang nagising sila Marika, Reysha at Rochel upang magluto ng kanilang agahan ng mapansin nilang nakahilata at kasarapan pa rin ng tulog ni Jett sa ibaba ng sofa.
Marika: Teka? Di ba, nasa sofa lang sya kagabi? Bakit nasa sahig na sya natutulog?"
Reysha: "Ma'am. Baka nahulog po sya kagabi."
Rochel: "Wow!! Grabe naman sya matulog! Hindi pa nya naramdaman na nahulog na sya sa sofa!"
Reysha: "Rochel, tulog-mantika talaga yan si Jett. Yan ding pag-uugali nyang iyan ang dahilan kaya siguro lagi syang late pumapasok sa school."
Rochel: "Mukha nga."
Muli na namang ginamit ni Reysha ang kanyang telekinesis upang ibalik si Jett sa sofang tinutulugan nya.
Marika: "Reysha? Bakit mo ginamit ang powers mo sa kanya? Pwede naman nating syang pagtulungang buhatin at ibalik sa sofa."
Reysha: "Ma'am, magtiwala po kayo. Hindi po magandang buhatin si Jett kapag natutulog.
Marika: "Bakit naman?"
Naalala ni Reysha nung sinubukan nyang gisingin si Jett kagabi kung saan, hinila sya nito at niyakap habang natutulog. At sobra syang nahiya sa ginawa ni Jett sa kanya. Lalo na't nakita din nila Archie at Lyrica ang ginawa nito. Kaya nagpalusot si Reysha kina Rochel at Marika.
Reysha: "Ma'am, dahil gumugulong po sya kapag natutulog na parang automatic response nya kapag may maramdaman syang bagay na dumikit sa kanya. "
Marika: "Ay! Ganun ba sya? Kung ganun, mabuti pala na ginamitan mo na lang ng powers mo."
Reysha: "Opo."
Hindi pa man sila pumupunta sa kusina nang may dumapong langaw sa braso ni Jett. Bigla syang gumulong kung saan nahulog sya ulit sa sofa at muling humilata sa sahig. Napangiwe na lang sina Marika at Rochel sa nakita nila kay Jett.
Reysha: (Akalain mo?!! Tumayming yung palusot ko kina Ma'am Marika at Rochel!!! Mukhang dahil dito sa ginawa nya, napaniwala ko sila na totoo ang sinabi ko!!)
Marika: (Aba! Totoo pala ang sinasabi ni Reysha. Gumugulong talaga sya kapag may dumidikit na bagay sa kanya. Kaya pala ayaw nya ng may katabi.)
Rochel: (Buti na lang, hindi namin sya kasama matulog sa loob ng kuwarto kagabi. Baka ginulungan at dinaganan nya kaming lahat kapag nagkataon.)
Reysha: Ma'am. Mabuti pa po, magluto na po tayo ng agahan. Tsaka, hayaan na po natin si Jett sa sahig. Total, hindi naman po nya nararamdaman na nasa sahig sya natutulog."
Marika: "Oo, Reysha. Mabuti pa nga."
At pumunta na sa kusina sina Marika, Rochel, at Reysha upang magluto ng agahan.
Makaraan ang ilang minuto, sumunod namang nagising at lumabas sina Lyrica, Aileen at Archie mula sa kuwarto. Tsaka sila dumiretso sa kusina
Aileen: "Good morning po! Ma'am!"
Marika: "Good morning din sa inyo."
Reysha: "Kumusta tulog nyo?"
Archie: "OK naman ang pagtulog sa side namin. Kayo?"
Reysha: "Ok naman din kami. Masarap naman ang tulog namin."
Marika: "Nakakatuwa naman isipin na nakatulog kayo ng maayos sa mga pwesto nyo."
Rochel: "Bakit po, Miss Marika? Maayos po ba naging tulog nyo?"
Marika: "Eh sabihin na lang natin na hindi magandang katabi si Carl sa pagtulog."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Jugendliteratur****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...