CHAPTER 28: MUSEUM

66 7 0
                                    

Pagdating ng mga estudyante mula sa loob ng Botanical garden, nakita ni Marika si Jett na naghihintay sa bus, kaya tinanong nya ito at ipinaliwanag naman ni Jett na hindi sya gaanong interisado sa mga nakikita nya sa loob ng Botanical garden. Kaya hinayaan na lang ni Marika si jett.

Nang makumpleto na ang mga sakay ng kanilang bus kung saan nagdesisyon nang tumabi si Carl sa upuan ni Albert, agad ng pinaandar at humaruruot ang driver ang bus, paalis sa botanical garden.

Pagdating nila sa parking lot ng Lacresa museum, namangha ang mga estudyante sa laki ng nakikita nilang gusali at tantya nila, kulang ang isang araw na paglilibot sa naturang lugar.

Bago sila bumaba, ipinaliwanag ni Marika na maaring mawala ang mga estudyante kapag pumasok sila sa loob ng museum, kaya naman hinati nya sa tatlong pangkat ang kanyang mga estudyante depende sa inilistang tatlong lugar na kanilang pupuntahan. Ang mga lugar na pupuntahan nila ay ang Science & Tecnology Section, History section at Art section.

Nagdesisyon din ang club members ng Camera club na hatiin ang kanilang grupo. Pumunta sina Archie, Rochel at Albert sa Science & Technology section. Sina Aileen, Lyrica at Carl naman sa Art Section. Si Jett naman boluntaryong nagsolo at pumunta sa History section dahil raw sa hindi sya magsasawang ikutin ang buong section ng naturang Museum.

Matapos magpangkat ang mga estudyante sa tatlo at binilinan sila ni Marika na bumalik sa bus bago mag 5 PM upang makapagbiyahe sila papunta sa Camp kung saan sila magpapalipas ng gabi. Agad pumasok sa museum ang mga estudyante at pumunta sa mga section ng museum na kanilang pupuntahan.

Sa Science&Technology Section, agad kumuha ng litrato ang magpinsan kasama si Rochel kung saan kinuhanan nila ang mga nakakamanghang mga imbensyon ng mga Local engineers sa Lacresa.

Rochel: "Archie! Tingnan mo! Nakakatuwa yung drone na pwedeng lumipad at lumangoy sa tubig."

Archie: "Oo nga, Rochel. Pati din naman yung kotseng pinapaandar ng tubig. Nakakabilib!! Sana naman makagawa din sila ng Motorsiklo na pinapaandar din ng tubig."

Albert: "Guyz! Nakakawili talaga ang mga bagay-bagay dito sa section na to. Buti na lang dito tayo nagdesisyon kumuha ng litrato."

Archie: "Oo, Insan! Mas marami tayong makukuhang litrato dito dahil ang daming pwedeng kuhanan."

Albert: "Hay! Sabi ko naman kasi kay Carl na dito na lang sya sumama sa atin. Siguro naboboring na sya dun sa dalawang sinamahan nya."

Rochel: "Albert, si Lyrica at Aileen ba ang tinutukoy mo?"

Albert: "Oo, Rochel. Eh hindi ko talaga maintindihan kung bakit interisado sila sa Art."

Archie: "Insan, mula Grade 7 kami, mahilig na talaga sa Art at Music sina Lyrica at Aileen. Pero si Carl, paghahanap ng Chicks lang ang habol nya. Karamihan kasi ng mga babae sa School, mahilig sa Art. Kaya naman pinili nya na samahan sina Aileen at Lyrica para lang mambabae."

Albert: "Talaga ba? Insan. Kung ganun, babaero pala talaga si Carl gaya ng mga naririnig ko sa school. Eh Rochel, bakit mo pala sinamahan si Insan? Dahil ba sa gusto mo syang makasama?"

Rochel: "Sa totoo lang, Albert, hindi ko din kasi ma-appreciate ang mga Art at ilang mga Classical music na iyan. Tsaka naboboring ako sa lugar na masyadong tahimik. Kaya dito ako sumama."

Albert: "Ah...OK. Akala ko sumama ka dahil dito naisip pumunta ni Archie."

Rochel: "Tsaka Oo, Albert. Yun din naman ang rason ko."

Albert: (Sabi ko na nga ba eh.)

Archie: "Guys! Marami pang kakaibang bagay sa loob. Puntahan pa natin."

Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon