CHAPTER 18: PANG WALONG MIYEMBRO

72 8 0
                                    

Matapos matalo nila Archie, Albert, Carl at Lyrica ang multo sa Arcade, masayang ikwinento ng tatlo ang karanasan nila sa Arcade kahapon maliban kay Albert na malalim ang iniisp. Napanatag naman sina Lunabelle, Aileen at Rochel dahil sa ligtas silang nakauwi at nakabalik sa school.

Kaya si Lunabelle idineklara ng "Case Closed" ang pagmumulto sa Arcade at ihiniwalay ang litrato ng Arcade mula sa folder ni Kalano.

Lunabelle: "Hay....buti naman! 1 down!! 7 to go!!"

Aileen: "Buti nga may isang kaso sa folder ni Kalano ang natapos na din ng tuluyan. Siguro mawawala na din ang sinasabing malas sa club mo, Lunabelle."

Lunabelle: "Oo nga, Aileen. Sana nga may mga bagong members na sumali sa ating club para madagdagan naman ang mga members natin."

Habang nag-uusap sila sa club room, napansin ni Lyrica na nakatutok si Albert sa isa sa mga litrato

Lyrica: " A...Albert? May problema ka ba? Na...napansin ko, kanina ka pa tahimik jan."

Albert: "Hmmmm......."

Carl: "Albert?!! Hello?!!! May tao ba jan sa loob ng utak mo?!!!"

Albert: "Carl, narinig kita!"

Carl: "Narinig mo ako?! Pero si Lyrica hindi?!"

Tumingin si Albert kung saan nakaupo si Lyrica at taimtim lamang na nakatitig ito sa kanya.

Albert: "Ehh....Lyrica, pasensya ka na. Hindi kita narinig."

Aileen: "Hindi mo sya narinig?!!! Albert, lumulutang ba sa kung saan ang isipan mo ha?!!"

Albert: "Guys, pasensya na. Hindi ko kasi makalimutan yung nakita ko kagabi."

Lunabelle: "Bakit, Albert? Anu bang nakita mo?"

Ipinakita ni Albert ang litrato ng isang sunog na bahay mula sa folder ni Kalano.

Archie: "Insan! Anung meron sa litrato na yan?"

Albert: "Nakita ko yung multo ng lugar na yan."

Lunabelle: "Nakita mo?!!! Anung itsura?!"

Albert: "Sa maniwala kayo't sa hindi, isang nag-aapoy na hugis tao ang nakita ko jan sa mismong lugar na iyan kagabi."

Carl: "Na..nag-aapoy na tao?!! Sigurado ka ba?!!"

Albert: "Sigurado ako sa nakita ko!!"

Lunabelle: "Kung ganun, eto na ang pangalawang kaso natin, kung saan, ako ay nakapag-RESEEEEAAAARCH!!!!!!!!!"

Aileen: "Kailangan ba talaga na ipagsigawan mo pa?"

Agad na nilabas ni Lunabelle ang kanyang notebook mula sa kanyang bag. Naghihintay naman ang mga ka-club nya at handa ng makinig sa kanyang sasabihin nang makita ni Rochel na walang lamang sulat ang kanyang notebook.

Rochel: "Lunabelle. Nagresearch ka ba kagabi?"

Lunabelle: "Ang totoo, hindi. Nanood ako ng K-Drama kagabi."

Nadismaya ang lahat ng inakala nilang nakapagresearch na ito tungkol sa mga litrato.

Albert: "PAMBIHIRA KA LUNABELLE!!!!! Akala ko pa naman may impormasyon na tayo sa isang iyan na nakita ko kagabi!!!!"

Lunabelle: "Eh sorry na!! Nakalimutan ko eh!!"

????: "Pasalamat kayo. Nakapagresearch na ako para jan sa assignment nyo."

Ang Misteryosong Walong Litrato ng Selma High Camera Club (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon