Napanatag ang loob ng lahat ng mga kaibigan ni Jett nang mawala na ng tuluyan ang multo. Napabuntong hininga si Jett dahil sa alam nyang maaari syang mamatay sa kanyang ginawa.
Naisip nyang swerte lang ang lahat, dahil sa nakuha niya ang baril at nagkataon na ang multo ay ang mismong ikiwinentong kaibigan ng Lolo ni Lunabelle na siyang may-ari din ng baril. Agad nilapitan ni Jett si Lunabelle upang tingnan ang kalagayan nito. Habang tinutulungan naman nila Archie, Albert, Carl at Rochel sina Lyrica at Reysha. Pinuntahan din naman ni Aileen si Jett upang tulungan si Lunabelle.
Aileen: "Jett!! Kamusta si Lunabelle?!"
Jett: "OK lang siya. Wala lang syang malay."
Binuhat ni Jett si Lunabelle at dinala sya sa isang malapit na bangko. Lumapit din ang mga kaibigan niya upang kamustahin si Lunabelle.
Lyrica: "Jett, anu nang kalagayan nya."
Jett: "Natutulog."
Reysha: "Jett!! Akala ko ba ayaw mong tumulong sa pagpapatahimik sa mga multo ngayun, gaya ng sinabi mo kanina sa text ha??!!!"
Rochel: "Teka?!! Reysha?!! Sinasabi mo ba na, bago natin patahimikin ang dalawang multo ay wala nang planong tumulong si Jett kanina sa amin?!!!!"
Reysha: "Oo! Ganun na nga!! Kaya nga ako yung pumunta para pumalit sa lugar nya!! At naiinis ako sa kanya, dahil halos wala siyang pakialam kung anu man ang mangyari sa inyo!!!!"
Carl: "Jett!! Totoo ba yun?!"
Jett: "Oo."
Albert: "Yung tungkol sa baril na dala mo? Alam mo din ba na yan lang ang makakatalo dun sa multo?!
Jett: "Oo."
Aileen: "Pati ba din ba ang tungkol sa pagsanib ng multo kay Lunabelle, alam mo din ba?!
Jett: "Oo."
Sa hindi inaasahan, biglang sumugod at sinuntok ni Archie si Jett sa pisngi.
Archie: "IBIG MONG SABIHIN?!! ALAM MO NANG MAPAPAHAMAK KAMING LAHAT NOONG UNA PA LANG?!!!!!! BAKIT HINDI MO AGAD SINABI HA?!!!!!"
Rochel: "Archie!! Huminahon ka!!!!! Itigil mo yan!!!!!"
Pinagsusuntok ni Archie si Jett dahil sa sobrang galit nito kay Jett at dahil sa pinatotohanan ni Jett ang tanong ng mga kaibigan nya. Hindi na pumalag pa si Jett dahil totoo ang mga hinala ng mga kaibigan nya sa kanyang ginawa. Matapos ang ilang suntok na binitawan ni Archie, muli nyang tinanong si Jett.
Archie: "KUNG GANUN, JETT!!! TOTOO DIN BA NA SINASADYA MONG HINDI IRESEARCH ANG TUNGKOL SA MULTO NG AGUIRE RESIDENCE?!!!!!!!!!"
Jett: "Oo."
Archie: "BAKIT?!!
Hindi sumagot si Jett sa tanong ni Archie. Lalong nagalit si Archie nang hindi sya sinagot nito kaya muli nyang sinuntok si Jett. Ngunit nagulat si Archie sa pagkakataong ito dahil sinalo ni Jett ang kanyang kamao ng sariling kamay nito at itinulak sya ni Jett.
Jett: "Eto lang ang masasabi ko sa inyo, magmula nang nabasa ko ang nilalaman ng folder ni Kalano, sinabi ko sa sarili ko na magreresearch ako para makatulong sa inyo. Pero nakita ko ang isang litrato sa folder nya na hindi ko inaasahan. Kaya naman, babalaan ko kayo, wag nyo nang subukan pa na patahimikin ang multo sa bahay na iyon. Dahil kapag sinubukan nyo pa, mapapahamak lang ang kahit na sino sa inyo."
Albert: "Jett!! Bakit mo yan sinasabi sa amin yan ngayun?!!! Hindi mo ba nakikita?!! Kasama natin si Lyrica at Reysha na may taglay na mga kapangyarihan!!!! Bigyan mo lang sila ng konting praktis, mapagtutulungan na nilang talunin ang multo!! Kung meron itong pantiyon, hahanapin natin yun at sunugin ang ban-...."
Jett: "HUWAG NINYONG SUBUKAN PANG PAKIALAMAN ANG MULTO NA IYON!!!!!!! AT PABAYAAN NYO NA LANG!!!!!!"
Nagulat ang mga magkakaibigan sa biglaang naging reaksyon ni Jett.
Reysha: "JETT!!! ANU BANG MERON SA BAHAY NA IYON AT AYAW MONG PATAHIMIKIN ANG MULTO NA NANDUN HA?!!!!!!!"
Jett: "MAKINIG KA NA LANG SA SINASABI KO REYSHA!!!! PABAYAAN MO NA LANG ANG MULTO NG BAHAY NA IYON!!!!!"
Aileen: "Jett!!!! Anu bang ikinakatakot mo sa bahay na iyon at ayaw mong iresearch ang tungkol dun ha?!!!!"
Nanahimik si Jett sa tanong ni Aileen sa kanya, at nagdesisyon na lang syang umalis at lumayo mula sa mga kaibigan nya.
Jett: "Ayokong iresearch ang tungkol bahay na iyon dahil tapos na ako ngayun sa trabaho ko!!!!! At lalong, AYOKO NANG BUMALIK PA SA BAHAY NA IYON!!!!!"
Reysha: "A-ANU?!!!
Lyrica: "Sandali!!! Anung ibig mong sabihin?!!!!"
Kumaripas ng takbo palayo at nagtatakang naiwan ni Jett ang ilan sa mga kaibigan nya.
Albert: "Anung ibig nyang sabihin sa sinabi nya? Dati na ba syang nakapasok sa bahay na iyon?"
Reysha: "Hindi ko alam, Albert. Pero lumalabas na may alam sya tungkol sa Aguire residence."
Rochel: "Archie, alam kong galit ka dahil sa ipinahamak tayo ni Jett, pero bumalik at iniligtas pa rin naman nya tayo kanina di ba?!
Archie: "Oo. Alam ko, Rochel. Pero hindi ko matanggap ang ginawa nyang pagpapahamak sa atin. Kung alam nyang nasa sa kanya na pala ang baril na tatalo sa multo na sumanib kay Lunabelle kanina, bakit hinayaan pa nya tayong mapahamak kung pwede naman nyang talunin ng mas maaga yung multo?!!!! Bakit pinaabot pa nya sa punto na halos ikamatay nating lahat ang pagpigil sa multo kanina?!!!!"
Lunabelle: "Mukhang tama ka sa sinabi mo, Archie."
Nagising mula sa pagkakatulog si Lunabelle kung saan narinig nya ang mga hinaing ni Archie.
Lyrica: "Lunabelle!! OK ka na ba?"
Aileen: "Lunabelle, wala bang masakit sayo? OK na na ba?"
Lunabelle: "OK na ako. Mejo nahihilo lang."
Archie: "Kung ganun, Lunabelle. Sang-ayon ka sa mga sinabi ko tungkol sa pagpapahamak sa atin ni Jett?"
Lunabelle: "Oo. At hindi yun maipagkakaila na sinadya nga nya ang pagpapahamak sa atin kanina."
Carl: "Kung ganun, gusto nya talaga tayong mapahamak kanina!!!!!"
Albert: "Pero bakit?!! Bakit nya ginawa yun?!! Tsaka kung ipapahamak nya din lang tayo, bakit pa nya tayo iniligtas?!!"
Lunabelle: "Sa tingin ko, sinadya nya yun para itanim sa mga sarili natin na mapapahamak tayo kapag sinubukan pa nating magpatahimik pa ng isa pang multo. Lumalabas na gusto nyang mabigo tayo sa pagpapatahimik at tigilan ang huling multo sa litrato ni Kalano."
Rochel: "Gusto nya tayong mabigo?! Pero bakit?!"
Lunabelle: "Ayoko man sabihin to, pero hinala ko, parang pinoprotektahan o kaya iniiwasan ni Jett ang multo sa Aguire residence."
Carl: "Pinoprotektahan?"
Reysha: "O iniiwasan?
Archie: "Pero bakit?! Anung meron dun sa lugar na iyon at ayaw nya tayong tulungan?!!"
Lunabelle: Kung gusto nating malaman ang kasagutan, Reysha, ikaw na ang bahala. Umaasa kami na masasagot mo ang mga tanong na bumabalot sa pagitan ni Jett at nang Aguire residence."
Reysha: "Oo. Makaka-asa kayo."
Bago sila umalis, pinayuhan muna ni Lunabelle ang mga kaibigan nya na wag subukang makipag-away at iwasan na lang si Jett sa kanilang klase, lalo na kay Archie dahil sa sobrang sama ng loob nito sa kanya. Matapos mag-usap, umuwi at nagpaalam ang mga magkakaibigan upang magpahinga.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...