Isang gabi, sa isang lumang warehouse, may tatlong sasakyan na pumarada sa harap nito. Bumaba ang mga sakay nito na may mga dalawang kalalakihang nakasout ng itim na tuxedo at isang babae sa bawat kotse. Pumasok ang mga ito sa loob ng warehouse.
Nang makapasok ang lahat, agad isinara ng mga lalaki ang pinto ng warehouse dahil sa may gaganaping pagpupulong ang tatlong mga babae.
?????: "May maganda akong balita aking mga kapatid. Kamakailan lang, pinakawalan ng hindi pa nakilalang mga grupo ang mga bantay ng walong elemento na syang mga susi sa ating mga plano."
??: "Pinakawalan ang mga bantay ng mga simbolong elemento? Mukhang pinadali lang nila ang ating trabaho kung ganun."
????: Dahil sa ginawa ng grupong ito, madali na nating mailalagay sa kristal na sisidlan ang mga elementong simbolo.
?????: "Aking nga kapatid, imaliban sa mga elementong simbolo, isa pang magandang balita rin ang aking ipapaalam. Natagpuan ko na rin ang Aklat ng Adlaw sa isang Auction sa Lacresa. Napakaswerte din natin dahil ibinenta ito sa murang halaga ng nangangalaga nito."
??: "Maaaring ko bang makita ang aklat?"
Ipinakita ng isang babae ang aktwal na Aklat ng Adlaw sa dalawa nitong kasama. Natuwa naman ang dalawa ng makitang ito ang orihinal na aklat.
??: "Kung ganun, ang natitira na lamang ay ang Aklat ng Mayari at kapangyarihan ng Minokawa upang sa ganun ay mapagana na natin ang ating ginagawang mekanismo."
?????: "Tama po kayo. Isa pang magandang balita, ayon sa aking mga alagad, natunton na nila kung sino ang nakakuha sa Aklat.
??: "At sino naman ang nakakuha sa Aklat, aking kapatid?"
????: "Isang dalagita na nag-aaral sa mataas na paaralan ng Selma. Ang itsura ng dalagita may suot na salamin at hanggang batok ang buhok nito."
??: "Kung ganun, alokin nyo ang dalagita ng salapi upang ibigay nya sa atin ang Aklat."
????: "Paano kung tumanggi syang ibigay ang aklat?"
??: "Gawin nyo ang dati nyong ginagawa. Kunin nyo sa mahirap na paraan."
?????: "Paano naman po ang nagtataglay sa kapangyarihan ng Minokawa?"
??: "Kailangan muna nating makuha pareho ang dalawang aklat. Dahil sa hinati ang inkantasyon na maghahanap sa taong nagtataglay ng kanpangyarihan ng Minokawa at ipinaloob ito sa dalawang aklat. Unahin muna natin ang pagkuha sa Aklat ng Mayari bago sa Minokawa."
????: "At kapag nakuha na natin ang Aklat ng Mayari......"
?????: "Maisasakatuparan na natin ang ating mga plano.
?: "Sa tingin ko, hanggang dito na lang ang mga pinaplano nyo, mga matatatandang binibini!!!!!!"
Matapos marinig ang boses ng isang lalaki, biglang may sumabog na granada sa tabi ng tatlong babae. Ngunit hindi sila nasaktan dahil sa napapalibutan sila ng barrier.
??: "Tyler Cruz!!!!! Andito ka naman para humadlang sa aming mga plano!!!!!!!"
Tyler: "Hindi na ba kayo nasanay?! Halos buong henerasyon ng lahi ko ang tumutigis sa inyo magmula pa noon!!! Tsaka, ang gaganda nyo sana, kaso nakakahinayang lang dahil mga mangkukulam kayo!!!!"
????: "Ate!! Hayaan mong ako na ang tumapos sa kanya.
??: "Huwag!! Mas mabuti pang umalis na tayo."
?????: "Pero Ate!! Sa susunod, magpapakita na naman sya at hahadlangan na naman nya tayo sa ating mga pinaplano!!!"
??: "Pabayaan nyo lang sya. Wala naman syang magagawa dahil nag-iisa lang sya. Ang pangangala muna sa Aklat ng Adlaw ang dapat na muna nating gawin. Tsaka natin kukunin ang Aklat ng Mayari."
Tyler: "Tatakbo na naman kayo?!!! Hindi ako papayag na makaalis kayo dala ang libro!!!!"
??: "Mga alagad!! Pigilan nyo sya hanggang sa makalayo kami sa lugar na ito."
Goons: "Masusunod po."
Tyler: "Hoy!!! Bumalik kayo dito!!!! Mga Bruha!!!!!"
Tumakbo at umalis ang tatlong babae sakay ng kotseng dala nila. Habang si Tyler ay nakikipagbarilan sa limang body guard na hindi naman pala tao kung mga taong putik na gawa ng mga mangkukulam.
Tyler: "Buwisit talaga!!!! Eto ang mahirap kapag mga taong putik ang kalaban!!!! Ang birap nilang mamatay!!!!"
Naghanap ng matataguan si Tyler dahil sa hinahabol sya ng mga taong putik na bumabaril sa kanya. Hanggang sa maisio nyang dalhin ang mga ito sa isang malapit na tangke ng gasolina.
Tyler: "Hoy!! Mga walang utak!!!! Nandito ako!!!!"
Lumapit naman ang mga taong putik sa kinaroroonan niya hanggang sa matapat ang mga ito sa tangke ng gasolina.
Tyler: "Mga Engot!!!! Etong bagay sa inyo!!!"
Agad na pinaputukan ni Tyler ang tangke at sumabog ito ng sobrang lakas kung saan naging sanhi pa ito ng malaking sunog sa warehouse. Agad na umalis sa lugar si Tyler nang marinig ang sirena ng mga pulis at bumbero.
Matapos ang mga nangyari sa warehouse, bumalik si Tyler sa kanyang Hide-out upang planuhin ang mga susunod nyang gagawin kung saan naalala nya ang sinabi ng mga mangkukulam na nasa eskwelahan ng Selma ang Aklat ng Mayari. Napag-isipan nyang matyagan ang eskwelahan upang pigilan ang mga mangkukulam sa masamang plano ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...