Nang kumatok ang pinto, nagtaka si Marika kung sino ang kumakatok sa pinto hanggang binuksan nya ito.
Marika: "Good morning, iho. Estudyante ka rin ba sa section na to?"
????: "Opo. Ma'am. Nakalista po ang pangalan ko sa dulo ng listahan.
Tiningnan ni Marika ang dulo ng listahan para sa mga lalaki at natukoy nya ang pangalan nito.
Marika: "Jett Zobel? Wow! Kakaiba ang pangalan mo ha?"
Jett: May lahi po kasi akong foreigner. Kaya po ganyan ang apelyido ko po."
Marika: "Hindi ka naman lumaki sa ibang bansa, gaya sa Spain?"
Jett: "Hindi po."
Marika: "Oh siya! Halika na. Pasok na na sa room. Tsaka, ako pala ang adviser mo, Miss Marika Castro."
Jett: "Ok po. Noted po, Ma'am Castro."
Marika: "Jett, Miss Marika ka na lang. Hindi mo kailangang maging pormal sa akin."
Jett: "Ok po."
Pinapasok ni Marika si Jett sa classroom. Tila nagulat ang lahat ng estudyante ng makita nilang pumasok si Jett sa room at nag-aalala na sa mga susunod na mangyayari.
Lyrica: "Naku...lagot na. Andito na sya."
Rochel: Bakit, Lyrica? Sinu ba yung lalaki na yan?"
Carl: "Sya lang naman ang mortal na kaaway ni Reysha noong Grade 7 pa kami. Si Jett. Ang lalaking mahilig gumawa ng gulo at makipag-away."
Aileen: "Kumbaga si Reysha, ang pamamaraan nya sa pagdedesiplina sa mga kapwa nya estudyante ay Peace and Order. Samantalang si Jett naman, Chaos and Mayhem."
Archie: "At dahil nandito din si Reysha sa room natin, sigurado, magkakagulo na dito."
Bago pa man makapagsalita si Marika upang ipakilala si Jett sa mga kaklase nito. Nagkaroon na ng hindi magandang reaksyon sa isa't isa si Reysha at Jett.
Reysha&Jett: "IKAW?!!! ANUNG GINAGAWA MO DITO?!!!"
Aileen: "Wow grabe ha. Sabay pa sila ng iniisip at sinabi."
Reysha: "Sandali!!! Ako ang unang nagtanong!!
Jett: "Hindi!! Ako ang unang nagtanong!!!!"
Reysha: "Ako ang nauna ditong dumating!!!! Kaya ako ang magtatanong!!!!"
Jett: "Hindi rason na una kang dumating dito!!!! Kaya wag mong gamitin yung posisyon mo para manamantala ng tao!!!!!!"
Reysha: "Hoy!!! Wag mong idamay ang posisyon ko dahil ginagawa ko ng tama ang trabaho ko!!!!"
Jett: "Anung ginagawang tama ang trabaho mo na sinasabi mo jan?!!!! Eh hindi mo nga kayang disiplinahin yung mga bully na nagkalat dito sa sulok ng eskwelahan na to!!!!!"
Reysha: "Dahil nga Peace and order ang trabaho ko!!! Kaya ang magagawa ko ay ang mangsita ng mga Bully jan sa labas!!! Hindi gaya mo na Warfreak!!! Yung paraan mong makipagbugbugan sa mga kagaya mong mga tarantado, hindi yan gagana dahil lalo ka lang hahanapin ng mga yan para bugbugin!!!!!"
Jett: "Di bale nang nakikipagbugbugan ako jan sa mga loko!!!! Kahit nga jan sa labas ng school, nakikipagbasag-ulo pa ako sa mga Gunggong na yan para lang makauwi ng maayos yan mga bibiktimahin nila!!!!! Atleast gumagawa ako ng paraan para makatulong sa iba!!!!! Di kagaya mo na kapag nagawa mo na trabaho mo dito sa school, tapos na din ang trabaho mo!!!!! Ang masama pa, uupo ka na lang ng magdamag jan sa bahay mo, magpapalaki ng pwet at hindi ka na tumatangkad kakaupo mo!!!! Reysha!!! Yan na ang sumpa sa'yo!!!! Ang pagiging, BANSOT MO!!!!!"
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...