Matapos mananghalian ang mga estudyante at guro, nagtayo ng tent ang mga estudyante sa ilalim ng mga puno upang makapagpahinga sila mula sa pag-akyat ng bundok. Kasalukuyang nagpapahinga ang grupo nila Marika ng dumating si Lunabelle upang kamustahin sila.
Lunabelle: "Oh guyz!! Kamusta yung mga kuha nyong litrato? Ready na ba for presentation ang lahat?
Archie: "Oo, Lunabelle. Ilang shots na lang ng bonfire ceremony, mamayang gabi at pwede na natin simulan ang paggawa sa Documentation ng Camera club during Field trip."
Lunabelle: "Ayos yan kung ganun! Tsaka eto ang first project nyo sa club, hindi ba?"
Albert: "Oo. Eto ang First Project namin bilang mga members ng club mo. Kaya pagagandahin namin para may makita naman ang mga susunod na members ng Camera club."
Lunabelle: "Oo. Tama yan, Albert. Tsaka isang bagay pala, makikikopya ang Newspaper club ng mga kuha natin para sa gagawin nilang diyaryo. Kaya pagbalik natin next week sa School, bigyan nyo sila ng kopya sa Flashdisk nila."
Albert: "Oo, Lunabelle. Kami na bahala ni Insan."
Lunabelle: "Sya nga pala. Kamusta naman ang research mo Jett, tungkol sa folder ni Kalano."
Marika: "Ah! Oo! Buti pumunta ka dito Lunabelle at pinaalala mo. Anu na pala update sa weirdong folder na yun Jett."
Jett: "Sa ngayun po, Ma'am, kung maalala nyo po kagabi yung lumilipad na Kampilan, kasama din po yun sa folder ni Kalano."
Marika: "Se-Seryoso ka?!"
Lunabelle: "Lumilipad na Kampilan? Bakit anung nangyari sa inyo kagabi?"
Reysha: "Ako na magpapaliwanag sayo Lunabelle at Ipaliwanag nyo rin sa akin guys kung anu yan folder ni Kalano na tinutukoy nyo. Nang may idea ako kung anung gusot ang pinapasok ko."
Ipinaliwanag ni Reysha kay Lunabelle ang tungkol sa Lumilipad na Kampilan. Matapos nyang maipaliwanag ang Kampilan kay Lunabelle, ipinaliwanag naman ni Lunabelle kay Reysha ang tungkol sa mga Misteryosong litrato sa folder ni Kalano.
Reysha: "Hmmmm......so, nakapaloob sa folder na yun ang mga kakaibang kaso na hanggang ngayun ay hindi pa nalulutas ni Kalano noon."
Lunabelle: "Oo. Ganun na nga, Reysha. At nakakmangha ka pala dahil may kakaibang powers ka pala?"
Reysha: "Oo. Pero please, wag mo nang ipagkalat sa kahit na sino."
Lunabelle: "Oo naman. Makakaasa ka."
Marika: "So, Jett. Anu na ang update sa ibang mga litrao?"
Jett: "Sa ngayun, nakatuon po ako sa multo ng Selma bridge no. 45. A.K.A. Castilla bridge. Nakakaalarma na kasi."
Aileen: "Nakakaalarma? Bakit naman?"
Jett: "Kamakailan lang, may tao na namang nalunod sa ilalim ng tulay na iyon. Kaya naman, kailangan ng patahimikin o patumbahin na ang multo na namamalagi sa ilalim ng tulay na iyon. Tsaka hindi lang ang tulay na iyon ang nakakaalarma, pati na rin sa park. Dahil sa may namataan ang mga pulis na patay na tao sa park kung saan pinatay daw ang mga taong ito gamit ang maso dahil sa basag ang mga bungo ng mga ito. Kung anu mang uri ng multo ang gumagala sa park ng Selma kapag gabi, siguradong napakadelikado nun."
Carl: "Sa park?! Sinasabi mo bang, may multo sa park?"
Jett: "Oo, Carl. Bakit? May problema ka ba?"
Carl: "Hindi eh. Pero namamasyal ako lagi dun kapag linggo."
Rochel: "Eh di mamasyal ka ng umaga, hindi sa gabi. At baka maengkwentro mo yung nagmumulto sa park."
Carl: "Kung sabagay, tama ka, Rochel."
Jett: "Sa ngayun, yun dalawang multo pa lang na iyon ang nireresearch. Yung iba, tsaka na lang siguro kapag napatahimik na yung dalawang delikado na iyan."
