CHAPTER 13: MULTO SA ARCADE

85 8 0
                                    

Habang tumatakbo, sandaling tumingin sa kanilang likod ang Staff at nakitang pilit silang hinahabol ng umaandar na arcade machine. Lalong binilisan ng Staff ang kanyang takbo at sinabihan sina Archie at Albert na lumabas na lamang sila ng mall.

Paglabas nila ng mall, nasalubong nila ang naka-duty na guard at sinabihan ito na wag pumasok sa loob ng mall.

Arcade staff: "Sir!! Wag kayong papasok ng mall!!"

Guard: "Bakit naman? Tsaka bakit sobrang hinihingal kayo na parang mga aso? Saan ba kayo nanggaling?"

Archie: "Sir! Hinahabol kami ng isang gumagalaw na arcade machine!!"

Guard: "Arcade machine??? Nagbibiro ba kayo?"

Hindi naniwala ang guard sa sinasabi nila Archie at ng Staff. Kaya naman minabuti ng guard na puntahan ang sinasabing umaandar na arcade machine upang patunayan ang kanilang sinasabi.

Sinamahan sila Archie, Albert at Staff ng arcade nung Guard na nakasalubong nila at bumalik sa Arcade. Pagdating nila, inilawan ito nang Guard. Nakita nilang nasa dating pwesto ito at hindi gumagalaw gaya ng sinabi nila kanina sa Guard.

Guard: "Yan ba ang sinasabi nyong humahabol sa inyo?! Eh sa nakikita ko parang kanina pa yan nanjan!!"

Albert: "Pero naki-!"

Arcade staff: "Siguro, namalik-mata lang kami kanina at kung anu-anu na naiimagine namin dahil sa sobrang dilim. Kaya pagpasensyahan mo na kami. Pero bago mo kami iwan, pwede samahan mo pa kami saglit? Kasi kukunin ko lang sa staff room ang bag ko at ayoko din sa dilim. Kaya OK lang po ba?"

Guard: "Hay.....sige na nga. Basta dalian mong kunin ang bag mo."

Nagtaka sina Archie at Albert kung bakit pinigilan sila ng staff na magsalita tungkol sa gumagalaw na arcade machine sa Guard na kanilang kasama. Ilang sandali ang nakalipas bumalik na ang Staff at isinara ang Arcade.

Paglabas nila ng mall, sakto namang nagkaroon ng kuryente. Agad na nagpasalamat sa Guard ang Arcade Staff at sumabay na umuwi kasama sina Archie at Albert. Ngunit may sinabi ito sa kanila.

"Arcade staff: "Pasensya na kanina mga boys, kung pinigilan ko kayo na ipagpilitan sa guard na gumagalaw ang Arcade machine. Hindi lang naman kasi maniniwala yun sa atin."

Albert: "Kung sabagay tama po kayo, Ate. Pero anung gagawin po natin sa arcade machine na gumagalaw?

Archie: "Eh kung sirain kaya natin para hindi na gumalaw?."

Arcade staff: "Hindi pwede. Pagagalitan ako ng Boss ko at baka tanggalin pa ako sa trabaho kapag nakita nilang nawawala at sinira yun."

Archie: "Eh anung gagawin natin dun? Hindi nyo ba nakita na naglabas ng kuryente yun kanina? Panu kung manakit ng tao yun?"

Albert: " O ang malala, makapatay pa ng tao."

Nag-isip ang magpinsan kung anu ang maaaring gawin sa gumagalaw na Arcade machine hanggang sa naalala ni Albert ang tungkol sa walong litrato na nakita nila kanina sa kanilang club.

Albert: "Insan! Naalala mo ba yung folder na nakita nyo kanina ni Lyrica? Di ba sinasabi dun na isa sa walong hunted na lugar dito sa Selma ay ang Arcade ng mall, di ba?"

Archie: "Oo. Naalala ko na, Albert. At yung nagmumulto sa Arcade ay ang gumagalaw na Arcade machine."

Albert: "Tama! Iyon nga!"

Arcade staff: "Boys? Anung sinasabi nyo? May alam ba kayo kung bakit gumagalaw ang arcade machine?"

Archie: "Opo, Ate. Dahil sa nagmumulto po ang Arcade machine."

Arcade staff: "Nagmumulto? Hay.....nasa 21st century na tayo at iniisip nyong rason na nagmumulto ang bagay na yun? Kung nagmumulto man yun? Sino naman kayang patay na tao ang sasanib sa arcade machine at mananakot ng mga tao sa mall? Tsaka ang ipinagtataka ko, bakit ngayun lang magmumulto ang lumang machine na yun? At anu kaya ginawa nung dating nagbabantay kung panu nya napatahimik ang nakakakilabot na Unit na yun?!!"

Mula sa sinabi ng staff, nagkaroon ng ideya ang magpinsan kung anu ang gagawin kung paano mapapatahimik ang multo na nagpapagalaw sa arcade machine. Kaya tinanong nila ang staff.

Archie: "Ate naalala ko lang po, noong pinalitan nyo po si Manong na dating bantay ng Arcade, may ideya po ba kayo kung saan po sya nagpunta?"

Arcade staff: "Manong? Tinutukoy nyo po ba si Mang Nato? Sa pagkakaalala ko umuwi sya sa pamilya nya sa Brgy. Kabatuhan, malapit sa dagat ang bahay nya."

Albert: "Ate, wala po ba kayong contact number sa kanya?"

Arcade staff: "Pasensya na. Wala eh. Bakit nyo naitanong? Anung naiisip nyo?"

Archie: "Di ba sya po ang pinalitan nyong staff sa Arcade. Baka may ideya sya kung panu nya napatahimik ang gumagalaw na arcade machine."

Arcade staff: "Oo nga noh! Bakit hindi ko naisip yun magmula kanina?!"

Albert: "Ang problema lang, panu natin sya kakausapin? Eh unang linggo ng pasok natin sa linggong ito."

Archie: "Oo nga. May punto ka Albert. Hindi naman tayo pwedeng umabsent agad sa school."

Arcade staff: "Kung maari, ako na ang gagawa para sa inyo. Bukas hindi muna ako papasok sa trabaho dahil sa nakakakilabot na experience ko sa gabing ito at baka hindi rin ako makatulog ng maayos. Kaya kung maari, kunin ko na lang ang mga nunber nyo at tawagan ko na lang kayo kung anu man ang malaman ko mula kay Mang Nato. At sana man lang, makatulong sa atin kung anu man ang sabihin nyang solusyon."

Archie: "Opo! Tama po kayo."

Albert: "Sang-ayon din po ako sa sinabi nyo."

Nagbigayan sila ng cellphone number ang magpinsan at ang Staff ng Arcade upang matawagan sila nito oras na may malamang impormasyon ang Staff mula sa dating bantay ng Arcade.

Matapos magpalitan ng contact number ang isa't isa, agad ng umuwi ang Staff ng Arcade at humiwalay na ito ng daan pagdating nila sa junction.

Nagpaalam ang magpinsan at nagpasalamat din sa Staff ng Arcade dahil sa regalong box ng chocolate at sa tulong nito na puntahan ang dating bantay ng Arcade.

Matapos nito, agad na tinawagan nina Archie at Albert si Lunabelle para sabihin ang nangyari sa Arcade.

Lunabelle: [Uy! Albert! Napatawag ka? Namiss mo na ako agad?]

Albert: "Lunabelle, biro ba yan? Tsaka may importante kaming sasabihin sayo ni Archie."

Lunabelle: [At anu naman yun importante na yan ha? Dalian nyo magsalita dahil nasa nakakakilig na part na ako ng pinapanood kong K-Drama!!!!]

Albert: "Sige! Wag na nga lang. Tsaka hinabol lang naman kami ng nagmumultong Arcade machine kanina. Kaya sige, enjoyin mo na lang yan pinapanood mo. Mukha namang hindi importante sayo itong sinasabi namin"

Lunabelle: [Ah....Ok. Sabi m-! Anu?!! Pakiulit ang sinabi mo?!!!!!! Hinabol kayo ng anu?!!!]

Albert: "Ang sabi ko wala!! Bukas na lang!!"

Sa inis ni Albert, pinatayan nya ng tawag si Lunabelle.

Albert: "Kainis din yung club leader natin. Sabi nya magreresearch daw sya. Ngayun nanonood lang pala ng K-Drama."

Archie: "Insan, wag mo na syang sisihin. Tsaka tayo din lang naman ang may kasalanan kasi hindi tayo nakinig sa payo nya kaninang uwian."

Albert: "Pero insan, kung hindi rin naging matigas ang ulo natin, hindi din natin malalaman na totoo ang multo sa Arcade. Isipin mo, kung sa Arcade totoong may nagmumulto, panu pa kaya sa pitong lugar na tinutukoy ng mga litrato ni Kalano?"

Achie: "Tama ka, insan."

Matapos ng mahabang lakad, nakauwi na din ang magpinsan sa kanilang bahay kung saan napansin din nila na hindi pa umuuwi ang tatay ni Archie. Sabay ng nagluto at kumain ng hapunan ang dalawa tsaka agad na natulog sa kani-kanilang kwarto upang magpahinga.

Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon