Nagkalat sa iba't ibang sulok ang mga estudyante ni Marika at kabilang na rin sya sa mga nagtago. Si Marika at si Carl dumapa at nagtago sa likod ng sofa. Si Reysha naman, pumunta sa likod ng kabinet. Si Lyrica, Rochel at Aileen naman, sa ilalim ng mesa sa kusina sila nagtago, at si Albert ay sa banyo nagkulong.
Ang problema, naiwan nilang bukas ang kuwarto kung saan natutulog si Jett at napansin ni Marika na nasa panganib ito at silang lahat na nasa loob ng Camphouse dahil sa pagdating ng hindi inaasahang bisita. Isang lumulutang at nagmumultong Kampilan.
Lumulutang at nag-iikot ang Kampilan sa may sala at pilit na nagtatago sina Marika, Carl at Reysha sa kanilang tinataguan.
Marika: "Jusko. Bakit sa lahat ng pwede naming maengkwentro, isang lumilipad na ispada pa?"
Carl: "Ma'am! Anung gagawin natin? Kapag nahanap tayo nyan, tutusukin tayo nyan!"
Marika: "Carl. Wag kang maingay. Siguradong mahahanap tayo kapag......."
Biglang bumulusok sa sofa ang Kampilan at tinusok ito. Muntik naman sina Marika at Carl dahil sa nakadapa sila. Ngunit kumaripas din sila ng takbo dahil sa nahanap sila at hinabol na naman ng lumilipad na Kampilan.
Tumakbo ang dalawa sa kusina kung saan naroon sina Lyrica, Rochel at Aileen, at lalo lang nahanap ang tatlong babaeng nagtatago dahil sa nakisuot sina Carl at Marika. Pumailalim din ang Kampilan at nahanap silang lima, kung saan nagpaikot-ikot na parang isang de makinang-lagari at bumulusok ito sa kanila. Agad na umilag ang lima at muli silang kumaripas ng takbo.
Pumuntang banyo ang apat kung saan naroon si Albert at isinara ang pinto, ngunit si Lyrica, bumalik sa sala at pumasok sa kuwarto kung saan natutulog si Jett. Sumunod naman si Reysha kay Lyrica at isinara ang pinto ng kuwarto. Sakto naman nagtatago na rin si Archie sa kwarto kaya nagtanong si Lyrica kay Archie.
Lyrica: "Archie! Ikaw ang may karanasan sa mga hindi normal na bagay! Anung gagawin natin?!"
Archie: "Eh.....hindi ko alam! Hindi pa ako nakakakita ng nagmumultong ispada."
Reysha: "E-E-Eh anung gagawin natin? Mukhang papatayin tayo ng lumilipad na bagay na yun!"
Nag-iisip si Archie nang mapansin nya si Jett.
Archie: "Aba! Mukhang sineswerte pa tayo. Kasama pala natin yung taong may alam sa pagpapatahimik sa multo."
Reysha: "Si Jett?!! Sigurado ka ba?!!"
Archie: "Oo."
Reysha: "Eh....hindi naman exorcist yan!! Anu naman alam niya sa pagpapalayas ng multo?!!
Lyrica: "Reysha. Sya lang ang alam naming may idea kung panu magpatahimik ng multo. At sa maniwala ka't sa hindi, tumutulong siya magresearch sa paglalagay sa tahimik sa mga haunted na lugar sa Selma."
Reysha: "Oo. Siguro may punto ka, Lyrica. Pero wala tayo sa Selma!"
Archie: "Subukan na lang natin siya gisingin at nang malaman natin kung anu maipapayo nya."
Reysha: "Hay....bahala kayo."
Ginising ni Archie at Lyrica si Jett. Ngunit tulog mantika si Jett at hinila ang mahabang buhok ni Reysha tsaka siya niyakap nito na parang unan. Napangisi na lang ang dalawa sa ginawa ni Jett kay Reysha at namumulang pinagbantaan ni Reysha ang dalawa.
Reysha: "Kayong dalawa!!! Kapag ipinagsabi nyo sa iba ang nakikita nyo ngayun, sasakalin ko kayo!!!"
Archie: "OK! Easy ka lang, Reysha. Hindi namin ipagsasabi."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...