Lunabelle: "Jett, panu naman yung multo na nananakal ng tao? Mukhang nakakaalarma na rin yun. Dahil ayon sa sarili kong research, ilang tao na rin ang pinapatay ng multo na ito kapag may nagtatangkang pumasok sa bahay nito at sa maniwala kayo't sa hindi, hindi tinatablan ng Asin at Holy water ang multong iyon. Kaya nakakakilabot talaga."
Tila tumahimik at napaisip si Jett sa sinabi ni Lunabelle tungkol sa multong nananakal ng tao.
Jett: "Sa ngayun, wala akong idea kung panu patatahimikin ang multong iyon. Pero iwasan muna natin ang mga lugar na pinamumugaran ng mga multong ito dahil sa hindi natin alam kung panu patatahimikin ang mga ito."
Lunabelle: "Oo. Mabuti pa nga. Sige! Babalik na ako sa mga kaklase ko."
Marika: "OK, Lunabelle. Salamat sa pagbisita sa amin dito sa tent."
At umalis na si Lunabelle pabalik sa kanyang mga kaklase. Muli namang bumalik sa pagpapahinga ang grupo ni Marika nang maisip ni Lyrica na kausapin si Jett.
Lyrica: "Jett, pwedeng makausap ka sandali?"
Jett: "Bakit Lyrica? Anu ba yun?"
Lyrica: "Di ba may kopya ka ng mga litrato ni Kalano sa Cellphone mo, hindi ba? Pwede ko bang makita ang mga iyon?"
Jett: "Oo. Pwede naman. Bakit may naisip ka bang paraan kung panu tatalunin yung nandun sa tulay?"
Lyrica: "Ang totoo, wala. Pero may titingnan lang ako."
Jett: "OK. Sige."
Ibinigay ni Jett ang kanyang cellphone kay Lyrica kung saan tiningnan ni Lyrica ang mga natitirang mga litrato. Hanggang sa makita nya ang litrato ng puno ng Balete at binasa ang ilang impormasyon nito.
Lyrica: (Sinasabi sa info. hindi pa aktwal na nakikita ang multo ng Baleteng ito. Ngunit maraming nakapagsasabi na may nagpaparamdam sa Baleteng ito. Solera mountain, Lacresa. Teka?!! Ito yung Balete sa baba ah?!)
Jett: "Lyrica? OK ka lang? Ba't parang namutla ka sa litratong iyan? Hmmmmm.......Solera mountain, Lacresa. Wala naman akong nakikitang litrato ng multo o symbolo sa picture na iyan. Baka nataon lang siguro napagtripan ni Kalano na kunan iyan ng litrato."
Lyrica: (Posible kayang yung batang babae na nakita ko ang multo? Kung sya ang multo, baka hindi nya naiintindihan na patay na sya at namamalagi pa ang kaluluwa nya dito. Kailangan ko yun tulungan.)
Jett: "Oy...Lyrica? Lutang ka na naman ba? Hindi ka na nagsasalita."
Lyrica: "Jett, salamat sa pagpapahiram mo sa cellphone mo. May gagawin lang ako."
Jett: "OK. Tsaka mag-iingat ka, kung anu man ang gagawin mo."
Lyrica: "OK!!"
Matapos mahiram at ibalik ni Lyrica ang cellphone ni Jett. Agad siyang bumaba papunta sa bungad ng Solstar's Peak at bumalik sa puno ng Balete. Pagdating nya agad syang nagmasid sa kanyang paligid. Inikot nya ang Puno ng balete mula sa harap hanggang sa likod. Ngunit wala syang nakita.
Lyrica: "Hmmmm....siguro nasa maling oras ako. Kaya wala akong makita."
????: "Ate? Anung hinahanap nyo?"
Lyrica: "Naghahanap ako nang.....!!" (Teka?!! Wala naman ako kasama kanina ha?! W-Wag mong sabihing nasa likod ko yung.....)
Kinilabutan at dahan-dahang tumalikod si Lyrica upang tingnan ang kanyang likod ngunit wala naman siyang nakita.
Lyrica: (Haaay.....w-walang tao. Guni-guni ko lang siguro yun.)
Pagharap nya, laking gulat nya nang may batang babae na nakatayo sa harapan nya.
????: "Hello po!!"
Sa sobrang gulat ni Lyrica, pilit nyang nilabanan ang kanyang pagkagulat upang hindi sya himatayin ngunit nadaig pa rin sya ng kanyang sariling kahinaan kung kaya't tumumba sa lupa si Lyrica.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...