Sandaling tumahimik si Jett upang subukang alalahanin ang mga nangyari sa kanyang nakaraan. Ngunit tila nahihirapan pa siyang ikwento ito dahil sa sobrang bigat ng kanyang pakiramdam kapag inaalala ang mga nangyari. Kung kaya't sinubukan sya ni Reysha na pakalmahin.
Reysha: "Jett, kapag nahihirapan ka, wag mong pilitin ang sarili mo."
Jett: "Hindi....... K-Kailangan kong subukan."
Muling tumahimik si Jett at sa pagkakataong ito ay nagawa na nyang ikwento ang nakaraan nito.
Jett: "Ito ang nang-yari. Noong mga araw na iyon, malungkot kami mula noong naulila kami sa mga magulang namin. Pero ganun pa man, naging masaya pa rin ang pamilya namin dahil inaalagaan kami ni Tiyo. Pero ang dahilan kung bakit napakasaya namin noon.........dahil kay Ate...."
Flashback:
Apat na taon na ang nakakaraan, bago magpakamatay ang kapatid ni Jett. Natutulog ang sampung taong gulang sa na si Jett sa sarili nitong kuwarto sa kanilang bahay. Nang biglang may isang lalaki na pumasok at itinututok ang bibig nito sa tenga ni Jett.
Marco: "GISING JEEEEEEEEEETTTTT!!! TANGHALI NAAAAAAAAAA!!!"
Jett: "AAAAAAAAAAHHHHH!!!!!!!!!!!"
Sa sobrang gulat, tumakbo si Jett sa kwarto ng kapatid nyang babae. Pagdating nya, itinalukbong ni Jett ang kumot sa buong katawan nito.
Helena: "Jett!!! Ba't bigla ka na lang pumasok sa kuwarto ko?!!! Alam mo bang nagpapalit ako ng damit?!!! Hoy!!! Lumabas ka nga?!!!!"
Marco: "HAHAHA!!!! Para palang pusang ginulat si Jett!!! Akalain mo!! Lumundag sya noong nagulat sya!!"
Helena: "Kuya!! Para kang bata!!!! Ang tanda mo na, pumapatol ka pa sa bata!!!!!"
Marco: "HAHAHAHA!!! Bahala ka na nga jan sa bubuwit na yan. At tutulong pa ako sa pagtratrabaho kila Tiyo. Tsaka mag-aral kang mabuti Helena!! Tumigil ako sa pag-aaral para makapagtapos ka. Kaya sigurudahin mo!!"
Helena: "Oo na, Kuya!! Wag mo nang ulitin na ipaalala pa yan sa akin dahil ginagawa ko na ang lahat! OK?!"
Umalis sa pinto ang kapatid nilang si Marco upang tumulong sa pagtratrabaho sa kanilang Tiyuhin. Kung saan isa itong kargador noong panahon na iyon.
Pag-alis ni Marco, agad nagpalit ng damit pang eskwela si Helena nang mapansin nyang nakabalot at nakahiga pa rin si Jett sa tinutulugan niyang kama.
Helena: "Oy!! Jett. Hanggang kailan mo planong humiga jan? Hindi ka ba papasok sa school."
Jett: "Hindi.."
Helena: "Hay......nagtatampo ka na naman ba dahil sa ginawa sayo ni kuya? Bakit ba napakamatampuhin mong bata?"
Patuloy pa rin si Jett sa pamamaluktot sa higaan ni Helena nang lumapit ito at niyakap si Jett mula sa likod. Nang mga panahong ito, si Helena lang tangi nyang kapatid na lumalambing sa kanya sa tuwing nalulungkot o nagtatampo at sya rin ang tumatayong nanay ni Jett. Kaya naman napakasobrang malapit nya sa kanyang Ate.
Helena: "Halika nga dito Jett. Pwedeng alisin mo na muna yung nakatalukbong sa ulo mo?"
Lumapit si Jett sa kanyang Ate at hinagkan naman sya nito. Kung saan kinausap sya nito ng masinsinan.
Helena: "Jett, wag mong hayaan na tinatakot ka ng ganun. Lalo na kay kuya. Alam kong bastos ang sumagot sa nakakatanda, pero kapag inulit pa yun ni kuya, pagsabihan mo sya ng may katwiran. Kapag nagawa mo yun, wala ng sino man ang mang-aapi sayo."
BINABASA MO ANG
Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)
Teen Fiction****Author's Note**** If you are reading this story on any other platform other than Wattpad, you are very likely to be at risk of a Malware attack. If you wish to read this story in it's original, safe form, please go to https://www.wattpad.com/sto...